DAME'S P.O.VInisa-isa kong inaalis ang mga braso at mga binting nakadantay sa'kin.. tss!! Sarap mamutol ng mga bahaging katawan tas itatapon ko sa kanal. .. hindi na mga nahiya gawin ba naman akong unan!! Tsk!! Pagsasakalin ko sila dyan ehh!! UrggggHh!!
Nang makaalis na ako sa higaang yun ay sinamaan ko sila ng tingin kahit hindi nila ako nakikita.. naku!! Ang mga babaeng 'to anlalakas uminom hindi naman pala kaya.. pssHh!!
Bago ako lumabas ng kwartong yun ay lumingon ulit ako sa mga kaibigan ko (sina Kesha, maine at Kath) na tulog na tulog sa sobrang kalasingan kagabi.. buti pa ako dalawang shot lang.. kaya kahit hang-over wala.. hehe malamang sa malamang na 2 shots lang ako dahil ayaw ni Kiel na uminom ako ng marami..
By the way asa bahay pala kami ni Drake.. b-day niya kahapon kaya nagkayayaang magget-together.. wala sina tita at tito asa business trip kaya nakabwelo kami ng mga kalokuhan..hahhahaha okay lang naman daw kay bro na wala yung parents niya kasi sanay naman na siyang laging wala ang mga ito.. poor Drake.. buti na lang sina mama laging nandyan..
Napataas ang kilay ko ng madatnan ang mga lalaki na kung saan-saan nakahilata at mga tulog mantika..
Si Kiel nasa sahig nakahiga habang nakaunan sa tiyan ni Green.. yung paa naman ni Green malapit ng mahalikan ni Loki.. Si Drake naman nakadantay sa mukha ni Louie..at si Blue naman nakaharap sa kili-kili ni Drake.. hahaha nakakatawa mga itsura nila..hahaha
Kinuha ko yung cellphone ko then *click*.. haha remembrance!! Whahahahaha ma-upload nga 'to mamaya.. hihi okay isa pa nga.. *click*.. hahahha lagot kayo sa'kin itatag ko talaga kayo.. wutwut!! Hahaha
Napahalakhak naman ako ng biglang gumalaw si Loki.. hahhaha nahalikan na kasi niya yung paa ni Green.. kadiri!!! Hahahha
*click*..
Syempre hindi ko papalagpasin yun.. whahahaha nakaclose up pa yung kuha ko.. Naks!! Ang ganda ng photographing ko.. hahaha
Gusto niyo malaman kung ano ba nangyari kagabi??
*flashback*
"Andito na!!!".. masiglang sabi ni Drake habang hawak-hawak ang isang case ng alak.. nakasunod naman sa kanya si Loki na may dala ding isa pang case.. "Inuman time na!!!"..
"Andami naman ata niyan??".. reklamo ko.. eh sa andami ehh.. adik lang 'tong si Drake parang mauubos naman namin yan.. wiw!
"Relax lil'sis.. mauubos natin 'to.. di ba guize???".. paghingi niya ng kakampi na siyang ikinahiyaw naman ng mga siraulo..
Inilagay na ng ilang bote sa sahig at itinabi naman muna yung iba.. asa lapag lang kami nakaupo habang nakapabilog sa inumin... napapagitnaan ako ni Kiel at Blue which is katabi naman niya si Green.. magkakatabi naman yung magjojowa..
"Bawal ka uminom ng marami ahh..-".. bulong sa'kin nitong katabi ko..
"Pero..-"..Napasimangot naman ako kunwari.. hehe papabebe muna ako.. hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak ehh.. kaya kahit hindi niya man sabihin yan.. ay hindi talaga ako magpapakalasing noh!! Ayoko kayang magkahang-over..
"No but's my princess..-".. seryosong sabi niya sakin sabay halik sa noo ko.. kaya napangiti ako ng bongga.. simpleng galawan na siyang nagpapakilig naman sakin ng sobra.. hahha o.a ba?? Hindi naman.. sakto lang!haha subukan niyo kayang magmahal at mahalin.. paniguradong magiging o.a din ang feelings niyo..
"Hoy.. narinig ko kaya yun.. ang kj mo naman Kiel.. tayo-tayo lang naman eh.. -".. its Kesha na siyang pangalawang tumagay..
"Ayoko lang malasing ang babaeng 'to.. -"..
BINABASA MO ANG
IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)
FantasyKung nakaya ni Dame na mabuhay sa isang mundong puno ng hiwaga at Salamanca.. paano naman kaya ang magiging takbo ng buhay ng ating prinsipe ngayong nandito na siya sa mundo ng babaeng mahal niya.. Isang mundong ibang-iba sa mundong kinalakihan ni...