Chapter Nine- Adversary

1.1K 64 6
                                    

Chapter Nine

Adversary


"LAVENDER'S blue, dilly, dilly, lavender's green. When I am king, dilly, dilly, you shall be queen. Who told you so, dilly, dilly, who told you so? 'Twas my own heart, dilly, dilly, that told me so."

Tuwang-tuwa si Eli habang pinagmamasdan sina Elisha at Star na nagpi-piano habang kumakanta. Elijah was playing the violin while S was standing beside Elisha and watching him play. Si F naman ay nakadapa sa sahig at tulog na tulog.

"Master Eli," untag ni Mrs. Higgins sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatayo sa tabi ng pinto at pinapanood ang mga kapatid. "Nariyan na po si Atty. Mills."

Binalingan niya ang majordoma. "Senior or junior?"

"Junior."

"Sa opisina niya po ako hintayin," utos niya. Umalis na ang majordoma. After few minutes, nagpunta siya sa opisina niya sa bahay. Inabutan niya si Atty. Archibald Mills Jr na nakaupo sa visitor's seat. Tumayo ito at nakipagkamay sa kanya. "Kumusta?"

"I'm good, Master Eli," sagot ni Archie. He was Archibald Mills' one and only son. Two years ago ay nag-retire ang dati niyang abogado at sa ngayon ay nagbabakasyon sa ibang bansa kasama ang asawa nito. Ang pumalit dito ay ang anak nito na si Archie. Matanda ito sa kanya ng halos sampung taon at mahusay ito sa trabaho. Mahusay itong makisama at gaya ng ama nito, alam na nito ang pasikot-sikot sa negosyo.

Nang dumating ito ay agad nilang pinag-usapan ang tungkol sa negosyo. Kamakailan lang kasi siya naipakilalang executive secretary at mula sa araw na iyon ay siya na ang magre-representa sa may-ari, to think isa rin siya sa mga may-ari. He represents his whole family but in a secret way. Para sa mga executives at shareholders ng Contreras Corp, ipinadala lamang siya ng totoong mga may-ari ng korporasyon.

Sa unang linggo niya sa trabaho ay ramdam niya ang hindi pagseryoso sa kanya ng ilan nilang kasosyo pero binigyan niya ng testing ang mga ito sa kakayahan niya at ipinaramdam niya sa mga ito na hindi siya basta-bastang negosyante. Na may kapasidad siyang maging kinatawan ng mga may-ari. After the recent board meeting, he left the conference room victorious.

"I exist to assure that all the shareholders still trust the Contreras in handling the corporation kahit wala silang makita na isa man sa mga ito."

"Ikaw din naman ang namamahala as a whole," sabi ni Archie.

"Ako lang ang namamahala ngayon pero alam naman nating meron pang mas may karapatan kesa sa akin," sagot niya saka naalala ang kakambal na tatlong taon na niyang 'di nakikita. Wala siyang balita tungkol dito. "Ngayong lumantad na ako, sigurado akong alam na niya kung saan kami pwedeng hanapin. Nagawa niya kaming iwan noon kaya kung gusto niyang bumalik, siya ang dapat gumawa ng paraan."

"Tatanggapin mo ba siya?"

"Sa negosyo siguro pwede pero sa pamilya, hindi ko alam."

"What's Master Zee's stand about it?"

"He wants the family to unite, of course. Pero wala siyang magagawa since nasa army siya," sagot niya. Mahigit isang taon ng nasa U.S. si Zee. Ang plano nitong mag-aral ng forensic science ay nauwi sa military school. Matagal pa itong makakabalik.

"By the way, are you familiar with the Diamond Inc.?" Archie asked.

Umayos siya ng upo. "Yeah. It's a fast-growing corporation. Why?" interesado niyang tanong sa abogado. Marami siyang naririnig na rumors tungkol sa kompanya. Magta-tatlong taon pa ito sa negosyo pero marami na itong mga kompanyang na-takeover at nakipag-merge rito. Maraming negosyo ang nasa ilalim ng pamamalakad ng nasabing kompanya.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon