Chapter Eighteen- The Things He Admires About Her

1.1K 58 9
                                    

Chapter Eighteen

The Things He Admires About Her

LONDON, England.

Umaga pa lang ay mainit na ang ulo ni Ethan. Ilang araw na itong wala sa mood mula ng umalis ang asawa nito. Hindi na nga ito magawang biruin nina Evan at Erwan. Hindi rin siya nito kinikibo dahil sa kanya ito may malaking inis.

"Tio, kain na," yaya ni Emman dito. Bagamat nakadulog sa hapag-kainan ay hindi nito ginagalaw ang pagkain. Sanay itong kumain katabi ang asawa. Mas madalas na ang asawa nito ang naghahain ng pagkain nito. His grumpy mood was all about his wife.

"You can't starve yourself for a month," paalala niya rito. Masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya. 'Yon nga lang, walang epekto sa kanya ang nanlilisik nitong tingin. "Ipagdasal mo na lang na makaalala agad si Eli para makabalik ang asawa mo rito nang maaga."

"Of all people –"

"Marcie is anonymous to them. She will do well."

Pigil ang galit na tumayo ito at nagmartsa palayo. Sigurado siyang hanggang hindi pa nakakabalik si Marcie roon ay patuloy na sasama ang mood ni Ethan.

"Tia, hindi pwedeng ganoon si Tio sa loob ng isang buwan. Kami ang mababaliw sa kanya," reklamo ni Evan.

"Sandali lang namang mawawala si Marcie, bakit ganoon na agad si Tio?" tanong ni Erwan. Pinandilatan tuloy ito ni Evan. "What? Did I say anything wrong?"

Emman smiled at his cousin. "Erwan, hindi mo talaga maiaalis na mag-alala at ma-miss ni Tio ang asawa niya. Mag-asawa sila eh."

"He can call her."

"Iba pa rin ang personal na magkasama sila. Tio won't like to be separated from Marcie for a long time," paliwanag ni Emman.

"You won't understand unless you're married," sabad niya sa mga ito. "He'll get over it."


NAGKASUNDO ang mga magkakapatid na mag-outing after few days of staying in the city. Ideya 'yon ng mag-asawang Elisha at Faye na nami-miss na ang pagpunta sa beach. Nagpunta sila sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya nina Eli. Excited ang mga bata and when she thinks about children, kasali si Marcie roon. The teenager acts more like a child at ito yata ang nag-volunteer na tumayong yaya nina Zara at Dan. Hindi niya maisip kung bakit ito ang ipinadalang ispiya ni Queen Diamond pero baka nga sinadya nito na si Marcie ang ipadala para hindi halatang ispiya.

"Doctor, ano po ba ang plano niyo para makaalala si Sir Eli?" tanong nito nang sila lang dalawa ang nasa cottage. Magkasama sila sa iisang cottage with Zara.

"Bakit? Ibabalita mo sa amo mo na malaki ang posibilidad na mabigo ako?" sarcastic niyang tanong. Marcie smiled in return.

"Hindi po. Para po makauwi na ako sa asawa ko."

"Asawa?" nagulat siya. Tumango ito. "Ilang taon ka na ba?"

"Nineteen, although I look thirteen. Hinubad ko rin ang wedding ring ko para iwas sa mahabang paliwanag. Ikinasal po ako few months ago at siguradong mainit na naman ang ulo ng asawa ko dahil hindi niya ako nakikita," bigla itong nag-alala.

"Bakit ka pumayag na malayo sa kanya?"

"I have to. Sometimes, we make hard decisions."

"You are that loyal to Queen Diamond para iwanan mo ang asawa mo upang maging ispiya rito," aniya.

"I am loyal to my husband and he is loyal to Queen Diamond," sagot ni Marcie. "Kahit hindi gusto ng asawa ko ang desisyon, alam kong nakita niya ang kahalagahan ng gagawin ko. Masama ang loob niya but he has to endure it."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon