Chapter Nineteen- A Vow to Fulfill

1.1K 55 4
                                    

Chapter Nineteen

A Vow to Fulfill


2003, LONDON.

For more than eight years, Debbie lived from country to country teaching and at the same time, studying further. She taught in different universities and continue to study anthropology and even archaeology. Hindi nasayang ang mahigit walong taon niyang pagkawala sa London. Marami siyang natutunan sa kanyang paglalakbay at nag-enjoy siya.

For those years, Eli and her were exchanging e-mails. Minsan ay pinapadalhan niya ito ng post cards. He is her constant reminder of London and all she left there. Madalas ay wala siyang response sa mga e-mails nito at hindi naman ito nag-demand ng response. Kapag nagme-message ito sa kanya, para itong nagbabalita sa kung ano na ang nangyayari rito. Sa mga e-mails nito, never itong nagpahaging ng anumang saloobing may kinalaman sa pag-ibig. Those were friendly e-mails at na-appreciate niya ng husto ang mga ginawa nito. Hindi ito nagsawa sa pakikipag-communicate sa kanya.

Balik siya sa pagtuturo sa university sa London. She was happy to be back and more passionate to teach what she acquired for so many years. She really loves to learn more. Few days after she came back to London, Eli went to the university. Nagulat siya nang makita ito. Malaki ang pinagbago nito sa physique. He looked more handsome. Nagpunta ito habang nagka-klase siya at naki-sit in pa! Nakangiti siya nitong pinanood habang nagle-lecture tungkol sa early American civilizations.

"Hey," aniya nang matapos ang kanyang klase at lapitan ito. He stood and smiled at her. His eyes were twinkling with excitement. "You look good."

"You too," sabi nito saka siya niyakap nang mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito lalo na dahil ang ilang mga estudyante niya ay napatingin sa kanilang gawi. "I miss you."

Wala siyang maisagot at hindi rin naman ito nag-demand ng response. He invited her for dinner in a French restaurant. He listened intently as she shared all her adventures for the last eight years. Hindi pa rin talaga ito nagbabago pagdating sa ugali. Magaling pa rin itong makinig.

"Ang dami ng mga nangyari sa'yo and they sound really exciting," komento nito.

"They were. Ikaw. Kumusta ka?"

"My younger siblings are now in the Philippines. Lima silang naroon. Malalaki na sila at mga independent kaya kahit wala ako ay okay sila. Ang kakambal ko naman ay siya ng namumuno sa pamilya namin."

"You gave way."

"It's the right thing to do," he said. Hindi na ito mukhang bitter. Maaliwalas ang mukha nito kapag binabanggit ang kakambal at madalas na rin itong ngumiti. "Nagkaayos na kami at tinanggap na namin siya sa pamilya few years ago. Nagulat siyempre ang mga bata pero iginalang naman nila ang awtoridad ng kakambal ko sa pamilya. Hindi nga lang sila gano'n ka-open sa kakambal ko."

"That's understandable since hindi sila lumaki kasama siya."

Tumango ito. "I hope magawa nilang mahalin ang kakambal ko the way they love me."

"Darating din ang panahon na 'yan." She can't stop staring at Eli's face. "May asawa ka na ba?" bigla niyang naitanong. Eli laughed.

"Bakit mo naman naisip 'yon?" he asked and then he showed his left hand. "I am not married. Not yet."

"So meron na talagang dumating?" usisa niya. Bakit bigla siyang kinabahan? Masyado ba siyang naging kampante na maghihintay si Eli sa kanya at hindi makakapag-move on? Eight years din ang lumipas kaya hindi imposibleng may nakita itong babaeng mas willing itong mahalin kesa sa kanya. Kapag nagkagano'n, paano ang plano niyang gawin itong ama ng anak niya? Nangako ito sa kanya!

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon