KIEL'S P.O.V"Paalam Kamahalan!"..
Sh*t!!! Bwisit!! Napapikit na lang ako ng mapansin kong malapit na itong tumama sa'kin..
*BooooooooooommmmmmM*
"HoohHh!!! Muntikan na!".. paghinga ng malalim ni Goivanni ng bigla niya akong kabigin palayo sa pwestong yun..
Napabuga din ako ng hangin sa nangyari.. akala ko'y yun na ang magiging katapusan ko.. salamat at dumating sila.. oo, kasi silang lahat na nakipaglaban sa labas ng palasyong 'to ay nandirito na ngayon sa loob at nakapalibot na sa nakangising si Armaggedon..
"Salamat sa pagdating..-".. nanghihina kong sambit.. kung nandito na sila malamang ay naubos na nila ang mga darkwitches sa labas ng palasyo..
"Ikaw pa ba Prince Kiel.. Resbak mo kami eHh..-".. tinulungan naman niya kong makaayos na makaupo sa sahig at makasandal sa isang tipak na pader.. Hirap na hirap na akong makahinga.. kailangan ko ng pahinga..
"Paubaya mo na muna sa'min ang laban.. Kami na muna ang bahala sa Traydor na yan Prince Kiel.. magpahinga ka na muna upang bumalik ang iyong lakas.. -"
. .. mungkahi niya sakin bago tumayo.. "ikaw na muna bahala sa kanya Samantha..-".. pagtapik ni Giovanni sa bagong lapit na si Sam.. bago ito pumunta sa iba..Lumuhod sa tabi ko si Samantha habang sinisipat ang aking mga natamo mula sa labanan namin ni Armaggedon..
"Nagulat ako.. Si Armaggedon pala ang tinutukoy sa propesiya.. pero paano siya nabuhay?? Anlakas talaga niya ki Satanas..".. she uttered habang dahan-dahan niyang hinawakan ang nangingitim kong braso.. wala akong maramdamang sakit na nagmumula dito.. parang namamanhid na ito.. "-Malakas na Salamanca ito.. pero wag kang mag-alala Prince Kiel.. akong bahala dito at sa iba mo pang mga sugat..-"..
Ano na kayang nangyayari sa aming kaharian?? Okay lang kaya sila.. eh si Dame kaya??
Hay!! Sana naman ay nasa maayos silang lagay..
"Wow!! BRAVO!!! *clap* *clap* *clap*.. hahahaha ang galing niyo para mapatumba ang mga alagad ko.. pero sa tingin niyo ba ganun din ang kakalagyan ko sa kamay ninyo?? Hahahaha hindi ako kasing hina nila.. kaya ko kayong talunin lahat sa isang iglap lang..-"..
"Talaga lang aHhh!!"..
"Sige magmayabang ka pa Hangal na Traydor!!"..
"Ang tindi mo talagang dem*nyo ka!!"
"Isang pagkakamali ang iyong pagbabalik.. sana'y hindi ka na lang nagpakita..-"
"KAYO ANG MGA HANGAL AT HINDI AKO!!! LILIPUNIN KO ANG MUNDONG ITO KASAMA KAYO!! WALANG MAKAKAPIGIL SA AKING MGA LAYUNIN!!".. dumagundong ang boses niya sa bawat parte nitong palapag.. "IYAN NGANG PRINSIPE NIYO HINDI AKO NAGAWANG PABAGSAKIN KAYO PA KAYA?? HAHAHAHA NAGPAPATAWA BA KAYO MGA WALANG KWENTANG NILALANG!!! HAHAHAHHA!!"..
"MANAHIMIK KA HANGAL!!".. sigaw din ni Blue na siya ding umalingaw-ngaw.. bakas sa mukha niya ang labis na pagkairita.. aakma sana siyang susugod pero hindi pa man siya nakakaalis sa kanyang pwesto ay may tumamang pwersa sa kanya, na maging ako ay hindi ko nakita ang atakeng yun..
*BlaaGGghH*
Tumilapon si Blue at tumama sa isang poste..
"BLUE!!!".. sigaw nila ng sabay-sabay..
Gusto ko sanang tumayo pero pinigilan agad ako ni Samantha.. umiling-iling siya sa balak ko sanang gawin..
"Sa ngayon ay mas mabuti na maunang mapagaling natin ang ilan mong sugat upang manumbalik ang iyong lakas at makalaban ka ulit pero kung ipipilit mo ang sarili mo ngayon.. wala ka ding magagawa at baka matuluyan ka na talaga.. -"..mahinahon pero seryosong saad nito na wala sa'kin ang atensyon kundi sa braso ko pa din na unti-unti ng bumabalik ang kulay..
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasyKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...