Ayan! After 243586890 years nakapag-update na ulit ako!
Sorry sobrang inugat na ito, babawi ako :DDD
--
Chapter 18
<Ryza’s POV>
Eto na! Totohanan na!
Matapos ang Monday na wala naman kaming ginawa ni Cedric…
Sa wakas nagsimula na kaming magtraining talaga! Akalain mo nga namang may magagawa pala kami nun.
At infairness, magaling nga talaga siya. Di ko nga akalain kasi wala sa mukha! Daig pa ata ako nun e >3<
Hanggang Friday, nagpractice lang kami ng totohanan, seryosohan, pero may kaunting kulitan.
Ewan ko ba! Si Cedric kasi e! Ang daming pakulo! It’s either mantritrip nanaman siya o magtataray ako, puro ganun kami kaya never talagang naging boring yung training/practice namin ^___^
As for Seph?
Ayun, sobrang sweet parin niya. And this time, hated sundo na niya ako. Approve naman si mommy sa panliligaw ni Seph. It’s time naman daw para ako ang maghanap ng kaligayahan ko.
Ang korni korni nga ni mama e. Hopeless romantic kasi yun si mi, ikanga ni di. Hahahaha. Huhuhu. Namimiss ko nanaman si daddy TT___TT
Balik kay Seph, ayun, pwede na akong magtayo ng flower shop sa mga pink na rose na binibigay niya. Sobrang effort nga niya e. Tuloy, nafifeel ko na hindi ako deserving sa lahat ng ito.
Bakit kamo? E kasi yung mga tao sa paligid lagi nalang kaming pinaguusapan.
Este, ako lang pala. Bakit daw ang pakipot ko pa at kung sila daw sa kinatatayuan ko, sasagutin ko na daw si Seph.
E hello!? Wala pa nga siyang isang buwang nanliligaw! Pati wala pa yung talagang motive para mapasagot niya talaga ako. AT! Wala parin akong alam sa mga ligawang ito, pasensya na. Hahahaha!
Okay, tama na ang pagrereminisce, balik na tayo sa kasalukuyan…
Sabado ngayon, nasa school kami ni Ced, nagprapractice na kasi may binigay ng music si Ms. Patty samin. Yun na daw ang isasayaw namin for the ‘event’.
“Okay. Water break muna tayo, nakakapagod kang kasama e.” Sabi ni Cedric habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang arm niya.
Nakakaasar lang ha! Nakakapagod akong kasama? E ako nga ang tagaktak ng pawis dito. Feeling naman niya pawisan talaga siya -___-
“Yabang mo. Wala ka nga jang pawis! Di ka kasi nag-eeffort.”
“Ako pa talaga ang hindi nag-eeffort? Hindi lang ako pawisin, unlike you..” Tapos tinignan niya ako ng head to toe. “Eeeew!”
Ha? Ako? Eew daw? The nerve!
“Ang kapal!”
“Ng kagwapuhan ko? Alam ko.” Tapos tumawa nanaman siya ngg wagas! Feel ko nilalamig na ako sa sobrang kahanginan ng lalaking ito -___-^
“Cedric?”
“Yea—Ow! Sh*t! Ryzaaaaaa!”
Bakit siya napamura?
Hinilamusan ko lang naman ng tubig. Hahaha!
At ngayon, hianahabol niya na ako. Kaya ako, natakbo for dear life!
“Huli ka!” Sabay hawak sa dalawang balikat ko.
Pilit naman akong kumakawala pero wa-epek parin. Siya na, siya na talaga ang malakas.
Hinarap niya ako sakanya at sinamaan ng tingin. “Bakit mo ako binasa ha?”
“Tinatanong pa ba yan? Para magising ka sa katotohanan!” Tapos tinigtan ko rin siya head to toe. “Na hindi ka naman talaga gwapo. Eeew.”
Tapos nagkulitan na ulit kami. Ganda ng water break namin ano? Hahaha
After naman ng maghapong practice namin, nagpahinga na kami ng saglit. Umupo na ako sa floor at siya naman ay katapat ko, pero sa kabilang dulo pa ng dance room.
Record breaking na katahimikan na sana pero bigla nanaman itong binasag ni Cedric.
“Ryza?”
“Hmm?”
“Can you be my bestfriend?”
“…”
Feeler naman ng lalaking ito! Ano kammi? Close para maging magbestfriend?
Talaga Ryza? Hindi pa ba close ang araw araw magkasama?
Okay, inaaway na ako ng konsensya ko ~_~
“Huy, Ryza. Ano na?”
“Bakit mo naman biglang nasabi yan?”
“Ano.. Kasi, wala lang. Komportable na talaga ako sayo. Pati.. Wala nga lang. Basta!”
“Galit ka na nyan?”
“Hi-hindi. So ano, payag ka? Close naman na tayo di ba?”
“I gues..”
Tapos tumungo ako. Maya-maya, napansin ko na may humigit sa akin tapos hinug ako.
Si Cedric.
Kahit puro pawis siya, okay lang. Mas madami naman pawis ko e! Hahaha.
Yung hug niya, parang feel ko protektado ako. Ang gaan sa pakiramdam.
“So, bestfriends na tayo ano? Gusto ko lang kasi, lagi kang proprotektahan. Okay lang ba sayo? Na yung nanjan man si Seph o hindi, andito parin ako sa tabi mo…” Bulong ni Cedric habang naka-hug parin siya sakin.
Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang nalanghap ng lalaking ito dito sa dance room pero parang nalanghap ko narin yun.
Na-touch ako ng sobra sobra sa sinabi niya kaya hinug ko narin siya.
Nanatili lang kami sa ganung pwesto ng mga 5minutes siguro?
“Uhh, Cedric?”
“Oh. Ryza?”
“Awat na…” Tapos bumitaw na ako sakanya. “Ambaho mo na e!”
And what do you expect?
Kahit pagod na kami, nagkukulitan parin kami hanggang sa dumating na ulit si Seph.
“O, Ryza! Nanjan na pala sundo mo e!”
“Hindi hindi, wala pa.”
“Whatever! O, Seph. Mag-iingat ka jan sa babaeng yan. Baka mahawa ka sa kabahuan niyan!”
Eh? Mabaho ako?
Amoy..
Amoy..
“HAHAHAHA! Inamoy talaga ang sarili? Uyyyy. Concious!”
“Che! Seph, tara na. Iwan na natin yan dito. Mabulok sana…”
“Ah, teka Ryza.” Tapos nagsmile siya sakin. “Ced, usap lang tayo dre.”
“Ako?”
“May nakinig ka bang Theo? Sioty? Di ba Ced daw?! Bingi lang?”
“Kausap ka?”
“Eh! Wala kang kwentang bestfriend!”
Tapos umalis na muna ako sa dance room. Sabi nalang ni seph na intayin ko nalang daw siya sa may bench na malapit sa lockers. At syempre, no choice at pumayag ako. Alangan namang makisali ako sa pag-uusapan nila?
Pero.. ano kaya yun? Naiintriga tuloy ako…
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)