Chapter One
Separate Ways
1992. Tierra del Cielo, Salamanca, España.
Kanina pa sunod nang sunod si Zee sa kanya habang karga-karga ang umiiyak na si F. Siya naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-i-impake.
"Hermano, pag-usapan niyo muna 'to ni Hermana," sabi ni Zee sa kanya habang pilit na pinatatahan si F. Tiningnan niya ito. Dalawang taon ang tanda niya kay Zee. Dise-sais pa lang ito pero responsable na sa pag-aalaga ng nakababatang mga kapatid nila. Nasulyapan niya ang limang taong gulang na mga kapatid niyang kambal na sina Elisha at Elijah. Panay ang ayos ni Elisha sa salamin nito sa mga mata na madalas natatabingi. Magkahawig na magkahawig sina Elisha at Elijah pero makulit ang huli.
"Tapos na kaming mag-usap, Ezekiel."
"Pag-uusap ba 'yon? Nagsigawan kayo eh."
"Wala na kaming dapat pag-usapan pa," aniya saka ipinagpatuloy ang pag-i-impake. Tinulungan siya ng kambal sa ginagawa. Nang matitigan niya sina Elisha at Elijah ay agad siyang naluha. Ang babata pa ng mga ito para maipit sa ganitong sitwasyon.
"Hermano, bakit ka umiiyak?" tanong ni Elisha. Concern was all over his innocent face.
"Nag-away ba kayo ni Hermana?" tanong naman ni Elijah na nagtataka.
"Pwede bang makiusap ako sa inyo, niños?" tanong niya sa mga ito. They nodded. "Pwede bang iligpit niyo ang mga damit ninyo at ipasok sa isang bag? Huwag masyadong madami ha para hindi kayo mahirapang magbuhat. Bibili na lang tayo ulit ng bagong damit."
"Aalis tayo?" tanong ni Elijah na halatang nae-excite.
Tumango siya. "Oo, Lijah. 'Di ba gusto mong makapunta sa bansang pinanggalingan ni Papa? Pupunta tayo roon."
"Yehey!" bulalas nito saka hinarap si Elisha. "Tara, Lisha. Maghanda na tayo."
Tumango si Elisha saka humarap sa kanya. "Lahat ba tayo aalis, Hermano?" inosenteng tanong nito. Hindi siya makasagot. "Hermano Eli, bakit tayo aalis? 'Di na ba tayo masaya rito?"
Lalo lang siyang lumuha at muntik pang humagulhol. "Elijah, samahan mo na ang kakambal mo sa kwarto ninyo, por favor."
Hinila na ni Elijah si Elisha palabas ng kwarto. Naupo siya sa gilid ng kanyang kama saka umiyak nang husto. Parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit. Naramdaman niyang tumabi si Zee sa kanya. Nang tingnan niya ito ay napansin niyang tulog na si F sa mga bisig nito habang dumidede sa feeding bottle. Sa batang edad ay natuto na si Zee sa pag-aalaga ng mga bata at sanggol. Kayang-kaya nitong disiplinahin si Elijah kahit sobrang kulit. Madali rin nitong napapatahan o napapatulog si F kapag nagta-tantrums.
"Hermano, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Pinagdadaanan nating lahat ito. Hindi madaling mawalan ng mga magulang sa loob lang ng isang taon pero sana naman, wala ng malayo sa atin. Paano ang mga kapatid natin? Ang babata pa nila lalo na ang mga bunso."
"Nakapag-desisyon na ako, Ezekiel. Aalis tayo sa lugar na ito at magsisimula ng bagong buhay sa ibang bansa. Tulungan mo'ko na alagaan ang mga kapatid natin."
"Paano si Hermana?"
"Nag-desisyon na rin siyang iwan tayo," matigas niyang tugon saka bumalik sa pagliligpit ng mga damit. Masakit ang naging pagtatalo nila ng kakambal niya pero ito ang unang bumitaw at wala siyang balak na ipagpilitan ang sarili niya o ang mga kapatid niya rito. Hinding-hindi siya tatanggap ng tulong sa kakambal niya.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...