Chapter Twenty-Six- The Serpent's Kiss

1.3K 61 32
                                    

Chapter Twenty-Six

The Serpent's Kiss


MATAPOS kumain ng hapunan ay nagpaiwan sina Debbie at Eli sa hapag-kainan. Sa bahay nina Debbie sila nagtuloy. After the dinner, Debbie was ready to tell her fiancé the truth.

"Bago mo sabihin ang gusto mong sabihin, may itatanong ako."

"What is it?"

"Yan bang sasabihin mo eh alam ng kakambal ko and she blackmailed you again so that you will tell me the truth?" Eli asked. Tahimik siyang tumango. "All right. Tell me. I'm ready."

Napayuko siya. Kinakabahan siya pero kailangan niya iyong gawin para sa ikatatahimik ng kanyang isip at konsensya. "When Rachel knew that she was ill and possible to die sooner, she underwent an egg cell preservation process. Egg cell freezing. It was her way to preserve the future of her lineage. Kung sakali mang mawala siya, posible pa rin siyang magkaanak through a sperm cell donor and a surrogate mother."

Sa mga detalyeng sinabi niya, sigurado siyang may nabubuo ng ideya si Eli.

"Me and you?" he asked, astonished. Tumango siya. "Are you telling me that Zara..." hindi na nito nagawang ituloy ang mga sasabihin dahil sa gulat.

"Noong naghahanap ako ng sperm cell donor, it wasn't for me. It's for Rachel. Kahit noong wala na siya, I was still determined to do what I promised her. Nangako ako sa kanya na ako ang magiging ina ng anak niya but before she died, she specifically chosen a man that will donate the sperm cell."

"Me."

"Yes. Mahal ka niya. Alam mo 'yan."

Inayos ni Eli ang pagkakaupo saka tumingala sa kisame na para bang naroon ang sagot sa mga nagpapagulo sa isipan nito. He didn't look angry though. Para pa nga itong may na-realize.

"Before Rachel died, she told me her desires to have a child," anito saka tumingin sa kanya. "Given the chance, malamang nga nagkaanak kami in a natural way because I was really willing to give her all she wanted. Mahal ko si Rachel. She's my wife too."

Tumango siya. "I know you would. Matapos mamatay si Rachel at ilang taon tayong hindi nagkita, I was worried na baka hindi mangyari ang gusto niya but then I saw you again. After few years, you were already willing to do it."

"Pero hindi mo sinabi sa akin na mula kay Rachel ang gagamiting egg cell."

"Dahil naisip ko na mas papayag ka kung ang alam ko na manggagaling sa akin ang semilya. I knew you love me."

"I still do."

"I know. I'm sorry," she was trying her best not to cry. "Eli, ayos lang sa akin kung magagalit ka–" na garalgal ang boses niya. Tumayo ito at tumabi sa kanya.

"Have I told you yet how much I love you despite all your schemes and lies?" he gently asked her. She burst to tears. Pakiramdam niya ay may malaking tinik na nabunot mula sa kanyang dibdib. He embraced her.

"I'm so sorry, Eli."

"Aaminin kong medyo nagdaramdam ako dahil hindi mo sa akin ito sinabi nang maaga pero hindi ko pwedeng isantabi ang katotohanan na kung hindi dahil sa ginawa mo, hindi ako magiging maligaya kasama si Zara. After all, we just fulfilled Rachel's dream and we are with that dream. Wala akong karapatang magalit. Siguro meron, konti, but I decided not to dwell in it. Aksaya sa emotions. Ayoko pang tumanda," paliwanag nito na natatawa.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon