Chapter 3
<Ryza’s POV>
“Anong sabi mo?!”
“Mama, sa tabi nalang po!” Agad agad ko itong sinabi para tumigil na yung jeep at bumaba, ang sikip sikip na nga dun e nakatabi ko pa yung masungit na yun!
Sumunod nalang si Ryza sa kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. Halatang galit nag alit ito kay Cedric dahil palagi niyang sinisipaang mga bato na nakikita niya sa dinadaanan niya…
Aaaaah! Nakakaasar talaga yung Cedric na yun! Ako na nga ang nag-sorry, susungitan pa niya ako? Akala mo kung sinong gwapo e! Napababa tuloy ako sa jeep ng wala sa oras! Tss..
-_-
-_O
O_O
“Siyett! Nasan na ako?!”
Hindi namalayan ni Ryza na sa sobrang asar niya ay napapadpad siya sa isang lugar na hindi siya pamillyar. BAgong lipat nga lang kasi siya dito noong isang araw kaya wala siyang alam sa mga pasikot-sikot dito. Hindi na niya alam ang gagawin niya, lakad siya ng lakad at halatang takot na takot. Hindi naman niya mahanap sa bag nya ang cellphone niya para matawagan ang mama nito. Marahil ay naiwan niya ito sa food court kanina kasi pinaglalaruan niya ito sa table nubng mga oras nay un.
Lakad. Lakad. Lakad…
“Aaah! Ano ba ito! Gabi na. Huhuhu. Nakakatakot.”
Sa sobrang pagod ay napatigil siya sa paglalakad, nakakita naman siya ng isang maliit na park. Walang tao doon kaya lalo siyang napanghinaan ng loob dahil walang tutulong sakanya. Umupo nalang siya sa iasng bench at doon na nag-iiyak.
<Cedric’s POV>
“Anak! Pumunta ka nga muna sa mini mart, ito ang listahan ng mga bibilhin o.” Pagkauwing pagkauwi ko ay inutisan agad ako ni mama. Nakakaasar naman, nasan ba yung ate ko? Ba’t hindi nalang siya. Tss. Inabot ko nalang yung listahan at binigyan rin ako ni mama ng pera. No choice ako e. Dali dali ako nagpalit ng pambahay at lumabas na para maglakad. Ayaw ko sumakay, medyo malapit lang naman e, liliko lang ako sa isang abandonadong kalsada, liliko pa ulit, tapos mamamangka ng apat na ilog at aakyat ng tatlong bundok at ayun na yung mini mart. Lapit no? Pero joke lang. Dadaan lang ako dun sa lumang parke, liliko sa kanan at tatawid ng dalawang kanto tapos lalabas ng village ay nasa mini mart na ako.
Nag-sound trip nalang ako habang naglalakad para malibang ako kahit papano, medyo malayong lakaran din kasi yun.
Nagpatuloy sa paglalakad si Cedric nang makita niya na ang lumang parke. Medyo nakakatakot nga doon kasi wala namang napunta o nadaan dun.
“Ahuhuhuhuhuhu..”
Huh? Ano yun? Ba’t may naiyak?
“Ahuhuhuhuhu..”
May nantritrip bas a parkeng ito at nananakot? “Hoy! May tao ba jan?”
Sinundan ko kung saan galing yung iyak na nakikinig ko. Napansin ko na doon sa isang bench, may nakaupong babae. Naka-uniform pa siya kaya sigurado ako na school mate ko ito. Ba’t naman kaya siya naiyak?
Nilapitan ko yung babae. “Miss? Bat ka naiyak jan? May problema ka ba?” Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para ibigay sa kanya. “Eto ang panyo o, tahan ka na.” Nang tumingin sa akin yung babae, hindi ko inaasahan na makikita ko doon si Ryza na umiiyak..
“Huhuhuhuhu. Mi-Mr. Sungit? Huhuhuhu”
“Ha? Mr. Sungit ka jan?! May pangalan ako no ! Cedric! Cedric pangalan ko! Itatak mo yan sa kukote mo!” Nakakaasar itong babaeng ito a, sa dinami dami ng tao na pwedeng umupo dito para umiyak ba’t siya pa? Teka…. Ba’t nga ba siya naiyak?
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)