Chapter 7
<Ryza’s POV>
Wala na sigurong mas boboring pa sa araw na ito. Ayos n asana nung nakilala ko ng maayos yung barkada ni Seph kaso may epal na unggoy. Hindi nanaman siguro maganda ang gising nito kaya ganito nalang siya kung makapag-sungit. Talagang ako pa ang susungitan niya ha? Akala naman niya hindi ako lalabas sakanya. Pwes.
Lumipas naman na ang buong umaga ng walang something eventful na nangyare. Inannounce lang sa homeroom na malapit na daw ang semi-quarterly exam namin kaya mag-aral na daw kami, blah blah blah… Normal na normal lahat ano? And so I thought…
Nung nag-bell na para sabihing lunch break na, bigla naman akong tinawag ng teacher naming si Ma’am De Castro…
“Ms. Quinto, may I speak with you?” Ano ba yan. Nakakataranta talaga pag English teacher ang kausap mo! Hindi mo alam kung magtatagalog ka o hindi, bahala na nga…
“Yes, ma’am?” Naksss! Magaling yata ako sa English. Yakang yaka. Hahaha
“Kinausap kasi ako kanina ni Ms. Patty at naki-usap na sabihin sayo na..” Parang alam ko na kung saan mag-lealead ito a. “Gusto ka daw niyang kausapin pagkatapos mo mag-lunch, iintayin ka daw niya sa labas ng faculty room.” Feel ko talaga na about ito sa nangyari kahapon. Parang mas gugustuhin ko pa na sabihin niyang papatakbuhin niya ako ng sampung ikot sa field gaya ng pinapagawa niya sa mga oasaway sa P.E. class namin e -_-
Tumango nalang ako at nagpaalam na kay ma’am. No choice naman ako e, teacher sila at ako’y isang di-hamak na estudyante lamang.. Ano ba itong pinagsasabi ko? Gutom lang ‘to. Haaay.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ay bumungad na kaagad sa akin si Kath. “Huy, Ryza! Tagal mo naman lumabas e!” Reklamo nito. “Ano ba ginawa mo kay ma’am at kinausap ka niya?” Tanong naman nito. Nakita pala niya yun? E malamang at inaantay naman pala ako ng babaeng ito…
“Ah, wala yun.” Sabi ko habang umiiwas ng tingin sakanya.
“Ay! Wala ito! Nagsisikreto ka na ngayon? Aray ko!” Anong drama ng babaeng ito at may palagay-lagay pa ng kamay niiya sa dibdib niya? Ipag-audition ko kaya ito sa drama club? Pang-best actress e. With matching pikit pikit pa kasi ng mata. Ibang klase talaga.. May sayad.
“TIgnan mo nga yang itsura mo Kath. Nakakatawa ka e.” Tinignan naman niya ako ng masama at talagang interesado sa sagot ko sa tanong niya. Okay. Dahil kaibigan ko naman siya e sinabi ko nalang.
“Gusto daw kasi akong kausapin ni Ms. Patty.” Tumaas naman ang isang kilay niya at nagtataka kung bakit, hindi naman kasi kami close ni Ms. Patty e. “About sa nangyari kahapon…”
Nanlaki naman ang mata niya at mukha talagang naiintriga sa nangyari kahapon. Ikwinento ko naman sakanya habang naka-upo kami sa cafeteria kasama ang mag-pinsan. Kanya kanya naman siyang kumento. Nabigla naman si Mel nung nalaman na nasayaw daw pala ako, hindi ko daw agad sinabi. Hindi naman sila nagtanong di ba? Nagtaka naman itong si Nikki kung bakit daw sa school paper pa ako sumali at hindi sa dance troupe, hindi ko sinagot yung tanong na yun. At ito naman si Kath e may drama nanamang taglay, paypay effect pa na parang mahihimatay kasi friends daw kami ni “Papa Seth”.
And speaking of Seph…
“Hi Ryza!” Bati niya sakin. Dumaan lang naman siya sa table namin at pagtingin ko ay papunta pala siya sa table nila ng mga kaibigan niya. Isang table lang kasi ang agwat namin e. Buti nalang at hindi naman kalapitan kaya hindi rin makikinig mga kadaldalan ng kasama ko, kundi, nakakahiya yun…
Tumingin ako sa direksyon niya at nakita ko ang mga kaibigan niya na kumaway sa akin habang naka-ngiti. Killer smile pa nga itong si Sioty e, wagas! Nag-kaway rin ako habang naka-smile. Napansin naman ito nung tatlo at napalingon kung saan ako kumakaway.
BINABASA MO ANG
Dance to the beat of the heart
RomantikWill their hearts ever decide to beat as one? Only one way to find out... READ! :)