Chapter Three- Debbie, The Burgundy Lady

1.5K 62 11
                                    

Chapter Three

Debbie, The Burgundy Lady


"ARE YOU ready?"

Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang tanungin siya ni Rachel. Siya na ang susunod na aakyat sa stage. Panonoorin siya ng babaeng burgundy ang buhok.

"Rachel, wait."

"Bakit? Kinakabahan ka? Natural lang 'yan, Eli," nakangiti nitong sabi. "Just do your best and be confident." Hindi siya nakakibo. Iba pa rin talaga ang pakiramdam niya. Tinitigan siya nang maigi ni Rachel. "Nagka-crush ka ba kay Deborah?"

"What? N-no!" tanggi niya kahit na nga ba para ng bass drum ang tibok ng puso niya.

"Deborah is not a part of this production but because she has the ability to distinguish talented people, I invited her as an audience. If you want to get her attention and affection, give your best shot. Madaling ma-attract si Deborah sa mga talented at matatalinong tao," sabi ni Rachel saka siya tinapik sa balikat. Para siyang timang na natulala. Nang tawagin ang pangalan niya ay napilitan siyang umakyat sa stage.

Hindi siya sa mga judges kinakabahan kundi kay Deborah na nakaupo sa bandang likuran ng mga judges. Sa huli ay ginawa niya ang dahilan kaya siya naroon para matapos na. Ang una niyang kinanta ay ang kantang madalas niyang naririnig sa kanyang ama noon. It was a Christian hymnal entitled 'It is well in my soul'.

Noong bata pa siya ay hindi niya masyadong nabigyan ng importansiya na intindihin ang kanta pero matapos ang lahat ng nangyari sa kanyang pamilya, 'di niya maisip ang sarili na kinakanta ang awiting iyon. Walang mabuti sa halos sabay na paglisan ng mga magulang nila. Walang mabuti sa pag-abandona ng ate nila. Walang mabuti sa pag-ako ng maraming resposibilidad pero sa lahat ng mga nangyari, isang bagay lang ang napatunayan niya, kaya niya at kakayanin niya hanggang matatag siyang nananampalataya sa Diyos. Wala mang gaanong tama sa mga nangyari sa buhay niya, sigurado naman siyang gagamitin ng Diyos ang mga pasakit na iyon upang mas maging matatag siya.

Thinking of those things made him sang like it was his last performance. Kung tutuusin ay matagal-tagal na mula noong huli siyang kumanta. He used to sing with his siblings especially with his twin-sister. They were a great singing duo. They could form a mini-orchestra and their mom would be the conductor. Pero ngayon, wala ng duo, wala ng orchestra. Wala na ang kanilang music teacher at conductor.

His heart began to feel pound painfully that he stopped from singing in the middle of the song. He was about to choke from crying, buti napigil niya. The people stared at him like he was some kind of an apparition. Nakanganga pa si Rachel while the Burgundy lady was also shocked.

"I have to go," mahina niyang sabi saka nagmamadaling bumaba sa stage at umalis sa auditorium.


PARA MAWALA ang stress, tumambay muna siya sa library matapos ang kanyang flopped performance. Naupo siya sa sahig habang kunwari ay nagbabasa. Pumwesto siya sa bandang sulok para 'di siya agad makita ng kahit na sino. Wala na siyang klase pero ayaw niyang umuwi na parang binagsakan ng langit. Magtataka si Zee at magtatanong pa. Kailangan muna niyang ma-stabilize ang sarili.

"You're not a medical student."

Tiningala niya ang nagtanong. It was the Burgundy lady, Deborah Steele.

"I'm not," aniya. "Medyo na curious lang ako sa anatomy."

"Anatomy ng mga bacteria?" tanong nito.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon