Chapter Twenty-One
Unrequited Love
2004 was a memorable year for Eli. Siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nang ligtas na ipanganak ni Debbie ang anak nilang babae. He named their daughter Zara Lee, an anagram of his name. Mula noon, ang mundo niya ay naka-sentro kay Zara.
He was a constant visitor to Debbie's home. May mga pagkakataong hindi niya nakikita ang kanyang mag-ina dahil sa trabaho at pagdalaw sa mga kapatid niya sa Pilipinas pero walang araw na hindi niya naiisip ang mga ito. Lihim sa kanyang pamilya ang kanyang ginawa. Tiyak niyang pagagalitan siya ng kanyang mga kapatid sa ginawa niya dahil nagkaanak siya out of wedlock pero wala na siyang magagawa. Nangyari na ang lahat at desisyon niya iyon. Tiyak din niya na sasakalin siya ng kakambal niya sa galit kapag nalaman nito ang ginawa niya. Napaka-sagrado pa namang ng kasal sa pamilya nila.
Dahil baby pa si Zara, huminto muna si Debbie sa pagtuturo at itinuon ang sarili sa pag-aalaga ng anak nila. Nagkasundo sila na susuportahan niya ang kanilang anak. Pinayagan siya nitong madalaw ang mga ito parati. Despite having a child, Debbie and his relationship remained platonic, as much as Debbie was concern. Hindi naman kasi nagbago ang pagtingin niya sa babae at 'di rin talaga nagbago ang pakikitungo ni Debbie sa kanya. Friendship at its finest! Pero 'di siya sumusuko. He will remain faithful and he will wait.
"Eli, hindi yata kita narinig na may ka-date," anito habang nasa bahay siya nito. Mahigit isang tao na si Zara at nagsisimula ng maglakad.
"Kayo lang naman ang ka-date ko," sagot niya. Minsan ay sumasama ang loob niya kapag napupuna nito ang kawalan niya ng love life.
"Akala ko ba may bago ka ng babaeng dini-date." Nasa kusina ito at naghuhugas ng mga pinagkainan nila. Siya naman ay nasa sala at pina-practice sa paglalakad si Zara. Iyon pa ang madalas nitong sinasabi. Iniisip talaga nito na naka-move on na siya rito.
"Wala," sagot niya. "Gusto mo mag-date tayo?" lakas-loob niyang tanong.
"Saan? Sa park?" tanong nito. Hindi niya naiwasang sumimangot. Family date yata ang tinutukoy nito, kasama si Zara. "Kailan?"
Binuhat niya ang anak at pumasok sa kusina. "Hindi kasama si Zara." Nagtataka itong bumaling sa kanya. "Ikaw at ako lang."
"Ayoko."
"Bakit?" parang sinaksak ang puso niya sa narinig.
"Kapag may nakakita sa atin, baka isipin pang boyfriend kita. Mahabang paliwanagan pa ang gagawin ko. Isa pa, gusto mo bang may makapag-sumbong sa kakambal mo na may anak ka na pero 'di ka kasal?" tanong nito. Alam nito na tinatago niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang kakambal ang kanyang kasalukuyang sitwasyon.
"Eh 'di magpakasal tayo."
Ibinalik nito ang focus sa paghuhugas ng pinggan. "You know my rules, Eli. Isa pa, nang magdesisyon kang buuin si Zara kasama ko, pumayag kang walang mamamagitan sa atin at hindi tayo magpapakasal para lang sa bata," paalala nito sa kanya. He grimaced. "Okay lang namang maghanap ka ng ibang babaeng makaka-relasyon mo as long as sinusuportahan mo ang anak natin. Naiintindihan kong meron ka ring sariling pangangailangan."
Para sa isang napakatalinong tao, ubod ng manhid si Debbie. Alam niyang nararamdaman nito na mahal niya ito pero ayaw lang pansinin dahil sa sariling prinsipyo sa buhay. Sariling pangangailangan? Ito lang ang babaeng kailangan niya. Palibhasa ay hindi nito alam ang pinagdadaanan niya once a month pero kapag nalaman nito ang tungkol doon, baka mawala ito at si Zara sa buhay niya. He can't risk it. Wala siyang takot mag-risk sa negosyo pero hindi kapag tungkol na sa mga ito. They are his most priceless treasures.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
FantasiSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...