Chapter Ten- A Doctor's Advice

1.1K 61 10
                                    

Chapter Ten

A Doctor's Advice


"PLANNING to run away again?" tukso nito sa kanya. Sinenyasan nito ang secretary na lumabas. Nang sila na lang dalawa sa opisina, parang gusto na rin niyang sundan ang secretary. He wasn't ready for this. Kung alam lang niya kung sino ang makakaharap niya ngayon, hindi na sana siya nagpunta. Hindi rin naman niya masisisi si Archie dahil hindi nito alam ang itsura ng kakambal niya. Kaya pala siya talaga ang gusto nitong makausap.

"Sa pagkakaalala ko, sa ating dalawa ay ikaw ang unang tumakbo palayo," aniya. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit. Bumangon lahat ng kinikimkim niyang galit dito.

Naupo ito sa sofa at nag-de kwatro. Gano'n din ang ginawa niya. Sa loob ng tatlong taon ay malaki ang pinagbago nito. Lalo itong gumanda pero para itong naging manhid o bato. Hindi ito ngumingiti. Bigla tuloy niyang nakita ang sarili rito three years ago. Mukha pala siyang bato noon kaya madalas siyang sabihan ni Rachel na mag-relax at ngumiti.

"What happened to you?" bigla niyang naitanong sa sobrang curiousity.

"What do you think happened to me?" tanong din nito.

"Ako ang unang nagtanong," matigas niyang sabi.

"Mas marami kang maikukwento kesa sa akin."

"Ano naman ang ikukwento ko?"

"Tungkol sa mga kapatid natin."

Tumigas ang anyo niya. "We will not talk about them."

"I heard Zee is in U.S. right now," sabi nito pero ang mga mata ay nasa mga papeles na dapat sana ay siyang pinag-uusapan nila. "Kailan siya babalik?"

"Bakit mo tinatanong? After all this time, may pakialam ka pala sa kanila? Isn't it too late for that?" sarcastic niyang mga tanong. Nagngingitngit talaga siya sa inis.

"Whether you like it or not, I am still the eldest –"

"Dapat in-exercise mo ang karapatan mong 'yan noon pa!" sigaw niya rito. Natigilan ito at tumitig sa kanya. "Ano 'yan? Naalala mo lang kami after three years? Nagka-amnesia ka?"

"Eleazar Contreras II, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, ako pa rin ang dapat na mamuno sa pamilya at negosyong iniwan ni Papa sa atin."

"You can rule the business but not the family. You can not touch any of our siblings. Ayokong lumaki sila na ikaw ang makagisnang pinuno ng pamilya. Sa'yo na ang negosyo mo pero hindi mo makukuha sa akin ang mga kapatid ko," matigas niyang tugon. Gusto niya itong sabihan ng masasakit na mga salita at ipahayag ang matagal na niyang mga hinanakit pero ni isa sa mga iyon ay 'di niya magawang sabihin. Ang nangingibabaw sa puso niya ay ang takot na ilayo nito sa kanya ang mga nakababatang mga kapatid. Hindi siya mabubuhay nang wala ang mga ito. Hindi siya papayag na mawala ang mga ito sa kanya.

Umupo nang maayos ang kakambal niya.

"Hindi ko sila kukunin mula sa'yo, Eli," mahinahon nitong sabi.

"How can I be so sure of that?"

"Kung meron mang isang tao na tanging may karapatan na alagaan sila, ikaw iyon at wala ng iba," anito. He took a deep breath. He can feel the tears streaming from his eyes. "I am maybe the right ruler of the family but I know that they only follow you. Wala akong magagawa sa bagay na iyon."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon