Chapter 10 - Holding Hands

144 4 1
                                    

Chapter 10

<Ryza’s POV>

Parang wala nang maigaganda pa ang araw ko. Una, ang daming nakakita sa aming dalawa ni Cedric kanina. Gawin ba naman yun sa may gate? Alam nya namang madaming tao dun diba? Nakoooo!

Ayos na sana e. Oo, napagtitinginan nga kami kanina ng mga kaklase ko at nagbubulungan nung pumasok kami. For sure, nakita nila yung kanina.

Pero ito namang si Cedric ay sumigaw ng, “Bubulong bulong niyo jan?!” Kaya ayun, nanahimik nga naman sila. Scary kaya itong monster na ito! Hahaha

Pero hindi lang pala hanggang dun ang lahat kasi biglang may umimik sa intercom nung second subject na namin…

“Mr. Cedric Montano and Ms. Ryza Marie Quinto, please proceed to the principal’s office now. Mr. Cedric Montano and Ms. Ryza Marie Quinto, please proceed to the principal’s office now..”

Matapos yung announcement na yun, gustong gusto ko ng lamunin ng lupa. Lahat naman kasi sila nagtitinginan at parang nanloloko yung mga tingin. Yung mga nagbubulungan naman kanina ay ipinagpapatuloy yung tsismisan nila. Naman e! Hwag nga sila masyadong obvious! Kung makabulong ay wagas, patingin tignin pa samin. Tss.

“Tara na. Hwag mo na silang pansinin.” Nag-nod naman ako at sumunod na kay Cedric papalabas ng classroom.

Dahil nga may kalayuan yung principal’s office, ang tagal naming nagtravel ng sobrang tahimik. Wala namang tao sa corridor kasi kalagitnaan palang ng mga klase ngayong umaga.

Makikita nyo lang ako dito na panay sulyap dito sa kasabay ko’ng maglakad. Wala akong pake kung napapansin niyang pinagmamasdan ko siya.

“Pasok ka na.” Yan nalang ang nasabi sakin ni Cedric nung nakarating kami sa harap ng principal’s office. Sus! If I know, scared din itong isang ito!

Nag-knock nalang ako ng dalawang beses tapos pumasok. Nakakahiya naman yata kung papasok kami ng biglaan kahit na kami lang naman ang inaasahang magpapakita dito.

Sumenyas ang assistant na tumuloy kami sa loob ng office ng principal ata agad naman kaming dumeretso doon. Pagkapasok namin, nakita namin si Ms. Patty na nakatayo malapit sa principal. Parang alam ko na kung anong mangyayari pag nakikita ko si MS. Patty a…

“You two, take your seats please.” Itong si Cedric naman parang ang relax relax, nakakaasar. Hindi ba siya affected sa mga nangyayare? Bat parang ako lang ata? Oo, ako nga lang..

Umupo kaming dalawa ni Cedric doon sa may harapan ng table ng principal habang ako naman ay nakatungo.

“Now that the two of you are here, Ms. Placino and I discussed a few things about the dance troupe..” Napalunok ako sa kaba dahil walang pumapasok sa isip ko ng kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito. “It seems that Ms. Patty has a new member, and that’s you Ms. Quinto.”

“Ah, e.. Totoo po ba talaga? Hindi po kasi ako nag-audition, parang ang unfair naman po.”

“Ano ka ba hija, sa galing mo’ng yan, hindi mo na kailangang mag-audition!” Naman e. Ayaw ko sa lahat ay pinupuri ako ng ganito. Nakakahiya lang, ang daming alam ni Ms. Patty e. Tss

Tinitignan ko naman itong si Cedric at nagsesenyas na magsalita siya pero wala, nagshrug lang siya.

“As I was saying, hindi ba at mayroong program ang school after ng exams? Sa convention center kasi yun, more like event. Get my point?” Nag-nod naman kaming dalawa sa sinabi ng principal. “You, Mr. Montano, as the dance troupe’s president and one of the best dancers here, ay ang unang pinili ni Ms. Placino para magrepresent.” Sabi ng principal habang nakatingin kay Cedric.

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon