Chapter Sixteen- Asset and Liability

1.1K 65 16
                                    


Chapter Sixteen

Asset and Liability


TALKING to one Contreras in a day is exhausting and emotionally perilous, how much more talking to two? For more than two years na relasyon nila ni Eli, kailanman ay hindi niya pa nakakausap nang sarilinan ang matriarch ng mga ito. Marami siyang naririnig na masasamang kwento tungkol dito.

Dalawang beses niya lang itong nakasama. Una ay noong sumakay siya sa eroplano nito few months ago para puntahan si Eli sa New York nang maaksidente ang huli at pangalawa ay noong magpunta ito sa thankgiving dinner ng pamilya nito na nauwi sa isang masamang senaryo. Hindi ito ang tipo ng babaeng makikipaglapit sa kahit na kanino lalo na sa mga in-laws pero malaki ang respeto ng mga kapatid at in-laws nito rito.

Tiningnan niya ang anak niya mula sa kusina. Nasa sala ito kasama ang dalawang body guards ni Queen Diamond. They seemed to get along well.

"Kilala mo na siguro sila," agaw ng bisita sa atensiyon niya.

"Your body guards."

"Yeah. Emman and Erwan. They are First Borns like Zara."

"Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, Queen Diamond?" tanong niya.

"I believe Eli was here few minutes ago."

"Oo, galing nga siya rito. Nag-usap kami at nagkasundo na hindi muna kami titira ni Zara kasama niya but he is free to visit her anytime he wants," she told her.

"Hindi ka pa rin niya naaalala."

"You must be happy, I imagine."

Queen Diamond sarcastically smiled. "Just a little. Enough to enjoy my day. Sad to say, 'di rin ako gano'n kasaya habang alam ko na may mga gustong manakit sa pamilya ko."

"Alam mo na kung sino ang may pakana ng pagka-aksidente ni Eli?" usisa niya.

"Hindi naman ako nahirapang hulaan kung sino o ano. Gaano mo kakilala ang angkan na kinabibilangan namin ni Eli, Dr. Steele?"

"According to Eli, your clan is lead by a powerful woman or matriarch. She has been the clan matriarch for more than fifty years. She is your grandmother."

"Yes, you're right."

"Eli told me you are her favourite grandchild."

"That was eons ago. Siguro nga paborito pa rin niya ako hanggang ngayon."

"I heard that you are one of the choices for the next clan matriarch."

"Who would want that stupid title? Who would want to lead that murderous clan?" her words were full of distaste. "I don't want any of their killings."

"Killings?"

"The clan has a secret army of First Borns. The army was created during the leadership of the great patriarch Oswald Symphonia and until now, they secretly exist. Their goal is to eliminate people who are threats to the clan and those members who disobeyed the rules. Sila ang pinaniniwalaan kong may pakana sa nangyari kay Eli."

"Are you telling me that your family is in danger?"

"We are always in danger, Dr. Steele. Ano sa tingin mo ang dahilan kaya puro alyas ang gamit namin? Ano sa tingin mo ang dahilan kaya nagpapalipat-lipat kami sa ibang bansa? Ano sa tingin mo ang dahilan kaya ayaw ni Eli na magpunta ka sa Spain para mag-imbestiga? This is the reason. Kapag nalaman ng angkan namin na gusto mong alamin ang tungkol sa sumpa, hindi sila magdadalawang-isip na ipapatay ka. There is an army of First Borns who can do the killing for the clan. Madali ka nilang mapapaslang."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon