Chapter 15 - The Pink Rose

148 3 2
                                    

Medyo wala lang itong chapter na to pero kung papansinin niyo ng maayos, may something jan.. Bastaa! Hahaha. Hulaan niyo nalang kung ano yung tinutukoy ko. 

Kung curious pati kayo kung ano ang lyrical hip-hop, may example akong vid jan :)

Thankss sa mga readers! Happny new year narin! XOXO

- lalalarizaa :)

------------------------------------------------------------------------------

Chapter 15

<Cedric's POV>

Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko pero..

Did I just befriend Ryza?

Well, wala namang masama dun, total, lagi rin lang naman kaming magkakasama gawa ng rehearsals.

Speaking of rehearsals, nandito ako ngayon sa labas ng faculty room. Pinatawag nanaman kasi ako ni Ms. Patty.. Mabuti narin ito at hindi ko makikitang magkasama si Seph at Ryza.

Pero hindi ako nagseselos ako a? Siguro natutuwa nga lang ako kay Ryza. At GUSTO ko siya.

Gustong asarin. Hahaha. Ang cute niya kasi pag ganun!

Pero walang ibig-sabihin yung sinabihan ko siya ng cute a? Baka kung anong isipin niyo jan e.

At eto na nga kami sa labas ng faculty..

"Next week na ang start ng training niyo. Kayong dalawa muna ni Ryza ang magsisimula tapos sa following week sa group naman. Mag-aral din kayo ng mga lyrical hip hop kahit galing sa internet at makakuha na kayo ng idea. As for the song na gagamitin niyo, ako na ang bahala dun..."

And she went on and on and on and on.. As usual, sa dance room daw ang training at after class daw ang start kaya natural gagabihin kami. At kaming dalawa lang muna ni Ryza ang magtretraining which means..

Magdamag ko siyang aasarin! Bwahahahaha >:D

Ang saya nun ano? Buti nalang pala at naglipat siya dito! For a change, may babae na lumalaban sa kasungitan ko at hindi naiinlove. Thank God!

Di rin naman nagtagal yung paguusap namin ni Ms. Patty kaya umalis narin ako. Bukas ko nalang sasabihin kay Ryza yung sinabi ni Ms. Patty at busy yun ngayon..

At dahil tinatamad pa akong umuwi kasi wala pa naman sina mama dun, naglakad lakad muna ako.

Ang hangin, ang tahimik, ang sarap sa pakiramdam... Ang tagal ko ng hinid nakakapag-solo ng ganito. May mga puno at halaman sa may side walk na siguro ay ipinalagay ni mayor dito, nautral may pangalan niya e.

Ano kayang gagawin ko next week? Paano ko kaya aasarin si Ryza bukas? Next week? The following weeks? Next mo---

VROOOOOOOM!

Ay ano ba yan! Nag-iisip yung tao may biglang haharurot na motor!

Pero teka, di ba kay Seph yun? Buti pa siya pinapagamit sakanya yung motor niya. Si mama kasi scared masyado pag ako ang gagamit. Nabubulok na ata yun e -__-

Pero teka uli, si Ryza kaya yun?

E malamang sa malamang! May date nga dib a sila? Aish. Ano bay an. Nabadtrip ako bigla. Bakit ako nabadtrip? Maisip lang na may date si--. Aish! Badtrip talaga. Ako dapat yun e.. Aish! Joke. Hindi. Bwisit. Makauwi na nga lang >___<

Kinabukasan..

Papasok nanaman. Nakakatamad. Parang hindi ko feel ang araw na ito, feel ko mababadtrip lang ako. Kawawa tuloy yung mga nakakasalubong ko, sinusungitan ko lang ang good morning nila. E anong magagawa nila kung BV nga yung tao? Aish. Bat ba ako nagkakaganito -__-

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon