Road 31: When Two Worlds Collide

28 1 0
                                    


DAME'S P.O.V

Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko.. at ng imulat ko ang mata ko ay nabungaran ko ang nag-aalalang mukha ni Kiel..

"Thanks God your awake..-"..

"Anong nangyari??".. tanong ko tsaka ako bumangon sa pagkakahiga ko sa Lap niya..

Dumilim ng sobra ang paligid na siyang hindi naman normal.. binalot ng kadiliman ang kalangitan.. Yan ang huli kong maalala bago ako nawalan ng malay..

Napansin ko din na nandito na kami sa loob ng Auditorium.. ang alam ko ay nasa labas kami nito.. inilibot ko ang aking paningin.. bakit sila mukhang mga takot.. mga mukhang balisa at mga mukhang kinakabahan.. mula sa pwesto ko ay napatingin ako sa pintuan.. bakit nakasara ito?? Pero kahit nakasara ito ay maaaninag pa din ang labas.. dahil gawa sa Salamin ang ilang bahagi ng Auditorium.. medyo madilim pa din sa labas.. mag-uumaga pa lang ba??

"Naganap na ang propesiya..-''.. bulong ni Kiel sa'kin.. na ikinasinghap ko naman.. nasabi niya nga sa'kin dati ang tungkol sa propesiya.. pero hindi ko maintindihan kung ano bang klaseng propesiya ito.. wala namang kalaban ang lumusob sa'min..

"Ano bang..-".. hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita si Maine na labis ang pagkatakot na mababakas sa mukha.

"Natatakot ako.. ano bang nangyayari sa mundo natin??".. naiiyak na saad nito habang inaalo naman siya ni Louie..

"Ito na ba yung sinasabi nilang end of the world??".. parang wala sa sariling bigkas ni Loki..

"Ano ba naman Loki.. wag ka ngang magsalita ng ganyan..-".. sita naman sa kanya ni Kesha at Kath..

"Ano ba kasing nangyayari??".. mahihimigan sa boses ni Claire ang takot habang yakap-yakap siya ni Drew..

Napalingon ako kina Kiel.. at sa tingin ko ay wala din siyang kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari.. ang alam lang namin ay nagaganap na ang sinasabi sa propesiya..

"Kiel??"..

"Sumilip ka sa labas..-".. sabi niya sa'kin habang nakatingin siya sa labas.. tumayo ako at lumapit sa isang salaming bahagi ng lugar.. napahawak ako sa aking bibig sa gulat sa nakikita ng aking mga mata.. maraming nagsisiliparang mga uwak at paniki sa labas.. nababalot din ang kalangitan ng itim na ulap.. kaya pala ang dilim ng kapalibutan.. ang mga halaman ay mukhang mga patay na.. at mga itim na daga ang nagkalat sa lupa..

Naramdaman kong may lumapit sa'kin.. kaya napalingon ako dito.. si Kiel, Green at Blue..

"Hindi ko mawari kung bakit ito ay nangyayari sa mundo niyo Dame.. pasensya na kung nadamay kayo..-"..

"Anong gagawin natin ngayon?? Papanuh kung lumusob ang mga darkwitches dito.. kakayanin ba natin yun??".. pag-aalala ko.. paano na lang kung bigla silang dumating.. sina Kiel lang ang may kakayahang kalabanin sila.. ano na lang ang mangyayari sa'min..

"Wag kang mag-alala.. hindi kami papayag na may magbuwis ng buhay kahit isa sainyo dito.. -".. seryosong saad naman ni Blue...

"Gagawin namin ang lahat para ipagtanggol kayo kung magkataon mang lumusob ang mga kalaban... -".. kahit na sabihin nila yan mahirap pa ding maging panatag.. naalala ko ang nangyaring paglusob ng mga Darkwitches noon sa kaharian nina Kiel.. andaming nasugatan at namatay.. ayokong mangyari yun dito sa mundo namin..

"MAKINIG KAYONG LAHAT!!".. isang sigaw ang nagpabaling ng atensyon namin sa unahan.. si Mrs. Sandluther ang nagsasalita.."-.. Wala kaming ideya kung ano ba talaga ang nangyayari.. pero isa lang ang aming alam.. na mapanganib ang lumabas.. hangga't wala tayong alam sa nangyayari sa labas.. mananatili tayo dito.. tingin ko'y ligtas tayo dito..-"..

IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon