Hep hep hep! Twice akong nag-update ngayong weekend. Baka makaligtaan nyong basahin yung Chapter 7. Yun lang :)
Eto na Chapter 8!
Chapter 8
<Ryza’s POV>
After sabihin ni Ms. Patty na kasali na daw ako sa dance troupe, nagtutumbling nanaman ang mga thoughts sa isip ko. 50-50 ngayon utak ko kaya super spaced out ako sa mga klase ko kanina.
Panay ang tanong sa akin ni Kath kung ano daw nangyari sa pag-uusap namin ni Ms. Patty. Pero nung nakita niya pagmumukha ko, tumigil din naman siya at sinabing saka nalang daw siya magtatanong.
Eto namang sa kabilang side ay si Cedric. Pasimple pang tumitingin tingin, kala mo nama’y hindi ko pansin? May mata ata ako sa gilid ng ulo ko. Pero joke lang. Ang weird naman tignan nun ano? Masyado lang kasi siyang pa-obvious.
Isa pa ay nakakaasar inuugali niya. Talagang ipagduldulan na ayaw niya sa akin ano? Edi ako na nga ang hindi maganda sa paningin niya. Alam niyo kasi, masusuntok ko na talaga yan kanina sa sobrang inis ko. Una ay yung sa dance troupe, gusto ko siyang gamitin para paglabasan ng sama ng loob, tapos sabihan pa ako na hindi maganda? Babae ako no! Walang babae na masasaktan pag sinabihan siya ng hindi diya maganda!
Buti nalang at dumating sina Seph. Naku lang. Baka magka-violation pa ako ng wala sa oras. Pero pinagtanggol nila ako, at sa kabarkada pa talaga nila ha? Lakas ata ng hatak ko? At hindi lang ako ang nakapansin, pati ang mga tao sa paligid nanunuod. atumungo nalang ako sa sobrang kahihiyan. Baka isipan pa nila ako ng kung anu-ano. Ang sama kasi ng tingin nila kanina e…
Just the thought na sasayaw ako kasama siya gives me the creeps. Kailangan pa daw intimate huh? Parang di ata kakayanin ng sistema ko yun. Nagpaturok na kaya ng anti-rabis yun? Mahirap na ang buhay ngayon, kailangang mag-ingat…
Haaay. Tama na yan. Siya nanaman ang natakbo sa isip ko. Kinikilabutan na ako all over!
Umuwi na ako kaagad after mab-bell. Tinawag pa nga ako ni Cedric kasi kailangan daw namin pag-usapan yung sa sayaw. Brr! Sasayaw ako kasama siya. Natindig na ata mga balahibo ko.
Sinabi ko nalang na bukas na kami mag-usap. Ganda nga ng conversation namin e! Parang palong palo ako sa pagka-panalo!
“Bakit pa natin ipagpapabukas e kung pwede nanaman na ngayon?” Sabi niya habang ako ay nakatalikod sakanya.
Then ako, as usual, ang isasagot ko ay…
Walk out! Yea. Walk out queen talaga ako. For the nth time, ni-walk out-tan ko siya. Conversation ba yun? Hahaha. Hindi. Pero alam ko na naaasar na talaga itong si Cedric sa pag-walk out ko kasi sumigaw siya ng tumataginting na ‘aaaarghhh’. That’s victory for me ;)
Pagkauwi ko, wala pa si mommy. At dahil medyo pagod na ako, inagapan ko na ang pagtapos sa mga ritual ko kahit medyo may araw pa. Nag-early dinner na rin ako kanina pagka-uwi ko kaya eto na ako, nakahandusay sa kama ko…
“Alam mo, hindi naman pwepwedeng habang buhay kang ganyan. Alam kong mahal mo ang pagsasayaw, bakit kailangan pang itigil?...”
Tama si mommy, masyado ko’ng mahal ang pagsasayaw. Simula bulinggit palang ako ay ginagawa ko na ito ng kusa, kahit walang tulong sa parents ko. Tama ba ang desisyon ko na itigil ito?
“Hindi naman natin ginusto ang nangyari sa papa mo e. Sumayaw ka man o hindi, hindi parin siya babalik…”
May point si mommy. Nangyari na ang nangyari. Never in a millions years would I want my father to die like that. Pero ang bigat bigat kasi sa pakiramdam isipin na dahil sa pangungulit ko kaya nangyari yun…
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomanceWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)