Chapter Thirty- The Mysterious Lovers

1.4K 60 8
                                    

Chapter Thirty

The Mysterious Lovers


HINDI akalain ni Eli na darating si Debbie sa punto na malalaman nito ang mga bagay na nalaman din noon ng ama nila. It started when she discovered who made the jewelry set. Lahat ng naging research nito ay tumugma sa mga research noon ng kanilang ama. Queen Diamond verified everything about Debbie's research at ito na rin mismo ang nagsabi sa may mga naiwang notes ng kanilang yumaong ama. Hindi siya makapaniwala na dahil lang sa mga nalaman ng kanyang ama ay mapapahamak ito. Kung hindi rin sila agad naabisuhan ni Queen Diamond, baka nawala na rin si Debbie sa kanya.

"Ate, sinasabi mo bang ang mga Chaste ang posibleng may alam kung ano ang pwedeng lunas sa sumpa?" paniniyak ni Star matapos marinig mula kay Debbie ang mga updates ng researches nito.

"Iyon ang naging conclusion ko at maging ng ama ninyo. Kung hindi sila importante sa inyong angkan, bakit iniutos ng grand patriarch na si Oswaldo Symphonia ang pagpapaligpit sa kanila? Even the Umbra was established because of his grudge to the Chaste."

"Sandali," sabad ni Elijah. "Bakit ipapaubos ng grand patriarch ang mga tao na pwedeng maging daan para maalis ang sumpa sa angkan natin?"

"Oo nga," sang-ayon ni Elisha. "Hindi ba dapat hanapin nila ang mga Chaste para alamin ang lunas kesa patayin? Sabihin na nga nating namatay ang pamilya ng grand patriarch dahil sa pamilyang ito pero mas importante naman yata na malaman ang lunas kesa maghiganti."

"Guys, I don't know the answer," apologetic na sabi ni Debbie. "Naguguluhan din ako kung bakit gano'n ang naging desisyon ng ninuno ninyo and I am sure, dumating din ang ama ninyo sa ganitong punto. Instead of staying confused, your dad continued to search for answers until he almost found it but Umbra got him. Kung anuman ang meron sa mga Chaste, hindi natin iyon malalaman not unless makita nga natin ang natitirang na members ng pamilyang ito. Iyon ay kung meron pa nga at hindi sila tuluyang naubos ng Umbra."

"Bakit inilihim ito ni Queen Diamond sa atin?" tanong ni Zee.

Eli interrupted. Tumingin ang lahat sa kanya. "Queen Diamond is also doing her own investigations. Gusto rin niyang matapos na ang sumpang ito at ang naging basehan niya ay ang mga iniwang notes ni Papa. Hindi niya man sinabi sa akin ang dahilan kung bakit niya inilihim mula sa atin ang mga ginagawa niya pero naniniwala akong ayaw niya tayong mapahamak.

Few years ago, when she told me that I have to locate certain heirlooms that once owned by our clan, wala akong ideya na parte iyon ng sarili niyang research. Now I understood. With Debbie's help, we were able to discover these things yet it was unknown to us na pwede kaming mapahamak dahil lang sa mga natuklasan namin. We were not careful at aaminin kong kasalanan ko rin talaga kaya muntik ng mapahamak si Debbie."

"Hon..."

Malungkot niyang nginitian ang asawa saka muling binalingan ang mga kapatid at in-laws. "Kung tama ang hinala ni Papa, natin, na ang mga Chaste ang may hawak ng susi sa lunas, then we must find them. The Umbra began to hunt this family hundreds of years ago and I am afraid na kapag nalaman nila na hinahanap natin ang mga Chaste, magiging kaaway din nila tayo. Nagkausap na kami ng kakambal ko tungkol dito. She has a plan on how to get rid of Umbra from our way. Ang Umbra ang pinakamahirap nating kalaban."

"Ang Umbra ay sumusunod lamang sa batas ng angkan at sa clan matriarch–" hindi naituloy ni S ang mga sasabihin. "Kuya, 'wag mong sabihing plano niyang –"

"Not the best idea but if she can be the clan matriarch, then she will have the control over Umbra and the whole clan. Kung paano iyon mangyayari ay hindi ko alam," nag-aalala niyang sabi. "Isa pa, hindi gugustuhin ng mga anak ni Abuela na isang Contreras ang mamuno sa kanila. Parang dadaan si Hermana sa butas ng karayon kapag iyon ang ginawa niya."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon