Chapter 13 - Suddenly, we're friends

125 5 2
                                    

Chapter 13 

<Cedric’s POV>

Hindi ko na alam irereact ko. Buti nalang at walang tao sa labas kasi nagklaklase pa naman. Naandito na ako ngayon sa loob ng classroom, nakaupo, habang iniintay yung teacher namin.

“Ced, nasan na si Ry?” Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Kath. Bigla nalang kasi siyang tumakbo kanina nung nangyare yung…  Alam niyo na.

Nag-shrug nalang ako kasi hindi ko feel magsalita, ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon.

Pero dahil nga nature na ni Kath ang pagiging hyper, kinulit niya ako ng kinulit.

Bakit daw ako tahimik?

Bakit daw ako namumula nung pumasok ako?

Bakit daw ang seryoso ko ngayon?

Bakit daw ako tulala?

Pero syempre, wala akong isinagot dyan. Masyadong nagrarambulan ang brain cells ko ngayon e. Kaya laking pasasalamat ko nung nagdating na yung next teacher namin.

Nung recess naman, masyado akong distracted kaya hindi na ako kumain. Hindi ko naman maiwasang magpalingon lingon kasi hindi ko parin nakikita si Ryza.

At dahil nga kasama ko barkada ko, mapwera kay Seph kasi may inaasikaso nanaman daw at si Theo na nawala nalang daw kanina, e hindi rin nila maiwasang magtatanong.

As usual, wala ulit akong inimik kaya umuna na ako sa room.

Nung malapit naman na ako sa pinto, nakita ko si Ryza na tulala.

Kung titignan mo mukha namin, parehas lang ang ipinapakita. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi, pero dahil nga naguguluha ako e hindi ko rin napigilang lumapit.

Tutal, magkatabi rin lang naman ang upuan namin. Alam ko namang hindi biro sa babae yung mga ganun kaya naisipan kong…

<Ryza’s POV>

Naandito na ako ngayon sa room after ko’ng tumakbo papunta sa field kanina, dun ako nagmuni muni. Nakapag-cutting tuloy ako ng wala sa oras. Haaay

Parang hindi ko na kayang harapin si Cedric after nung nangyare. Nakakahiya, kasi naman e! Bat ba kasi ako lumapit sakanya ng ganun?

Hindi ko manlang naisip na may possibility na mangyare yun. Aish! Magsosorry lang naman dapat ako e T_T

Ang kinaaasaran ko naman ay, sa dinami dami ng lalake, bat yung asungot nay un pa ang first ko?

Oo, first, kaya sobrang nanghihinayang ako. Ang ineexpect ko sana ay dun sa tao na gusto ko talaga at hindi pa aksidente. Hindi na virgin ang lips ko. Noooo! >.<

At ayun nga, narinig ko nga yung bell kanina kaya dito na agad ako dumeretso, nawalan naman na ako ng gana kumain kaya hindi na ako pumuntang cafeteria.

Ilang minutes naman ang nakalipas na naandito ako, biglang umupo sa upuan niya si Cedric e hindi pa naman tapos ang recess..

“Uhh, Ryza?”

Tumingin lang ako sakanya. Bigla ko namang iniwas yung tingin ko nung napansin ko na nakatingin siya sa mga mata ko. Hello? Nakakahiya kaya! Pero nung napasulyap ako sa mga mata niya, mukhang sincere siya. Bago ito a?

“Humarap ka naman sakin please, kakausapin lang kita.”

Hindi ko naman magawang humarap sakanya. Next thing I knew, feel ko nanaman ang pag-iinit ng mukha ko.

Ikaw ba naman! Hinawakan kasi iya chin ko tapos itinapat yung mukha niya sa mukha ko. Di ko na ata keri ‘to! ^T_T^

“That’s better. Kung pwede hwag ka munang magreact sa mga sasabihin ko ha?”

Hindi naman na ako sumagot kasi knowing Cedric, sugod lang yan ng sugod kahit humindi ka…

“Pano ko ba sisimulan. Sigh” Galing din ano? May sasabihin daw pero hindi alam kung pano sisimulan. Pero parang seryoso talaga siya kaya erase erase nalang..

“Uhm. Y-yung kanina sa labas.. S-sorry. Hindi ko naman kasi alam na nandun ka e!” At nagsungit na po ulit. Kahit kelan ba hindi na siya magbabago -_- “Sigh. Alam ko na aksidente lang yung nangyari. Hindi ko ineexpext na sa isang aksidente pa mawawala y-yung f-first kiss ko…” Ansabe? First kiss daw niya? Hindi ngaaaaa?

Nakataas na yung kilay ko matapos niyang sabihin yun. Hindi lang ako makapaniwala e. Kasi gwapo nga itong si Cedric kaya ineexpect ko na marami na siyang nakalandian. Pero oo nga pala, may babae na gusto itong si Cedric from two years ago…

“Anyway, sorry talaga ha? Hindi ko sinasadya.”

Joke ba ito or what? Parang hindi si Cedric yung kaharap ko! Punong puno siya ng sincerity eeee. Ano ba yern. Nasaan na yung tunay na Cedric? Nanjan ba? Hala sige, paki-despatsa na! Hahaha. Pero joke lang.

“Seryoso ba ito? Nasan ang hidden cameras? Suko na ko!” Napansin ko naman na si Cedric naman yung nakataas yung kilay. “Problema mo?” Sabi ko.

“Naman e! Seryoso ba ako!” Sabay kamot sa ulo. Okay, my bad. Edi seryoso kung seryoso.

“Ah. Ge.” Tipid ko no? Well, di ko kasi alam sasabihin ko e. Humarap narin ako sa unahan, naiilang ako e.

“Am I forgiven?” Tignan mo nga naman mukha nitong lalakeng ito. Naka-pout na tapos nakinang kinang pa yung mata. Mukhang.. Mukhang aso!

“Pfffffff… HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Sareh! Hindi ko mapigilang matawa! xDDDD

Nakita ko naman siyang napa-atras sa upuan niya at tumaas yung kilay.

“A-ano naman ang nakakatawa. Ha?!”

“Nakita mo ba mukha mo kanina? HAHAHAHAHA!” Sakit na ng tyan ko kakatawa! Nakooo! Parang kanina lang ang seryoso ng aura namin a.

“I can’t believe this! Minsan nalang magseryoso o!”

Kitang kita ko na naaasar na siya. Sabagay, minsan nga lang naman siya magseryoso kaya pagbibigyan ko na. Tumigil narin naman ako sa pagtawa.

“Uhh. Yea, you’re forgiven.” Sabi ko at humarap sa pwesto niya.

“Really?” Siya na talaga ang pinaka-bipolar na tao sa mundo. Kanina seryoso, biglang nagalit, ngayon mukhang batang binigyan ng kendi. Kakaibaaaa…

“Ayaw mo?”

“Hi-hindi! Bati na tayo? Bati na tayo haaaaaa?” Weirdo.

Nag-smile nalang ako sakanya.

“And one more thing…” Napatingin uli ako kay Cedric na may halong pagtataka. Ano nanaman idadagdag neto?

“Can we be friends?”

Nanlaki mata ko sa proposal ni Cedric. Pano naman, dati rati sasabihin niya sa he despises me tapos ngayon?

Pero okay rin naman yun. Like mom said, be friendly. Kahit na ang kakaibiganin ko ngayon ay ang bipolar na si Mr. Sungit.

Pumayag rin naman ako kasi nakakahiya naman yung offer niya.

Siguro naman magpapakabait na siya sakin ano?

Maya maya, nag-bell narin naman.

Lakas ng powers nitong lalaking ito. Parang kanina lang galit nag alit ako sa nangyare a? Bilis nitong mapalambot kalooban ko..

PWE!

Si Cedric parin siya at hindi na magbabago yun. Kasalanan niya kaya hindi ako nakaattend ng dalawang period! Running for honors pa naman ako!

Tumahimik nalang ako habang iniintay yung next teacher. Napalingon naman ako sa may window at nakita si Seph na kumaway sakin.

GULP.

M-may d-date nga pa-pala ako mamaya…

Este tutulungan lang pala ako ni Seph.

Ano ba Ryza! Pag sinabi bang may date kayo date na agad?

Teka, parang mali…

Date nga daw kaya date nga talaga!

Aaaaaah! Kinabahan ako bigla =_=

Pero feel ko naman wala lang yun, biglaan nga di ba? Kaya siguro tutulungan lang niya talaga ako…

Dance to the beat of the heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon