Chapter 12
<Ryza’s POV>
Haaaay! Umaga nanaman. Akalain mo nga naman na galing na nga ako sa pag tulog e pagod parin ako? Pano kasi itong mga kasama ko, pinuyat ako. Parang hindi sila pagod sa mga pinag gagawa nila sa park a?
Pagkababa ko ng hagdan, mukha nung pito nanaman ang nakita ko. May natugtog uli na party songs kaya pasayaw sayaw sila habang nagluluto, naglilinis, at kahit si Jeremy na nag tu-tooth brush e hindi parin napipigil sa pagsayaw.
Ganyan talaga nila kamahal ang pag sayaw e. Ako ba? Ewan, nagawa ko kasing pigilan to ng medyo matagal. Bigla lang talagang hindi napigilan ng katawan ko ang gumalaw nung napapunta ako sa stage e. Ang weird sa pakiramdam pero feel ko nailalabas ko ang sama ng loob ko.
Si papa? Ayun, medyo naguiguilty parin ako at sobrang miss ko na siya pero naiiwasan ko nanaman nang malungkot ng sobra pag iniisip ko na sasayaw ako at tinatawanan ako. Naniniwala pati ako na si papa talaga ay nagbigay ng sign. Bigla ba namang tumugtog yung feedback e yun yung pinaka-paborito naming sayawin dati two years ago. Pano ba naman kasi, dito kami sobrang nag-enjoy gawa ng bawat isa sa amin ay nag-contribute ng kanya kanyang steps for the first time. Ohaaa
After kong maghanda para sa school, iniwan ko nalang sila doon sa bahay. Hindi na ako nagpahatid kasi kaya ko nanaman.
Parang ang daming nangyare this past few days e. I feel soooo tired, as in define haggard. Tamo at ang bagal bagal ng mga pangyayari dito sa kwentong ito, talaga bang bawat araw may kwento? Hindi ka naman masyadong nagdedetalye ano Lariza? Magka-rhyme pa yung name natin! Nananadya ka ba? Di bale na, parehas naman tayong maganda. BWAHAHAHAHA xD
Dumeretso nalang ako sa room habang nakatungo, wala ako sa mood makipag-usap kasi pagod ako… 30 minutes early naman ako kaya madami pa akong oras para mag muni-muni..
“Hey, Ryza!”
Napatingala ako sa tao na nasa harap ko at tumawag sa akin. Sinisira niya yung pagbubuo ko ng deep thoughts e! Tsk.
Pero okay lang pala. Ang gwapo at mabait na si Seph lang pala ito. Hindi ko naman napigilang ngumiti kasi nasa harap ko siya ngayon. Ewan ko ba, ang komportable niya kasing kasama. Laging may buhay pati alam mo na matino talaga. Di gaya nung iba… Aaah! Kailangan ba sisingit siya sa thoughts ko? Erase erase!
“Seph? What brings you here?”
“Aba! English na English ka jan a! Ikaw na!” Sabin a Seph naa medyo natatawa. “May ipapaalala lang sana ako sayo at sana ay hindi mo nakalimutan.”
“Huh? Ano yun? Inakit mo ba ako sa isang date at nakalimutan ko? Bakit ngayon mo lang pinaalala? Nakakahiya tuloy! Hindi ba kita sinipot? Matagal ka bang nag-intay? Nakuuuuu..”
Eto ako, nag-aalala at mukhang problemado ng biglang tumawa ng malakas si Seph.
“You’re really one of a kind, eh?” Sabi niya habang unti unting pinipigilan ang tawa niya.
“Anong one of a kind ang pinagsasabi mo?” A a. Kung nakikita niyo lang mukha ko. Paiyak na kooo! T_T Pinagtatawanan ako! Past is past Ryza, past is past!
Hindi na ako nakasagot kasi parang may nagfoform nang tears sa mata ko. OA ano? Pero na-trauma lang talaga ata ako. Feel ko may mangyayaring masama pag pinagtatawanan ako :/
Umupo naman si Seph sa bakanteng upuan na nasa harap ko. “Hu-huy. Why are you crying?” Hinawakan naman niya chin ko at medyo itinaas para magkaharap kami. “Dahil ba tinawanan kita?”
Pinilit ko namang umimik sakanya… Be strong Ryza!
Pero syempre, hindi parin ako umimik. Tumango nalang ako as a respond. Atleast may nasagot ako dib a?
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)