Chapter Twenty-Five- Rachel's Living Memory

1.2K 63 40
                                    

Chapter Twenty-Five

Rachel's Living Memory

Autumn of 1991. London.

Nagtataka si Debbie nang umuwing tulala si Rachel sa bahay nila. Nakita niya itong naglalakd pauwi at tinawag niya ito pero parang walang narinig. Kanina ay nagpaalam ito na pupunta sa family doctor nila dahil nga sa lumalala nitong migraine. Nag-undergo pa nga ito ng ilang tests.

"Ruchel!" tawag niya sa kaibigan. Sinundan niya ito papasok sa bahay nito. "Ayos ka lang?" usisa niya. Tumingin ito sa kanya.

"Ikaw pala," mahina nitong sabi.

"Kanina pa ako nandito tapos ngayon mo lang napansin. May problema ka ba?"

Hindi ito sumagot. Dumiretso ito sa kusina at uminom ng tubig. Sumandal ito sa sink at tulala na naman. Nagtataka na siya sa ikinikilos nito.

"Rachel Leonor McHammond, ano ang problema mo? Ano ang sabi ng doctor?"

"Debbie, tingin mo marami akong adventure na magagawa sa loob ng isang taon?" tanong din ang ibinalik ni Rachel sa kanya. "I mean, since malapit ng magtapos ang taong ito, I want to challenge myself next year."

"Ano na naman 'yang kalokohang naiisip mo?" saway niya rito. Kahit noong mga bata pa sila, mahilig talaga si Rachel gumawa ng mga kalokohan. Kung anu-ano ang trip nito para lang mawala ang boredom. Maliban doon, mahilig din talaga ito sa mga bagay na unusual.

"May naisip ako Debbie habang naglalakad pauwi rito," bigla ay napuno ng excitement ang mga mata nito. Kapag ganoon si Rachel, mahirap na itong mapigilan. "I want to accomplish my top 20 dreams! Isn't it fun?"

"Top 20 dreams?"

"Yeah. Great idea!" iyon lang at marami na itong plinano. Rachel was a Literature student and at the age of twenty ay talagang napaka-active sa university. Kasali ito sa Literature Club at isa sa mga active and innovative leaders.

Rachel took a paper and a pen. She silently wrote something. Pinagmasdan niya lang ito. After few minutes, ipinakita niya rito ang listahang ginawa nito.

"Itong twenty to eleven sa listahan mo, posible mo nga itong magawa ngayong taon to early next year pero itong ten to one, parang hindi ito posible ngayon," pag-e-evaluate niya. Umarko ang isang kilay niya nang mabasa ang last two sa listahan. "Number two, get married. Number one, BABY. Seryoso ka rito?"

"Twenty na ako. Pwede na akong mag-asawa at magka-baby," confident nitong sagot.

"Kapag nalaman ito ni Bubbe, kukurutin ka no'n sa singit," babala niya rito.

"Kung posible lang naman ho ngayong taon."

"Rachel, may problema ka ba? Bakit bigla mo itong ginagawa?"

"Naisip ko kasi na at least every year, dapat may goals ako. Dapat ikaw din," sagot nito saka ngumiti. "Tungkol doon sa pagpunta ko sa doctor, binigyan na ako ng gamot at inumin ko lang daw 'yon magiging okay na ako."

Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito.

Inisip ni Debbie na hindi seryoso si Rachel sa mga pinagsusulat nito dahil makalipas ang ilang araw ay balik na ito sa dati. Nagkarooon lang siya ng ideya na tototohanin nga nito ang gusto nang makita niya itong nagre-research.

"Ano 'yan?" nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nire-research nito sa computer.

It was few weeks after the 'listing'. "Naloloka ka na ba, Ruchel?"

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon