KIEL'S P.O.V
Nagkatinginan kaming magkakaibigan at Nagtaka ng magkagulo ang ibang estudyante sa labas ng aming silid matapos magbell for breaktime..
Naririndi ako sa mga hiyaw at tili nila.. sarap sapakan ng papel sa mga bunganga!! Tsss..
"Ano ba kasing nangyayari??"..
"Samin ka pa talaga nagtanong eh pare-pareho tayong nandito.. tanga lang Green.??".. pagtataray ni Maine dito... napairap naman sa kawalan yung isa.. may pagkabakla talaga.
Napalingon kami sa muling pagpasok ng dalawa naming kaklaseng babae.. mukha silang kinikilig at excited na dumeretso sa pwesto ni Dame?? So ano naman ba 'to!??
"WhaaaaHhh!!! Dame halika ka.. dali.. kailangan mong makita 'to.. hihihi..-"..
"Bilis, tayo ka na dyan..-".. bigla nilang hinawakan sa tigkabilang braso si Dame at pinatayo saka hinila palabas..
"Anu ba.. teka lang.. problema niyo ba??".. singhal ni Dame sa kanila pero hindi siya nito tinantanan..
"Mga siraulo 'to ahhh..-".. nasambit na lang ni Kesha.. "Hali nga kayo.. tingnan nga natin kung ano ang pinagkakaguluhan sa labas.. at baka meron ng k-pop dyan.. hahhahahha.. "..-_-???? Anong K-pop???
Naunang lumabas sina Kesha at Maine.. kaya kahit tinatamad akong makipagsiksikan ay wala akong nagawa kundi ang sumunod.. nandun si Dame ehh.. ... baka matiris pa ang babaeng yun.. tsk!!
Nagtinginan saming tatlo ang mga nandito ng lumabas kami ng silid pero tingin ko sa'kin talaga sila nakatingin.. pssh!! Iba na talaga kapag gwapo!! Haixtz!! Nag-give way pa sila sa'min para makadaan kami papunta sa may railings nitong second floor.. dun ko nakitang nakatayo si Dame katabi sina Kesha.. nakadungaw sila sa baba.. ano bang meron sa baba??
Sumingit ako sa gitna nina Dame kaya ngayon katabi ko na siya.. agad naman akong napatingin sa baba.. at ganun na lang ang biglang pagkulo ng dugo ko sa nakikita.. nang-aasar talaga siya!! -_-# sinasagad ng lalaking 'to ang pasensya ko!! Siraulo 'to!! Sinong matinong lalaki ang manliligaw sa isang babae sa harap ng boyfriend nito?? D*mn that Khajii!!! Pinapainit talaga ang ulo ko!! Tsk!!
Naramdaman ko na lang ang mga kamay na pumisil sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.."Wag mo na lang pansinin kulang lang kasi yan sa pansin.... -"..
"Gusto atang mamatay..-".. may asar kong sambit.. "-namumuro na talaga ang isang yan!! Ang bastos lang!!"..
"Grabe.. saan kaya niya nakuha ang kakapalan ng mukha niya noh?? Akalain mo ba namang mangharana?? Tss.. timang lang..-".. natatawang turan ni Maine na nakahalumbaba sa railings.. si Kesha naman ay nakahalukipkip habang naka-arko ang isang kilay..
"He's totally a jerk..-"..
"Wag kang maniwala dyan,
Hindi ka niya mahal talaga,
Sayang lang ang buhay mo,
Kung mapupunta ka lang sa kanya..
Iiwanan ka lang niya..
Makinig ka..
Dagdag ka lamang sa milyon-milyong babae niya.. ".. kanta ng damuho.. pati yung kantang pinili niya pang-asar!! Sisilaban ko na talaga siya ng buhay!! Grabe suportado pa siya ng mga kaibigan niyang gago.. ttsk!! May back up sa likod!! Pssshhhh!! Pagsabay-sabayin ko kaya silang sunugin dyan..!! Asar!!! Kung pwede lang talaga!! Kanina ko pa ginawa..haixtz!!!"Owhh... ganda ng piniling kanta ahh..haha"-.. may nakakalokong ngiting sabi ni Maine.."-Pffft!!"..pagpipigil niya ng tawa..
"Ginagago ka Prince Kiel.. ihuhukay ko na ba yan ng paglilibingan niya?"..
"Ako na ang bahala sa isang yan!!"..
"Anong balak mong gawin??".. tanong naman ni Dame sa'kin.. mukha siyang nag-aalala sa'kin..
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasiKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...