DAME'S P.O.V"So?? Sino ang magiging representative ng Department natin sa gaganaping SandLuther Academy's Foundation Day??".. seryosong tanong ni Mam sa'min.. hehe 5 days to go na lang pala yun.. tapos party-party na naman.. excited na ako .. *^_^* hehe
Kaya yan nagtatanong si Mam kasi every Foundation day daw dito sa academy ay dapat na may student representative ang bawat department sa lahat ng kurso.. hindi naman daw ito competition between courses.. kailangan lang daw ng mga representative for a speech na gaganapin sa gabi ng pagdiriwang.. may sayawan daw ding magaganap pagkatapos ng lahat ng activities na mangyayari..
"Obviously si Claire na yun.. -".. maarteng sambit ni Alohna na nagtaas pa ng kanyang kaliwang kilay sabay tingin sa gawi namin.... ang bruhang 'to!! Ahitin ko yang kilay niya dyan ehh.. "No other than her is deserve to be our department's representative.... Am I right everyone..-??"..
Bigla namang tumayo si Yesha.."-I object..-".. sabi pa niya.. anu 'to?? Election ng Class officers??.. "-.. I think hindi magandang ideya na si Claire ang maging representative natin.. duh!!? She's not good enough at it is.. -"..
"Who told you that she's not??".. asik naman ni Grace..
"Ako?? Bakit totoo naman di ba?? Baka kasi Puro lang kaplastikan at kaartehan ang pagsasasabi niya dun.. mapapahiya lang ang course natin!"..
"Ang kapal mo din naman talaga Yesha.. akala mo kung sino kang magaling.. bakit?? Sino ba sa tingin mo ang karapat-dapat na maging representative natin?? Ikaw??? Your such a feeler naman.!!!".. singhal na din ni Claire sa kanya.. hay naku.. ito talagang si Kesha, gulo din ang hanap.. pinabayaan na lang sana... pero sabagay kung ako din ang tatanungin ayoko din na maging Representative si Claire.. hindi naman sa bitter ako sa kanya, ang akin lang naman eh wala naman siyang sasabihing maayos dun.. hahaha
"Hindi ko naman sinabing ako ehh.. -"..
"Then sino ipinagmamalaki mo?? Aber??".. nakapameywang na sabi ni Alohna..
"Si Dame.. -".. nabulunan naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.. whatt?? Pahamak talaga!! Idinamay na naman ako..
Nagtawanan naman yung tatlong bruha.. anong nakakatawa?? Baka nga mas may utak pa ako sa kanila ehh.. pssHh!!
"Hahha nakakatawa naman.. you're just a great joker Kesha!"..
"Not Dame Either Kesha.. not definitely her..-"..
"Why not?? Kung tutuusin nga mas bagay si Dame dun kesa sainyo..-".. halah!! Pati ba naman si Maine nakisali na.. pag-uuntugin ko talaga ang dalawang 'to mamaya.. Ayoko kaya ng ideya nila! Hmmft!!
"No!! I'll be our representative whether you like it or not!"..
"Tss.. yabang!! Nakakairita..-"..
"Okay Girls.. quiet!! And please be seated..".. sita samin ni mam.. "Ganto na lang ang gawin natin.. magbotohan na lang tayo kung sino ang gagawin nating representative.. so class?? except Claire and Dame may gusto pa ba kayong i-nominate as Department's representative??"... nagsibulungan naman ang lahat pero ako nanatili lang tahimik habang pinaglalaruan ko ang kamay ni Kiel na nakapatong sa mesa ko.. i just wanna hold him like what i always want... "okay wala na ba.. ?? Sige, Magbotohan na tayo.. who's favor for Claire?? Raise your hands.. ".. tanong ni mam.. magsisitaasan na sana ng kamay yung iba ng tumayo ako na ikinagulat nila..
"Hoy Dame.. anong ginagawa mo?? Umupo ka nga.. alam naman naming ikaw ang mananalo sa botohang 'to..-".. pabulong na usal ni Kesha.. pero sinimangutan ko lang siya..
"Mam..-"..
"Yes??"..
"Hindi na po kailangan magbotohan.. si Claire na lang po..-".. nakita ko sa peripheral view ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nina Claire at ng ilan kong kaklase..
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasyKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...