Chapter 22 - Knowing a Part of His Life

77 1 0
                                    

Chapter 22

<Ryza’s POV>

“PSSSSST! OY! BALAK NIYO LANG BA MAGTITIGAN JAN O KAKAIN KAYO? JAN NAPUNTA ANG MGA LANGGAM SA KUSINA E!”

O__O?!

Nagulat kami pareho ni Ced at napatingin kay ate Christy na nakangiting nakangiti doon sa may pinto ng kusina. Tss. Nakakahiyaa! >///<

Lub dub. Lub dub. Lub dub.

Huh?? Bakit ganito yung pakiramdam ko? Biglang bumilis tibok ng puso ko...

Nagkatinginan ulit kami ni Ced. At.. At..

“Bat ka namumula?”

Napansin ko kasi na nagiba yung shade ng kulay niya. Na kahit naka-side view siya sakin, pansin na pansin ko.

Gulat na humarap naman sakin si Ced at tinaasan ako ng kilay.

“Huy hindi a. Ikaw nga jan eh. -___-“

Tss. Bakit ganito yang si Ced? Parang kanina lang mukha siyang ewan, ngayon suplado nanaman. Akala ko di na babalik yung pagkasuplado niya eh.

Hindi naman na ako nakapagsalita nun kasi tumayo na siya at iniwan ako. Nauna na siya papuntang kusina. Samantalang ako, eto, tulala parin.

Na-namumula din ba ako? >___<

Hindi naman siguro no? Hehe ^__^

“Ryzaaa! Tara na dito, kakain na! ^__^” Sigaw ni Ate Christy.

O well, bayae na nga. Erase erase nalang :)

**

“Eh talaga? Nasayaw ka din?” Sabi ni Ate Christy habang ngumunguya. Talk about manners.. Pero ang cute cute parin niya. Batang bata parin ^__^

“Aah. Opo. Hehe. Ikaw din po ba?”

“Uy grabe ka naman girl! Hwag ka ng mag-po sakin! Hindi pa naman ako ganung katanda! Tamo itong si Cedric, hindi rin ako ginagalang.” Tapos tumingin siya ng masama kay Cedric.

“What?! Ano nanaman ginawa ko sayo?” Kunot noong sabi ni Cedric. Ako naman natawa ng kaunti, kaya tinignan niya rin ako ng masama.. Ooops >__<

“Cedric. Tama ate mo, galangin mo nga naman siya anak.” Suway ng nanay niya.

“Aish.” Wahaha. Wala ng nagawa si Cedric, kampi sakanya mom nila :))

Binelatan naman ni Ate Christy si Cedric kaya mukhang lalong naasar si Cedric. Pikon talaga yun kahit kelan.

Namiss ko kasungitan niya. Lately kasi ang close na naming. Syempre, what are bestfriends for nga di ba? ^__^

Pati mas gwapo parin talaga siya pag nagsusungit siya.

Eh?

Joke lang pala! Hahaha. Hindi yan gwapo, hwag kayong maniniwala sakin :)))

“So... Back to the topic.” Singit ulit ni Ate Christy. “Kung yang si Cedric, magaling sumayaw.. Ako MAS MAGALING! Muahahaha!”

Eh? Kmusta naman ang evil laugh ni ate? Hahahaha

Buti hindi siya sinusuway ng mom nila no? :)) Si Cedric naman hindi na naimik talaga. Mom naman nila natatawa lang.

Kitang kita ko na nga ang madilim na aura ni Cedric e. Halatang nahihirapan na sa pagpipigil. Haha!

“Eh? Talaga po? Edi nasayaw ka parin ngayon?”

*Ehem ehem*

Napatahimik naman silang lahat. May mali ba akong nasabi?

Napatingin narin kami dun sae pal na nag-ehem na si Cedric.

“Tapos na ako. Sa salas lang po ako.” Nilagay niya nalang yung kinainan niya sa sink at umalis na. Problema nun?

Feel ko talaga may mali akong nasabi eee >__<

“Sungit talaga ng batang yun pag may bisita.” Sabi ni ate habang nakatingin sakin. “Anyway, alam mo bang sobrang halaga samin ng pagsasayaw?”

Umiling naman ako at hinayaan si ate na magkwento.

“Ganito kasi yun... Dati, lagi akong nagpeperform. Basta may event, andun lagi ako at ang mga kagrupo ko, nasayaw na parang walang problema sa mundo. Sobrang sarap nga sa pakiramdam eh. Yun nga lang, may problema..” Naging iba ang tono ng boses ni ate bigla. Parang seryoso na nalulungkot.

“Si dad kasi, aayaw niya ako na sumasayaw. Hindi ko alam kung bakit pero yun yun eh. Di ba mommy?”

Tumango tango naman yung mom nila. “At sa totoo lang, miski ako hindi alam yung dahilan.” Sabi rin nito.

“Kaya bago pa ako makagraduate. Tumigil na ako ng tuluyan. Pinapabantayan kasi ako ni dad. Nakakatakot pa naming magalit yun. Nung una nakakatakas pa ako, pero nahuhuli rin ako kaya tinigil ko na.”

“Buti pa nga si Cedric malayang sumayaw ngayon e. Palibhasa nasa ibang bansa si dad para magtrabaho. Pinagiingat ko nga yan kasi baka masaktan ulit ni dad e..”

Huh? Nasaktan na siya ng dad niya?

Ng dahil sa sayaw? Parang... Ang lungkot naman nun. Samantalang ako, may kalayaang sumayaw pero nagbalak akong tumigil. Tsk

“Hwag mo nalang sabihin kay Cedric na kwinento ko sayo ha? Pinagiingat ko nga yan kasi ayaw kong maulit yung nangyari nay un. Sobrang bata pa naman niya nung mga panahon na yun.”

“Sige po ate, tita. Salamat po sa pagtitiwala niya saking ikwento yan :)”

Nakita ko naming nagsmile silang dalawa sakin.

“Ano ka ba hija, ayos lang yun :)” Sabi sakin ni tita.

“Pati magaan loob ko sayo e. BAKIT KASI HINDI MO PA SAGUTIN YUNG KAPATID KO?”

“KINIG KO YON!!! TIGILAN NIYO NA NGA SI RYZA!” Sigaw naman ni Cedric.

Hahahaha! Nakakatawa talaga silang magkapatid. Sinadya pa talaga ni ate na lakasan yung sinabi niya para making ni Ced. Eto naming si Ced nagreply pa :))

Alam ko naming niloloko lang nila ako, may Seth ako e. At nasabi na yun ni Cedric sa ate at mom niya :)

Wow. Ngayon ko lang  ulit naalala si Seth a. Kamusta na kaya yun?

Hayae na nga, makikita ko rin naman siya eh :>

Ieenjoy ko muna itong privilege na makasama ang pamilya nina Ced, ang saya saya nilang kasama e ^__^

Pero hindi talaga mawala sa isip ko yung sa dad ni Ced.

Ano kayang reason at ayaw niya na sumayaw mga anak niya? Ang lungkot naman nun eh.

Halatang halata mo pa naman sa magkapatid na mahal na mahal nila ang pagsayaw. Na isang napakalaking parte na ito ng buhay nila.

Napapaisip tuloy ako kung deserving ba talaga ako na sumayaw? Ang hina ko kasi e :/ At ang dami ko pa palang hindi alam about sa bestfriend ko...

Pero kahit na ganun, magsisikap parin ako para maenhance itong binigay na talent sakin.

At kasabay niyan ay ang pangungulit ko sa buhay ng aking bestfriend na si Cedric ^___^

--

At nagbabalik po ang Dance to the Beat of the Heart! Hahaha. Sorry natagalan. Enjoy nalang :)

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon