Chapter Fourteen- Lost Memories

1.2K 68 7
                                    

Chapter Fourteen

Lost Memories

2014. New York City.

Salubong ang mga kilay ni Zee nang ikwento niya rito ang nangyari few days ago. Ang biglang pag-aalsa-balutan ni Debbie at ang pag-alis ng mag-ina niya mula sa kanyang poder. Sinabihan siya ni Debbie na huwag muna siyang susunod sa mga ito at kahit ayaw niya ay sinunod niya ang gusto ng babae. Sa halip na manatili sa London ay nagpunta na lamang siya sa New York City. Ikwenento niya sa kanyang mga kapatid ang nangyari. Sina Zee, F, S, Star at ang asawa ni Zee na si Ynez ang naging audience niya.

"Mukhang kulang kayo sa sex life," komento ni S saka tumawa. F also laughed. Pinalo ni Star ng throw pillow ang mga ito. Ynez was forcing not to laugh.

"Bakit niya sinabing magdi-divorce kayo gayong 'di pa naman kayo kasal?" tanong ni Zee. Nagkibit-balikat siya.

"Wala akong ideya. Wala akong maalala."

"Wala ka pa rin ba talagang naaalala kahit konti, kuya?" tanong ni Star.

"Actually meron pero konti lang. Ang tanging pumapasok sa isip ko ay mga alaala noong mga bata pa kayo. Nang magpunta ako minsan sa music room, naalala ko na madalas maglaro doon si F at mahilig siyang magngatngat ng kahit na ano. Kapag kinukuha ko ang laruan niya, gumugulong siya sa sahig at umiiyak," napangiti siya nang maalala ang huli. Nagtawanan ang mga ito maliban kay F na kunot ang noo.

"I didn't remember that," sabi ni F.

"Paano mo maaalala eh maliit ka pa?" natatawang sabi ni S.

"And I remember crying always."

"While praying," dagdag ni Zee. Tumango siya. "We were really alone that time, especially you. Ikaw ang tumayong nanay at tatay namin. At the early age, you led the company. You carried all the responsibilities alone. You carried also all the bitterness."

"Because she left us," sumimangot siya.

"Yeah but you know what, you learned to forgive her."

"With all this hatred still I forgave her?" hindi talaga siya makapaniwala sa ideyang iyon.

"It's the truth," sabi ni F. "Hindi namin makikilala si Ate kung hindi mo siya napatawad. You and Kuya Zee introduced her to us. I can still remember that day. I was ten years old. You looked very excited and happy when it happened."

"Seriously?"

"I remember it too," sabi ni Star.

"Me too," dagdag ni S.

"What made me forgave her?" naitanong niya. Nagkibit-balikat ang mga ito. He sighed. "Nami-miss ko na ang anak ko."

"Give Debbie some time, Kuya," sabi ni Ynez. "Nagpapalamig lang 'yon ng ulo. Mahal ka no'n. Hindi rin naman kasi madali ang pinagdadaanan niya," anito habang hinihimas ang malaking umbok sa tiyan nito. Dalawang buwan na lang at manganganak na ito, gayon din ang asawa ni Elijah na si Sari. Kasalukuyang nasa Pilipinas sina Elisha at Elijah kasama ang pamilya ng mga ito.

Naikwento ni Zee na ilang taong nanirahan sa Pilipinas ang mga nakababata nilang mga kapatid. Nangyari iyon nang maitatag nang tuluyan ang Symphonia Groups of Companies matapos mag-merge ang Contreras Corp. at Diamond Inc. It happened after he introduced his twin-sister to the family. That was also the time Queen Diamond took her responsibilities as the over-all chairman of the business empire. Marami pa talaga siyang hindi maalala at kahit naikwento ng mga kapatid niya ang ibang mga nangyari ay hindi pa rin siya makapaniwala. Isa pa, para kasing hindi siya ang lalaking ikinukwento ng mga ito sa kanya.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon