KIEL'S P.O.VMay mga nakakasalubong akong mga kalaban habang tinatahak ko ang pinakatuktuk ng palasyong ito.. alam kung nandun siya.. alam kung inaantay niya ako!!! Isa siyang hamak na duwag!! Nagtatago siya likod ng kanyang mga kampon.. tss!! Bakit hindi na lang siya humarap sa'kin ng matapos na ito!??
"UggggggggGgghhhhhh!!!''.. daing ko ng biglang may tumamang malakas na pwersa sa katawan ko dahilan upang tumilapon ako't bumangga sa isang poste dito sa loob ng ikaapat na palapag.. "Sh*t!!!".. ang sakit nun!!!
Agad naman akong napatayo at napalinga-linga upang hanapin ang hinayupak na nagpatama sa'kin.. pero hindi ko siya makita.. wala akong makita pero nararamdaman kong nasa malapit lang siya.. Asan siya!!?? Bwisit!!
"UgggghHh!!".. muling pagdaing ko ng may tumama na naman sa'kin, ngunit ngayon sa balikat ki naman.. "D*mn!!!".. muli ay natamaan na naman ako, at sa pagkakataong ito ay sa binti ko naman.. walan'jo!!! Hindi ko talaga siya makita!! "Sh*t!!!!!".. kaasar!! pinaglalaruan niya ako!! Gusto niya pala ng laro ahh!! Pero Ako ayoko makipaglaro ngayon dahil naiinip na talaga akong makaharap ang pinuno nila.. alam kung isa lang ito sa mga kampon niya..psshHh!! Taguan?? Pambihira!! Nakakasayang ng oras!!
"Tss.. Lumabas ka kaya dyan!! Wag kang duwag!!".. may pagkasarkastiko kong saad..
"Bakit natatakot ka ba sa mga nilalang na hindi nakikita.. mahal na prinsipe??".. may mapanuya niyang tanong.. ngunit hindi pa din siya nagpapakita.. hungyango ata ang isang 'to!! PsshH!! Badtrip..
"Baka naman ikaw itong takot kaya ayaw mong magpakita?? Napakaduwag mo naman.. humarap ka kaya sa'kin.. tss!!".. may pagkaasar kong sabi.. kasi naman.. nabubwisit na ako.. malapit na ako sa hinahanap ko pero napupurnada lang ng dahil sa kanya.. panuh ko nga naman siya lalabanan kong hindi ko naman siya nakikita..
"Walang'yah talaga!!tsk!!".. tinamaan na naman ako sa katawan at sa pader na ako humampas.. bwisit!!.. "Tama ng laro!!".. asik ko sa kanya kahit para na akong tanga dito na kumakausap sa hindi nakikita.. ngumisi ako bigla.. hindi ito playground para makipaglaro ako sa isang hamak na Darkwitch lamang. Tumayo ako ng maayos at pumikit.. papakiramdaman ko na lang ang bawat galaw niya.. mararamdaman ko yun ng dahil sa hangin..
May pwersang palapit sa kanan ko.. kaya umipon din ako ng pwersang panlaban ito gamit ang hangin..
"Magaling.. tingnan natin kung makailag ka pa sa gagawin ko..-"...
Napaatras ako bahagya.. sh*t!! Papaulanan niya ako ng kanyang salamanca.. mabilis akong umilag sa mga ito habang nakapikit pa din.. pero ang hindi ko inaasahan ay ang matigas na bagay na tumama sa'king panga.. tss!! Aba!! Gumagalaw na siya ngayon.. sumusugod na siya..
Nagmulat ako ng mata at napangisi habang pinupunasan ang dugo sa labi ko..
Naramdaman kong biglang nag-iba ang dereksyon ng hangin.. papunta siya sa dereksyon ko.. hinugot ko agad ang aking espada ng maramdaman kong malapit na siya.. mabilis akong gumalaw at sinaksak siya..
"Pa-panung..-?".. narinig ko pang pagdaing niya.. hinugot ko ang aking espada sa pagkakasaksak ko sa kanya at dun ako nakarinig ng pagbagsak sa sahig.. ang dugo niya muna ang una kong nakita bago lumitaw ang kanyang itsura.. "Paano??".. pagbigkas niya ulit sa nahihirapang paraan..
"Magaling ako ehh.. hindi kagaya mo!!pweh!! BURN WITCH!! BURN!!".. i uttered before i burned him alive..
Tumakbo na ako papunta sa susunod na palapag..ngunit napahinto din ako agad..
May nilalang na naka-pulang cloak at nahaharangan ang mukha ng hood ang biglang lumitaw sa harapan ko sa di kalayuan.. siya na kaya?? Siya na kaya ang sinasabi nilang panginoon??? Nararamdaman ko sa kanya ang masamang awra.. parang napapaligiran siya ng itim na kapangyarihan.. sobrang kasamaan ang dala ng isang 'to..
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasyKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...