Chapter Thirteen
A Time For Everything
HINDI maalis-alis ang kaba sa dibdib ni Eli habang naghihintay sa labas ng emergency room. Abot-abot ang dasal niya na maging okay ito. After almost an hour, kinausap siya ng doctor. Nakahinga siya nang maluwag dahil ligtas na si Elisha pero kailangan pa nitong mag-undergo ng ilang brain tests para masigurong wala naging problema sa utak nito ang pagkakahulog. Kailangan din nila itong hintaying magising.
Bandaged ang ulo ni Elisha nang ilipat sa ibang room. Wala pa rin itong malay. Hindi na lang muna niya tinawagan si Zee dahil baka bigla itong umuwi sa London kapag nalaman ang nangyari. Si Archie ang pinaasikaso niya sa mga kailangang asikasuhin. Ipinaubaya niya muna kay Mrs. Higgins ang pag-aalaga sa ibang mga bata.
Alam niyang aksidente ang nangyari pero di pa rin niya maiwasang sisihin ang sarili. Masyadong okupado ang isip niya ng ibang mga bagay gayong ang dapat lang niyang isipin ay ang pamilya niya. Nakahinga lamang siya nang maluwag ng magising si Elisha at agad siya nitong nakilala. Masakit daw ang ulo nito at walang masyadong maaninag since wala itong suot na eyeglasses pero maliban doon ay wala na itong ibang inireklamo. Matapos itong makainom ng gamot ay nalatulog din ito ulit. Sa gabing iyon ay natulog siya sa ospital.
Hindi niya alam kung anong oras na nang magising siya. Natigilan siya dahil may ibang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Hindi naman siya nainis o nagalit dahil pumasok ito sa kwarto nang walang paalam. Nang tingnan niya ang kanyang wrist watch ay nalaman niyang madaling araw pa lang. Nagpunta ito roon nang ganoon kaaga para dalawin si Elisha habang tulog ang bata. Mukhang inisip nito na hindi siya papayag na dumalaw na gising si Elisha. Isa pa, walang may alam na naroon sila maliban kay Archie kaya sigurado siyang lihim sila nitong pinababantayan.
He saw her looking at Elisha with compassion in her eyes. It's the same way she used to look at them before. Sa kabila ng pagiging malamig at matigas ng puso nito ngayon, sigurado siyang hindi pa rin talaga nawawala ang kapatid na nakilala niya. Kung anuman ang pumipigil dito na ipakita ang tunay na damdamin, malamang nahihirapan din ito. He knew how it felt.
"Aksidente ang nangyari," sabi nito saka siya tiningnan. Naramdaman agad nito na nagising siya. "Magiging maayos siya."
"He used to be your favourite," he reminded her.
"And he still is. Hindi kagaya ni Elijah na mapaglaro at malikot o ni F na sumpungin at matigas ang ulo, ang puso ni Elisha ay napakabuti," sagot nito which enough proof na alam nga nito ang nangyayari sa kanila.
"Hindi mo ba siya nami-miss?"
"Takot pa rin ba siyang magbanyong mag-isa?" sa halip ay tanong nito. Mukhang iniiwasan nitong maglabas ng matinding emosyon.
"Hindi na."
"Mabuti. Masyado siyang mahilig sa mga libro," sabi nito. "Dapat ipaayos mo ang library sa paraang hindi siya mahihirapang kumuha ng mga librong gusto niya. Perhaps, you fill his room with the books he usually like to read," she suggested. Alam din nito ang sanhi ng pagkahulog ni Elisha sa hagdan.
"'Yon din ang naiisip ko."
She gently touched Elisha's head. When she kissed Elisha's forehead, his tears betrayed him. "How can you leave us when you really love us?" he asked while silently crying. "Anong klaseng pagmamahal 'yon, Hermana?"
"Masakit na pagmamahal," mapait nitong sagot. "May mga sariling dahilan ako kaya kinailangan kong lumayo pero hindi ibig sabihin ay nawala ang pag-aalala at pagmamahal ko sa inyo. Pinababantayan ko kayo. Sinisigurado kong nasa mabuti kayong kalagayan. 'Yon lang ang kaya kong gawin sa ngayon."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
Viễn tưởngSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...