Chapter 4
<Ryza’s POV>
“Hey, be careful, okay?”
Lub lub. Lub lub. Lub lub.
“Ryza, gising! Huuuy!” Natauhan naman ako at tumayo na ng ayos. Ano ba ito nakakahiya >.<
“Are you okay?” Tanong sa akin ng gwapong nilalang na ito.
“A-ah, y-yes! I-I’m okay. Thank you….”
“Joseph Samonte, Seph for short. And you are?” Ow juskopo! Bat siya ngumiti?! Parang.. Parang.. Aaaaah! Poof. Tunay na ako. THE END.
Pero joke lang. Haha! At dahil dun sa ngiting yun, hindi na ako naka-imik. Ene be! Ba’t ganito? Masyado ata akong na-star struck *_*
“Seph! She’s Ryza. You could call her Ry to if you’d like.” Whew! Life saver ka talaga kahit kelan Kath! Kaya labsss talaga kita e!
“Ow! I know you!” Bigla namang sinabi sakin ni Seph habang nakaturo sakin. Nakakagitla naman ito =_=
Pero…
“Ha?! Kilala mo ako?”
“Yeah! You’re that ice cream girl! Hahahaha.” Ay, yung insidenteng yun pala. Psh. Cedric conversation pala ito…
“Ow, that…” Napatingin nalang ako sa sahig. Ayaw ko kasing maalala yun, plus, tinatawanan pa ako niitong gwapong nilalang sa harap ko. Tss
Nilampasan ko nalang siya habang busy pa sya sa pag-tawa. Parang nakaka-insulto naman kasi e. The nerve of this guy..
“Hey, We-wait!” Ako ba sinasabihan niya nun? Psh. Ayaw ko nalang pansinin. Magsama sila ng mokong group nila. Babalik nalang ako sa classroom…
- Classroom -
Nang makapasok ako dun, napansin ko na wala pa si Mr. Sungit, este Cedric pala. Mabuti narin siguro yun, after naman niya ako tulungan tapos sabihing he despises me? E wala. Ang awkward lang para pag nagkaharap pa kami.
Naglipas ng parang wala lang ang tatlong subject ngayong umaga at lunch na. E, wala naman akong gana kaya nag-stay ako sa room. Sinabi ko nalang kay Kath na dito muna ako, baka magutom lang siya pag sinamahan pa niya ako dito..
Weird man pakinggang pero sobrang nalulungkot ako pag pinagtatawanan ako ng tao e, naaalala ko lang kasi yung nangyari kay papa…
* Flashback *
“Pa! Manuod ka naman ng performance namin sa park o!” Pilit ko’ng hinihigit si papa para makita naman niya akong sumayaw. May kumuha kasi sa amin para sumayaw sa isang event. “Pupunta ka papa ha? Mga 8pm po yun :)”
“Hindi ko alam anak e, may gagawin pa ako, hindi ba pwedeng ang mama mo nalang?”
“Eeee! Alam niyo naman po na wala dito si mama ngayon o. Limot nyo nap o ba? Bukas pa uwi niya! Daliii, wala ka namang kasama dito e…” Mapilit talaga ako, bakit ba? Hahaha. Gusto ko lang naman g mapanuod ako ni papa para talagang may lakas ng loob akong magperform mamaya e. “Hala, sige na nga.” At ayun! Pumayag na siya! Yeheeey!
“Thank you po papa! Una na ako ha? May rehersal pa kami e. Basta pupunta ka ha? Text mo po ako! I love you sooo much! Mwa!” Dumeretso na ako sa pinto at pumunta na sa dance studio.
After 6 hours, ready na ang grupo naming sumayaw. Nasa backstage na kami, nandun kaya si papa? Sumilip naman ako sa labas at ayun, nakita ko sya sa bandang likod, kumaway pa nga e, nakita niya ata ako. Talagang nasa mood akong sumayaw ngayon ^^
At dahil ako lang ang babae sa grupo, medyo daring ang suot ko ngayon. Maigsi yung short e, pero naka-manipis na stockings naman ako, yun lang, medyo labas ang cleavage at likod. Keri lang to! Washuuu.
Nung nasa kalagitnaan na kami ng sayaw namin, may narinig kaming putok ng baril…
BANG!
“Aaaaah!”
Napatigil kami sa pagsasayaw ng makakinig ng irit ng babae doon.
“Tulong! Tulong! May lalaking nabaril dito!” Sigaw naman nung babae. Kinabahan ako bigla kasi may nabaril. At dahil may lahi akong chismosa, sumilip silip ako kung saan yung kaguluhan, bigla ko namang napansin na yung kaguluhan ay nangyari doon sa pwesto ng papa kanina. Hindi kaya…..
Agad akong tumakbo doon at sumingit sa mga tao na nakahara sa daan, nakita ko doon si papa… Duguan at walang malay, nakahiga sa sahig.
“Papaaaaaa!” Agad akong lumapit sakanya pero inilayo ako nung mga dumating na pulis, iniintay lang daw nila ang ambulansya. “Ano pong nangyari?! Sabihin niyo?!” Sigaw na ako ng sigaw habang umiiyak nang biglang hinawakan ako sa braso ko nung ale na sumisigaw kanina…
“Ining, nabaril siya ng mga tambay na naandito kanina…”
“Alam kop o na nabaril siya, pero bakit? Wala naman po siyang ginagawang masama, pinapanuod lang niya ako dito para suportahan ako…” Mahina kong sabi habang umiiyak parin. Ang sakit sakit ng nangyari, sobra…
“Sa pagkakakinig ko, pinagtatawanan ka ng tatlong tambay dito kanina habang nasayaw ka sa stage, nakinig naman ito ng papa mo at nagalit. Sinuntok niya yung isa at napatumba, pero ang hindi niya alam ay may dalang baril yung kasamahan nito. Mukha ngang lasing yung tatlo e…”
Matapos kong marinig ito, lalo na akong umiyak at napaluhod sa may kinahihigaan ni papa. Kasalanan ko ito! Kung hindi ko siya pinilit hindi siya mawawala! Kung hindi ako sumayaw walang mangyayaring ganito… Tinawanan lang ako nung mga tambay tapos yun na ang sinapit ni papa…
Dumating nanaman na ang ambulansya at sumama ako, pero dead on arrival na si papa at wala nang nagawa ang lahat.
Wala nang nagawa… Wala na si papa…
* End of flashback *
Umub-ob ako sa desk at umiyak. Maya maya ay nakatulog na ako…
<Cedric’s POV>
Haay. Ano ba yan, nakakapagod namang mag-asikaso ng para sa auditions mamaya e. Papirma dito, papirma don. Kailangan ko kasi ng permission para sa pag-gamit ng auditorium at sound system. Ba’t ba kasi hindi ko kaagad to ginawa last week? Tss. Gawa ito nung showdown nay un, nag-abala pa ako. Buti nalang at pumayag yung adviser naming na excused muna ako sa klase…
- Classroom -
Sa dinami dami nga naman ng makikita mo dito, yung babaeng salot pa. Buti nalang at naka-ub-ob ito sa desk niya, for sure hindi na ako makukulit nito.
Umupo nalang ako sa desk ko at nag-sound trip. Tapos na ako sa mga aasikasuhin ko kaya nagpahinga nalang ako dito. Napalingon ako sa side ni Ryza at napansin na may basa basa sa desk niya. Umiyak ba ito?
At dahil curious ako sa tubig tubig sa desk niya, tinusok tusok ko siya sa braso gamit ang daliri ko. At effective naman, bumangon siya. Mukhang nalugi ito ng isang milyon a?
“Uhhh.” Sabay unat. “Bakit, *yawn* Ay! Nakatulog pala ako!”
“Ay hindi hindi. Umiiyak ka ba kanina?”
“Umi..Umiiyak bagang? Hi-hindi no!”
“Asus! Denial ka pa, e tignan mo nga yang desk ko may tubig tubig pa. Don’t tell me laway mo yan? Hahahaha! Tulo laway!” May kasabihan nga sila na asarin mo na ang lasing, hwag lang ang bagong gising, pero hindi ko mapigilan e. Ang sarapasarin ng taong kinamumuhian mo! Bwahaha
“Tss. Di yan laway. And don’t talk to me.” Aba? Ako dapat ang nagsasabi nun a?
“May pa-don’t talk don’t talk to me ka pa jan. Tch.”
“Ba’t mo pa ba ako kinakausap? Di ba you despise me? Hmp!” Tumayo na siya at umalis ng classroom. Meron ba yung babaeng yun? Ang taray ha, siya lang ang babae na nakakapag-taray sakin ng ganun e. Sarap sambunutan ng maiksi niyang buhok! Grr.
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)