Chapter Twenty-Four - First Borns

1.2K 62 23
                                    


Chapter Twenty-Four

First Borns


HINDI maiwasan ni Debbie na mapangiti nang makita si Marcie na agad yumakap sa lalaking sumalubong sa kanila. Inimbitahan sila ni Queen Diamond sa mismong mansiyon nito. May pag-uusapan ito at si Eli at sinabi rin nitong sumama na lamang sila ni Zara. Kararating lang nila ng London ilang oras pa lang ang nakakaraan.

"Alam mo bang hindi ko talaga siya estudyante at pinasama lang siya ni Queen Diamond para bantayan tayo at i-report sa kakambal mo ang mga nangyayari sa atin sa Pilipinas?" tanong niya kay Eli.

"Naisip ko rin 'yan pero 'di naman ako masyadong nagambala sa presensya ni Marcie. She is a good lady and a sweet one," Eli said with a smile.

"That's Marcie's husband," Zara informed them.

"Siya ang leader ng mga bodyguards ni Hermana. He is a Symphonian, too," sabi ni Eli. Kaya siguro naiintindihan siya ni Marcie ay dahil isang Symphonian din ang minahal nito. Lumapit sina Marcie at ang asawa nito sa kanila.

"Guys, meet my husband Ethan," pakilala ni Marcie sa asawa nito.

"I knew them already," sabi ng lalaki saka tumitig kay Eli. Bahagya itong yumuko. "Queen Diamond is waiting for you in her office, Master Eli."

"All right. Maiwan ko muna kayo." Pumasok na si Eli sa mansiyon.

"Pumasok na rin tayo. Doon niyo na lang hintayin si Kuya Eli sa receiving room," sabi ni Marcie saka iginiya sila silid na tinutukoy nito. Doon ay inabutan nila sina Emman, Evan at Erwan. Agad na niyaya ng mga ito si Zara na maglaro ng Snake and Ladders. Mahilig si Eli sa larong iyon.

"Dr. Steele, aalis na muna kami," sabi ni Marcie saka kumindat.

"Sure. Enjoy," nakangisi niyang sagot na ikinatawa nito. Ethan looked puzzled.

"Saan kayo pupunta? Gagawa kayo ng mga cute babies?" tanong ni Erwan. Pinalo ito ni Evan ng throw pillow sa mukha. "Aray! Nagtatanong lang naman eh."

"May bata tayong kasama!"

"Pagbalik ko mamaya Erwan, lagot ka sa akin," babala ni Ethan saka inagbayan ang asawa. Umalis na ang mga ito.

"Dr. Steele, let me tour you around," sabi ni Emman. Sinulyapan niya si Zara. Enjoy na ito sa pakikipaglaro kina Evan at Erwan kaya nagdesisyon siyang sumama kay Emman. Nagpunta sila sa garden. Napangiti siya nang makita ang mga red roses na binanggit noon ni Marcie na inaalagaan nito.

"Si Marcie ba ang nag-aalaga ng mga halaman dito?" tanong niya.

"Naikwento niya pala. Oo. Maliban sa pagiging misis ni Ethan, siya ang hardinera namin. Minsan ay kusinera siya o 'di kaya ay driver. Nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin dito. Nag-aaral siya ng culinary ngayon pero sabi niya, gusto niya ring mag-aral ng floriculture someday. Hindi nauubusan ng napag-aaralan ang isang iyon."

"I do understand her. Gano'n din kasi ako."

"I am glad that Master Eli regained his memories. It wasn't easy for Queen Diamond. She was worried about him lalo pa ngayong nagpaabot na ng imbitasyon ang angkan namin sa lahat ng First Borns."

"You also saw it?"

Tumango ito. "It wasn't a good news. It only means that they are tracing each one of us.Parang biglang nakakatakot na maging First Born."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon