Road 17: C.S

26 1 0
                                    

DAME'S P.O.V

Thanks God.. natapos na din kami sa community service namin ng tatlong araw.. naging okay naman ang lahat.. pero hindi pa din naiwasan ang mga pagtatalo at asaran sa pagitan namin against Claire's group.. nagkakapikunan at nagpapasaringan kasi.. haha wala ehhH!! Siguro wala na talagang pag-asang magkabati-bati kami.. Mapapride din kasi.. bahala na.. basta ba hindi na ulit mangyari yung nangyaring pisikalan.. ayoko na!! Sakit sa ulo't katawan ehh. .. haha

Buti na nga lang kamuh walang rambol na nangyari sa nakalipas na tatlong araw habang nagcocommunity service kami..



*FLASHBACK*

C.S Day 1 at Gymnasium

Kailangan lang naman naming linisin ang Cr dito sa Gym.. -_-# okay lang sana kung hindi kalakihan 'to.. eh ang cr ba naman dito ang lawak, andaming cubicles.. sinong hindi maasar dun!! Haixtz!!!

"Unahin na lang natin itong Women's Restroom??".. mungkahi ni Maine.. "mas malaki kasi 'to ehh... "..

"Sa men's restroom na lang kami..-".. sabi naman ni Luke.. "baka wala tayong magawa nito kapag magkakasama tayong lahat.. alam niyo naman ang ibig kong sabihin.. di ba?"..

"Buti pa nga.. -".. pagsang-ayon naman ni Drake.. kung tutuusin mas mabuting ideya nga yun ehh.. para iwas na din sa gulo.. ayoko din namang makasama sila.. ayokong makarinig ng mga reklamo.. knowing Claire and her friends.. malamang they'll complaint everything... maaarte yan ehh.. mga rich kids ehh!! Piling ko nga hindi pa yan nakakahawak ng mga cleaning tools ehh.. pero gusto ko din makita anong reaksyon nila habang naglilinis.. hahhaha siguro diring-diri ang mga yan.. hahahha naiimagine ko pa lang natatawa na ako..

"Your smiling like an idiot..-".. napanguso ako sa tinuran ni kiel.."-.your thinking something stupid.. am I right??"

"Hmmft!! Panira ng imagination..-".. irap ko sa kanya..

"Parang ang unfair naman ata.. mas malaki 'tong lilinisan namin..-".. reklamo ni Kesha with an irap..

"Anong unfair dun eh.. sampu naman kayo.. pito naman kami.. so?? Fair lang yun.. tanga!"..

"Mas tanga ka!! Bwisit!!".. singhal niya pabalik kay Alohna.. hindi na ata mawawala sa'min ang gan'tong eksena.. hahha

"Haixts!! Pwede ba manahimik na kayo!! Nakakarindi na!! Sakit sa tenga!".. nakakunot-noong sabi ni Green at pumasok na sa Cr.."-.maglinis na lang tayo para matapos na.. hindi yung magtatalo pa kayo dyan.. tsk!!".. erR!! Bakit ang highblood ng isang yun??

"Halah!?? Anyaree dun?? Meron ba yun??-aray!!".. daing ko ng tuktukan ako sa ulo ni Kiel..

"Baluga ka talaga..- tara maglinis na lang tayo.. para matapos na..-"..

"Buti pa nga.. magsimula na tayo..-".. sumunod naman na yung iba at kanya-kanyang kuha ng cleaning tools.. ang kinuha kong panlinis ay brush.. syempre meron din kaming mga Gloves.. oo na aaminin ko na din nadidiri din ako maglinis ng Cr lalo na ng mga inidoro.. errH!!

"Kadiri!! I won't touch that things!! Ewwwwnesssssssss.....-" .. narinig kong tili ni Claire sa kabila.. hahhaha "KADIRI!!!!!"

"Ang arte talaga..-".. komento naman ni louie at Loki na kuros pa sa pagsalita..

"Hahahhaa.. parang gusto kong i-video ang mga maarteng yun..-".. natatawang usal ni Kesha habang nagsisimula ng magkuskus..".-ng may pagtawanan naman ako.. hhahaa-"..

"Owh my GosH!!!! IPIS!!!!!!!".. Napatawa kami ng may tumili na naman sa kabila.. hindi lang kasi isa ..mukhang silang lahat ay nagkagulo ng dahil lang sa ipis.. narinig din kasi namin ang mga boses ng lalaki na mukhang nataranta..

IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon