DAME'S P.O.V
"Dame!!!!!!!!".. napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa pangalan ko.. makasigaw ehh akala mo nasa kabilang bundok..
Nakita kong papalapit sa pwesto ko ang tropa.. aba kompleto!! Madaya ang mga 'to.. siguro nagusap-usap sila na sabay-sabay papasok at hindi man lang nila ako ininform..
"Goodmorning lil'sis..-".. nakangiting bati sa'kin ni Drake habang nakaakbay kay Kath.. pero tinaasan ko lang siya ng kilay.."-whoaaaHhh!! Bakit??"
"Anong bakit?? Bakit kayo magkakasama??"..
"Malamang tropa ehhH..-".. sagot naman ni Loki..
"Txieeee.. pilosopo!! I mean bakit hindi niyo ako ininform na sabay-sabay kayong papasok?? Kanina pa kaya ako dito.. hmmpft!".. pagmamaktol ko.. mga bwisit 'to eHh.."-parang hindi niyo ako kaTropa ahH??"..
"Andrama mo Dame.. Hindi bagay sa'yo.. manahimik ka na nga lang.. sipain kita dyan eHh..-".. nakataas-kilay na sabi naman ni Maine.."-..nagkataon lang na nagkasabay-sabay kami.. pareho kasi mga utak namin.. ikaw lang itong napapariwara.. simula ng magising ka sa pagka-comatose mo.. parang nawala Yung utak mo..-"..
"Pwede kaya natin siyang ibalik sa hospital??".. painosenteng tanong naman ni Kesha na may pag-aalala pa sa mukha..
"Sa mental ba??".. nakatawa namang dugtong ni Bro.. sinamaan ko naman agad siya ng tingin..
"Grabe Bro.. pati ba naman ikaw?? Bakit ang haharsh niyo sa'kin..??"
"Tama ng Drama.. lil'sis.. pumunta na tayo sa kanya-kanya nating room.. ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase.. .maya ka na ulit magdrama..-"..
"Hmpft!! Watever!! Tara na nga.."..
Ilang lakad pa ay nagkahiwalay-hiwalay na kami ng daang tinatahak.. Magkakaiba kasi ng course ang kinuha namin.. Sina Loki at Drake ay parehong Engineering ang kinuha.. Iwan ko ba sa dalawang yan at yun ang gusto eh hindi naman kaya ng utak nila.. hahhaha joke lang..Si Kath Naman at Louie ay parehong Accounting.. bahala silang sumakit ang mga utak nila sa Numbers.. hahha
Ako naman, si Kesha at Maine ay parehong Culinary Arts ang kinuha.. ako talaga gustong maging chef.. hindi ko lang alam dito sa dalawang kasama ko..ginaya lang naman nila ako ehh..hahaha hindi pa daw kasi nila alam kung ano ba talaga ang gusto nila?? Kapag naisip na daw nila baka mag-shift na lang sila sa ibang course.. haha
"Talaga bang ito ang gusto mo??".. tanong sakin ni Kesha ng makapasok kami sa Room namin..
"Oo naman.. bakit ba??"
"Wala naman.. hahha wala kasi sa mukha mo na masarap ka magluto.. haha"..
"Hindi nga.. kaya nga mag-aaral ehh.. hahhahaha"..
"Sabi na nga ba.. hindi magandang idea na nagculinary Arts siya.. baka nakakamatay ang lutuin niya.. -".. bulong ni Maine kay Kesya.. binulong pa ehh.. rinig ko naman.. frontStab ang ginagawa ng dalawang 'to sakin.. harap-harapan akong pinag-uusapan ehh..
"Buti nga ako ehh.. gusto ko talaga 'to.. eh kayong dalawa.. trip niyo lang kaya nandito kayo.."
"Hahaha atleast marunong talaga kaming magluto at saka pasalamat ka nga ehh.. sinamahan ka namin.. hahhaha-"..
"Dapat na ba talaga akong magpasalamat??".. i asked in sarcastic way..
"Oo naman..-".. sabay pa ng dalawa..
"Eh di salamat.. -"
"YOU'RE WELCOME!!"..
Sa totoo lang kasi hindi talaga ako gaanong marunong magluto.. . Sa pagkain lang ako magaling.. hahaha.. pinili ko ang course na'to dahil kay Mama.. gusto niya akong maging chef.. noong una.. ayoko sana kasi parang gusto ko ang Fine Arts.. kaso nung makilala ko si Kiel at naging kami.. nagbago isip ko.. gusto ko na matutung magluto.. para naman maluto ko lahat ng gusto niya.. di ba nga may kasabihang.. "the way to man's heart is through to his stomach".. tama ba?? Ah basta yun na yun.. hahha..at saka para naman maging good wife ako para sa kanya.. in the future.. hehehe kinikilig ako na isiping ikasal kami.. yieeehhh!! Na maging mag-asawa niya ako tapos magkakaroon kami ng limang an..-
"Aray!!".. >_
"Muntanga ka..-"
"Umaandar na naman yang imagination mo..-Si kiel na naman yan panigurado.. -".. nang-aasar na sabi ni Maine sakin..
"Hmpft!!.. pakialam niyo ba?? Love of my life ko yun ehh..-"..
"Muntanga talaga!!".. sabay pang napailing ang dalawa..
Speaking of Kiel.. ano kayang ginagawa ng mga gung-gung na yun ngayon.. ano na naman kayang mga kalokohan ang pinaggagawa nun..hindi ko naman sila pwedeng isama dito sa campus.. mahigpit na ipinagbabawal ang mga outsider dito lalo na't wala naman silang school business dito.. hay naku!! Every weekend ko lang makikita ang prinsipe ko.. every weekends ko lang din makakakulitan ang dalawang makulit na guardian na yun.... namimis ko na agad sila kahit galing pa lang sila sa bahay namin kahapon..
Ipinaliwanag ko na din naman sa kanila na simula na ng pasukan kaya madalang na lang kaming magkikita.. naintindihan naman niya.. ganun naman daw talaga kapag nag-aaral.. nagiging busy.. ganun din daw siya dati nung nag-aaral siya sa Kaharian nila.. and speaking of kaharian.. hindi niya ako naipasyal sa academy nila.. nakalimutan daw niya.. sayang wala ng pag-asang makita ko yun.. hindi na ako makakabalik sa Conto de Fadas kahit gustuhin ko.. Hindi na maaari dahil Sa mundo nina Kiel patay na ako.. hindi na ako pwede mag-exist.. sayang talaga..
Kamusta na kaya sila dun??
-------
Author's Note:
Paalala po.. hindi niyo po maiintindihan ang story na ito kung hindi niyo pa po nababasa ang book 1 nito.. "Im Dame and this is my almost a fairytale story..-".. baka po kasi malito kayo sa magiging takbo nito at sa mga characters.. Isasama ko pa din po kasi yung mga old characters..
Basahin niyo po muna yung part 1 before kayo magproceed dito..
Thank you.. :) :)
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasyKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...