Chapter Seven
The Value of a Smile
"ARE YOU sure about this, Master Eli?" tanong ni Atty. Mills sa kanya.
In a span of five days, he had organized a simple yet memorable wedding for him and Rachel. Si Atty. Mills lang ang pinagsabihan niya sa bagay na iyon. Hindi alam ni Zee ang pagpayag niya sa kasal na iyon.
Tahimik siyang tumango. Wala ng nagawa ang abogado sa gusto niya. Few minutes from now, ikakasal na siya. Nakahanda na ang lahat. Since it was a secret wedding, ang immediate family lang ang naroon. Si Atty. Mills lang ang dumalo para sa kanya. Ang mga doctor at nurses na umaasikaso kay Rachel ay inimbitahan din nila. To honor Rachel's wish, the wedding took place inside a grandeous mansion that looked like a palace court. May pagka-romantic talaga ito at gusto nitong maikasal na tila isang prinsesa. He granted her wish.
It was a brief ceremony pero lahat ng pwedeng mangyari sa isang kasal ay ginawa nila. Rachel walked in the aisle in a wheelchair, wearing a simple, elegant white gown. Si Debbie na siyang maid-of-honor nito ang naghatid rito sa altar. Rachel was so beautiful. Nagsuot ito ng wig na kakulay ng original nitong buhok. Ngayon niya mas napansin ang malaking pagkakatulad nina Rachel at Debbie.
"Ang gwapo mo," nakangiting sabi ni Rachel sa kanya nang magpang-abot sila sa altar.
"Siyempre, kasal natin eh."
Madaling natapos ang seremonya. When the officiating minister announce to kiss the bride, nahiya pa si Rachel sa kanya kaya siya na ang unang humalik dito sa lips. The kiss lasted for seconds and though it may not be important to others, that was his first real kiss. It was meaningful because he kissed her wife.
When they were signing their supposed to be marriage contract, bumulong ito sa kanya. "Saan mo nakuha 'yang artista na gumaganap na officiating minister? Parang totoo, in fairness."
He chuckled. "Realistic ba?"
"Very," sagot nito saka tiningnan ang pangalang nakasulat sa pinirmahan niyang marriage contract. "Eleazar Contreras II. Sino 'yon?" tanong nito sa kanya.
"Ako. 'Yon ang totoo kong pangalan. Secret lang natin 'yon."
Hindi ito kumibo at tinitigan lang siya na para bang may ina-analyze. Then she held his hand and kissed him again. "Thank you, Eli."
"All for you."
Matapos ang kasal ay ibinigay ni Rachel ang bouquet na dala kay Debbie saka may ibinulong. Debbie's face was stunned for few seconds and back to being cold again. Mula sa venue ay inuwi nila si Rachel sa bahay nito. Doon nito gustong maglagi. Nakiusap siya kay Zee na sa bahay muna siya ng mga ito tumira pansamantala. Zee was okay with it.
ONE WEEK after the wedding, Rachel died peacefully in her sleep. He expected it already yet it felt so painful. Bago ito namatay, nagbilin na ito sa kanila na gaya ng mga magulang nito, gusto nitong ma-cremate. Twenty-four hours after she dies, she was cremated and was laid together with her parents' ashes and urns. Walang masyadong umiyak. Alam kasi nila na ayaw 'yon ni Rachel. Mas gusto nila na maalala si Rachel sa pagiging masayahin nito.
Matapos iyon ay sumama siya kina Bubbe Dinah at Debbie sa pag-uwi. Sinamahan din sila ni Atty. Mills. Doon ay sinabi niya sa mga ito ang isang bagay na walang alam ang mga ito.
"The wedding was legal."
"What?" nagulat si Debbie. "Paano nangyari iyon?"
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...