Prologue

187 2 0
                                    

A/N: yung Epilogue nung IDATIMAAFS ay the same lang po nitong prologue dito sa book2.. naisipan ko po kasing dugdungan na lang 'yung epilogue.. sa kadahilang tinatamad po mag-isip ang author niyo.. hehehe..

-----

DAME'S P.O.V

o_O???

'O'???

Bahay ba 'to??

''Hehe..".napakamot naman ng ulo niya si Kiel.. ang lakas ng loob mang-ayang pumunta dito sa bahay na tinutuluyan nila tapos ganito pala ang madadatnan ko.. parang binagyo ang itsura..super kalat talaga!! Asusmaryosep!

I blinked once baka kasi namamalikmata lang ako..pero hindi..ganun pa din naman..magulo pa din!!

"Naturingan ka pa namang prinsipe tapos.. -"..napapangiwi kong sambit.

"Sa mundo lang naman namin ako prinsipe..dito isa akong ordinaryo..-"..

"Kahit na!!hindi man lang kayo maglinis dito.. kayo Blue and Green.. hindi ba kayo marunong maglinis hah??"..asik ko sa kanila.. hindi kasi ako sanay sa ganitong ayos ng bahay..kala mo walang nakatira..

Isang lingo na sila ditong nanunuluyan..nasa kabilang kanto lang nito ang bahay namin kaya malapit-lapit lang puntahan.. matagal ko na ngang gustong makapunta dito pero ayaw naman nila.. tapos ngayong araw nagpunta sila sa bahay at nag-aya...pero ito lang pala ang aabutan ko dito.. grabe lang!

And by the way..kilala na sila nina mama and papa..nung ipinakilala ko si Kiel sa kanila ay nagulat talaga sila na nagdala daw ako sa bahay ng manliligaw..pero itong si Kiel hindi nag-iisip at sinabi sa parents ko na fiancee daw niya ako.. kaya ayun, agad na dumilim ang mukha ni papa..hahaha ang epic lang.. pero syempre binawi ko agad yun..haha baliw kasi ang isa d'yan. Kaso nawerduhan naman sina mama kay Blue at Green ng sila naman ang ipakilala ko bilang bago kong mga kaibigan.. bakit daw ganun ang kulay ng buhok nila.. hahaha

"Hehe.." Sabay namang napakamot sa batok ang dalawa ng tingnan ko sila.. sabagay nung nandun ako sa mundo nila ay never kong nakitang maglinis ang mga ito..puro kalokohan lang ata ang alam..

Napabagsak naman ang balikat ko ng ilibot ko ang aking paningin.. haixtz!nag-aya ba sila para gawin akong katulong??? Hmpft!

"Anong nangyari diyan??"..taka kong tanong sa kanila ng makita kong basag ang screen ng t.v..

"Ano kasi itong si Blue.. binuksan yan tapos nung gumana na yan..may mga tao sa loob.. ang galing nga ehH..kaso may mga lalaki diyan sa loob may mga hawak-hawak na kakaibang sandata.. itinutok sa'min..tapos.. ratatat-tatat-tatat...-''..pag-arte niya sa eksenang ipinalabas sa t.v.. yung tipong may hawak na baril at ipinapaputok ito ng sunod-sunod.."-..syempre nagulat kami kaya si Blue kinuha yung upuang kahoy at inihampas diyan.."..pagturo niya sa basag na t.v..

Napatampal na lang ako sa noo..Ghad!!madami pa silang dapat malaman tungkol sa mga bagay-bagay dito sa mundo namin.. i hate to say it but they're ignorant with those kind of stuffs.. halimbawa na lang ng mga damit na kailangan nilang isuot.. sa sobrang excitement na naramdaman ko noong nagkita-kita ulit kami ay hindi ko na napansin ang damit na suot-suot nila.. kaya pala panay ang tingin sa'min ng mga tao sa loob ng mall kasi may dalawa kaming kasama na nagmistulang cosplayer ang itsura.. kung hindi pa sa'kin nagtanong sina Kesha kung bakit ganun ang suot nila ay hindi ko pa ito mapapansin.. ang suot kasi nila ay yung sinusuot nila sa mundo nila..yung tipong may pagka-Knight ang tema ng kanilang damit.. buti na lang at nagpalit kami ni Kiel ng damit that time.. kung nagkataong hindi.. isa din sa parang muntanga dun si Kiel..

May mga bagay na din naman akong ipinaalala sa kanila para hindi naman sila magmukhang engot hahaha.. sabi ko magtanong na lang sila sa'kin kapag may gusto silang malaman.. tinuruan ko na din sila kung paano makapagtext o makapagcall sa'kin kung may kailangan sila.. meron na kasi silang tig-iisang cellphone.. hindi ako ang bumili aHh..kundi sila.. ang dami kayang pera ng mga ito.. paano nangyari?? Kasi po may dala silang mga dyamante at ginto galing sa Conto de Fadas na ipinagpapalit ko sa pera.. sinamahan ko din silang mamili ng mga damit nila.. sa mga tiangge lang kami namili kasi ayaw nila sa mall.. bakit?? Ewan ko sa kanila kong bakit ayaw nilang tumapak sa escalator.??myghad!!parang hindi sila sanay sa magic.. hindi nga yun magic pero parang ganun na din naman yun.. nung inaya ko naman sila na sa elevator na lang kami sumakay..halah ang kinalabasan.. sumuka sila!!kadiri kapag naaalala ko yun..

IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon