Road 13: Get-Together at School Clinic

23 2 0
                                    

DAME'S P.O.V

This is another sh*t day!!! Nakakabwisit!! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapamura sa inis!! Akala ko hindi sila aabot sa pisikalan pero nagkamali pala ako.. sarap lang nilang pagtatadyakan.. haixtz!!

Ansakit ng balakang ko.. mga bwisit yun!! GRrrr!!! Kung kahapon kung ano-anong ibinuhos samin, kanina naman kung ano-anong trip ang pinaggagagawa nila para lang asarin kami..

Hindi ko makakalimutan yung ginawa nila kanina.. pinipikon talaga nila kami..


*flashback*

Ang lawak ng ngiti ko ngayon.. mukha kasing wala namang gagawing masama ang grupo nina Claire ngayong araw, kasi naman magla-lunch break na pero matiwasay pa rin kaming nakakapag-aral.. siguro papalampasin muna nila ang araw na 'to para makapag-isip na naman ng panibagong kalokohan laban sa'min.. ohh well!! BahaLa na nga sila.. sila din naman ang mapapagod.. hmmft!!

Nang tumunog ang bell, indikasyon na lunch break na ay agad nagsilabasan ang aming kaklase.. kami naman ang nahuling lumabas..

"Sobra na akong nagugutom..-".. reklamo ni Green habang hinihimas-himas ang pinauumbok niyang tiyan.. "bilisan na nating maglakad..-"..

"Patay-gutom talaga..-".. bulong ko..

"Tss.. ganyan ka din naman ahH..-".. biglang sabi naman ni Kiel habang nakatingin sa'kin na may mapaglarong ngisi.. "mas patay-gutom ka pa nga sa kanya di ba??".. napasingkit naman daw ako.. hindi kaya ako ganun.. hmpft!!

"Manahimik ka.. hindi naman ako kagaya ni Green noh!!".. irap ko sa kanya..

"Hindi nga.. kasi mas malala ka sa kanya..-"..

"Hoy!! Excuse me!! Lagi kaya akong in-diet kapag kumakain.. baluga 'to!".. tama lang naman ang kain ko eh.. hindi masyadong konti.. hindi din madami.. kung tutuusin.. sakto lang naman.. kung makapagsabi naman siya dyan parang antakaw-takaw ko?? Hindi nga ba?? Hindi kaya!!!

"Diet your face!! Kailan ka pa nagdiet.. eh motto mo nga Food is Life..-".. sabat naman ni Kesha..

"Totoo naman yun ahhh. FOOD IS LIFE naman talaga..-".. pag-emphasized ko pa sa tatlong salita para maintindihan nila ng mabuti.. "-bakit mabubuhay ba kayo ng walang pagkain??? Sagot!?!dali..-"

"Oo na lang!".. sabay-sabay nilang pahayag at medyo napapailing pa.. oh di ba?? Hindi sila nakasagot.. food is life naman talaga di ba?? Sa lahat ng bagay dito sa mundo.. ang kumain ang pinakamasarap gawin.. hahaha chalap-chalap kumain ehh!! Pero hindi ko naman sinasabing matakaw ako o di kaya ay patay-gutom noh!! Hindi porket kain ka ng kain matakaw ka na.. hindi ba pwedeng inaappreciate lang masyado ang blessings??. hehehe

"Bakit kasi asa secondfloor pa ang room natin.. ayan tuloy. Ang layo-layo sa cafeteria.. -".. ako naman yung nagreklamo.. haha tumutunog na kasi ang tiyan ko sa gutom ehh.. gusto ko na magfull charge!! Hahah cellphone lang ang pheg!! Hehe

"Dun ka na kaya sa cafeteria tumira??".. pamimilosopo naman sa'kin ni Maine..

"Kung pwede lang eh.. why not??"..

"Tss.. palitan mo na kaya yung taga-silbi dun??"..

"O di kaya mag-apply ka lang dun bilang tagatikim ng mga niluluto ng cook..-".. pasegunda naman ni Kiel sabay gulo ng aking buhok..

"Aixtz!! Wag nga ang buhok ko..-"asik ko sa kanya.. ang hirap magsuklay ng kulot na bubok ehh.. hindi ko na nga nasusuklay ng maayos ehh.. ginugulo pa ng damuhong 'to!

"Makareact ka naman dyan.. kala mo naman nanunuklay ka talaga.. eh sigurado akong hindi naman.-". ..

"Hmmmpft!!txieeee!! You shut up..-".. pag-ismid ko sa lalaking mapang-alaska! Hindi na nagbago.. ganyan ba talaga 'to magpakita ng pagmamahal??

IDATIMAAFS BOOK II: Road to a Happily Ever After (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon