Chapter 23 - The First Performance

115 4 0
                                    

Chapter 23

<Ryza’s POV>

Ito na nga po ang pinakahihintay ko. Parang ang bilis ng panahon. Well, ang bilis nga naman talaga.

Tapos na kaming mag-exam, at andito kami ngayon ni Ced sa backstage. Nakaayos kami at hinihintay nalang sabihin ng MC ang pangalan naming dalawa para magperform.

Sobrang kinakabahan na ako dito. >_<

Tinignan ko mga palad ko.. Jusko po nagpapawis! Grabe, nakakahiya to. Pasmado. Eww.

Hindi kami nagiimikan ni Ced at nababaliw ako! Bwisit to. Bakit siya parang chill lang samantalang ako kinakabahan ng ganito? T_T Define unfair!

Breathe in. Breathe out.

Kaya ko to. Kaya ko to.

At sa gitna ng pagtatanggal ko ng kaba, may biglang lumitaw sa harap ng mukha ko.

“Good luck!” Nakangiting sabi ni Seph habang hawak hawak yung pink na rose. Opo, pink na rose. Araw araw niya parin akong binibigyan.

Kinuha ko naman ito at pinatwirl twirl. “Thanks!” Then nagtiptoe ako para maabot ko siya para makiss ko ang cheek niya.

“Tss.”

Napalingon naman kami ni Seph dun sa pinanggalingan nung ‘tss’ na yun. Sino pa ba? Si Ced lang naman ang kasama namin dito eh -___-

“May problema ka ba dre?” Tanong sakanya ni Seph habang nilalaro laro yung kanang kamay ko. Eeeh! Pasmado ba yun! Nakakahiya!

Masungit namang lumingon sa amin si Cedric. “Wala.” Tapos humarap na ulit siya sa pader. “Kinakabahan lang ako.”

“Weh?” Sabay naming sabi ni Seph kaya nagtawanan kaming dalawa. Hihihi. Sabay kaming nag-weh o! ^__^

“Yun pa? Kabahan?” Bulong naman sakin ni Seph. Nagkibit balikat nalang ako habang pilit na tinatanggal yung kanang kamay ko sakanya.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Seph dahil sa inaakto ko. Ee! Nakakahiya kaya talaga >__< Basa basa yun tapos natitiis nyang hawakan?

“Basaaaa. Nakakahiya >_<”

Tumawa siya ng mahina at kinurot ang ilong ko. “Ano naman kung basa? Kamay parin naman yan ng taong gusto ko.”

Yeee! Kilig to the bone marrows nanaman ang lola niyo! :”)

Grabe. Sobrang namiss ko itong si Seph! Puro kasi kami practice ni Ced eh. Tapos nagexam pa. Tapos president pa itong si Seph. Ayan tuloy, laging walang time. At sa kasagsagan ng kawalan ng oras ay anjan parati yung pink rose niya :”)

Ano ba yan! Hindi pa kami ni Seph tapos kikire ako ng ganito. Well, di nyo rin naman ako masisisi. Bawal tuanggi sa grasya ;)

Pero ito namang si Ced, napakalaking disgrasya. Tss! Paalisin ba naman bigla si Seph? Di ko talaga alam kung bestfriend ko to o mortal enemy >_<

“Huy! Bat mo pinaalis yun?” Sabay palo sa braso niya. “Hindi man;ang ako nakapag-paalam!”

*POK*

“Aray! Masakit huh! >3<” Tapos hinimas himas ko yung noo ko. Bwisiiit. Ang sakit ng pitik ni Ced kahit kailan.

“Kasi po malapit na po tayo at lilipat na po tayo dun.” Then he pointed at the stage entrance. “At nagpaalam po siya sayo, di ka lang nakikinig.”

Huh? Nagpaalam pala sakin si Seph?

At sa gitna ng pag-iisip ko ay bigla akong hinatak ni Ced.

“Tama ka na nga jan! Malapit na tayo!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon