Chapter 19
<Cedric’s POV>
“Po? Naman e! Akala ko ba bukas na ang uwi niyo?”
“Ano ka ba bunso! Pagbigyan mo na kami ni ma, hindi kami bumabata e. Jan ka muna ha? Sige, babush!”
“Pero---Aish! Binabaan ako -___-“
Ano ba yan! Akala ko uuwi na bukas sina mama at ate, nabubugnot na ako dito sa bahay e.
Pero, okay rin lang naman, kaya ko naman talagang mag-solo e.
Humiga nalang ako sa kama at nagmuni muni, wala naman ako sa mood kumain e.
Naaalala ko tuloy yung pinagusapan namin ni Seph..
FLASHBACK…
Naglakad na paalis si Ryza ng dance room kasi sabi ni Seph ay intayin nalang daw siya nito sa may mga locker.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin nitong si Seph?
“Dre, ano ba yun?” Seryoso kong tanong sakanya.
Aba, seryoso din yung mukha niya kaya dapat magseryoso din ako.
“It’s about Ryza…”
Ryza?
“What about her?”
“*Sigh* Dederetsohin na kita kasi ayaw kong nag-iintay siya.. Wala ka bang gusto sakanya?”
Gusto? Kay Ryza?
Wala nga ba akong gusto kay Ryza?
“Ano dre? Di ka na nakaimik?”
“A.. Ano, wala a! Ano ka ba! Besides, ikaw ang manliligaw niya…”
“Gusto ko lang malaman ang sagot mo mismo. Ayaw ko lang naman maulit yung..”
“Oo na dre. I get it. Ayaw ko rin maulit, kaya please, hwag mo na ipaalala.”
“Okay. Sige, aalis na ako.”
END OF FLASHBACK.
Tsss. Nababadtrip lang talaga ako. Naalala ko nanaman yun! Bwisit talaga!
Itututlog ko nalang ito.
-Kinabukasan-
Maagap akong gumising kasi may practice kami ni Ryza ngayon. See? Ang seryoso ng bagay na ito kaya pati Sabado hindi pa pinalampas.
Napapagod na ako -___-
Buti nalang anjan ang akong best friend…
Si Ryza. Yea, best friend. Di ko rin alam kung bakit. Pero yun na yun.
8am ang usapan namin ni Ryza kaya 7:30 palang ay umalis na ako ng bahay. Ang napaka-lungkot na bahay…
*Yaaaawn* Ano ba yan. Kanina pa ako humihikab! Hirap naman kasing makatulog =__=
Pagkababa ko ng jeep, nakita ko na kagad si Ryza, syempre kasama si Seph.
Ayaw ko namang tumunganga lang ako kaya nilapitan ko yung dalawa.
“Yo! Seph! Good morning!” Tapos umakbay ako kay Ryza. “Kumusta ang tulog ng best friend ko? ^__^”
“Abaaa besss! Ambango natin ngayon a!” Sabi ni Ryza
“Syempre naman! Hwag mo akong igaya sayo na pag-pinawisan ay bumabaho! Wahahaa.”
*PAK*
“Aray ko naman Ry! Bat mo ginawa yun?”
“Hindi ba obvious dre? Niloko mo si Ryza. Haha!”
Tss. Di kita kausap Seph! +__+
“Sabi ko nga. O ano, practice na tayo Ry?”
“Tara! Alis na kami Seph a!”
“Sige. Hindi kita masusundo mamaya ha? Mag-iingat ka. *tsup*”
Abaaa! At may pahalik halik pa sa noo! Sa harap ko pa ha! Tss
Teka Ced, bat ka ba nagseselos? Erase erase!
Pinanuod nalang naming umalis si Seph bago kami tumungo papasok ng gate.
Ewan ko, wala ako sa mood magsalita kaya mananahimik nalang ako.
<Ryza’s POV>
Hmm. Bakit ganito itong mokong na to?
Kanina pa to tahimik a?
Makulit nga..
*poke poke* “Yuhoo. Cedric? Nasa Pilipinas ka pa ba?”
Eh? Tama bang dedmahin lang ako!
*PAK PAK*
“CED! NASA PILIPINAS KA PA BA SABIII E!”
Tumingin siya sakin..
Wooo! Nakakatakot >o<
Pwede na akong lamunin ng de-tiles na corridor na ito!!!
Pero after niyang tumingin sakin, binaling na niya ulit yung atensyon niya sa dinadaanan namin.
Tss. Suplado! =___=
<Cedric’s POV>
Ang hapdi hapdi hapdi ng braso ko! Lenchak. Tama ba namang hampasin ni Ryza?
This time sya naman ang nanahimik, pero syempre, dir in naman ako naimik e.
Ano bang problema ko talaga? Nakakapanibago na e.
Maghapon ang practice namin, at maghapon din kaming tutok sa practice.
5 pm na nang matapos ang practice namin. Hindi na ako mapakali kaya kinausap ko na rin siya..
Ang weak ko e!
“Uyy, Ryza. Best friend. Imikan na nga tayo.”
Tapos tumingin siya sakin ng napaka-seryoso…
Gulp. Para mangangain ito ng tao a!
“Uy.. Galit ka---“
“Haaay sa wakas! Mag-iimikan na pala tayo! Natutuyo na laway ko e! O ano? Tara na palabas?”
Whew! Akala ko pa naman galit ito. Buti nalang.
Okay, back to normal kami ^__^
“Bakit nga pala hindi ka mapupuntahan ni Seph dito?”
“May reunion daw family nila e..”
Pag kami nagka-family reunion pupuntahan parin kita dito kahit anong mangyari…
“Ahh, ganun ba? So, pano ka uuwi?”
“Madali naman na yun e! Hindi na ko bata.”
“Weh? Baka maligaw ka ulit nyan a1 Tapos iiyak ka with matching uhog pa! HAHAHAHA!”
*PAK*
“Aray! Nakakarmi ka na ha!”
“Ikaw kasi e! Hwag mo na nga yun ipaalala, pwede?”
“Ito naman o, masyadong seryoso..” Pero may naalala ako. “Uy! Tara sa bahay, tulungan mo ko sa remix natin!”
Sa totoo lang, nananamantala lang ako ng pagkakataon. Wahaha. Kaya ko naman na talagang asikasuhin yung remix e.
Effective naman di ba?
Masama na ba masolo si ryza ngayon? Best friend ko naman siya a…
--
Haaay! Sorry natagalan update nito.
Tapos nawala pa yung sinulat ko na mga mangyayari sa following chapter nito kaya sobrang nangangarag ako -___-
Sorry din kung hindi kagandahan ito chapter a?
Comment nalang kayo! :)
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomantizmWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)