Chapter Twenty
'Nunca Te Olvidare'
MARAMI siyang gustong itanong kay Debbie pero iniiwasan siya nito simula nang i-open niya ang topic tungkol sa pagkakaroon ulit ng anak. Para bang bumalik sila sa simula na merong barrier sa pagitan nila. Para bang kapag sinubukan niya itong lapitan ay makukuryente siya.
"Akala ko ba okay na kayo, Kuya," sabi ni Elijah sa kanya. Nasa Baguio sila, sa flower farm ng mag-asawa. "Bakit parang mas malamig pa kayo sa Baguio ngayon gayong kasing init kayo ng Philippine summer few days ago?"
"We have some issues to settle."
Hindi kalayuan sa kanila ay nakikita nila ang mga babae na nanonood ng pagtatanim ng mga bulaklak. Si Sari ang nagpapaliwanag sa mga prosesong ginagawa ng mga tauhan nito. Pinaka-interesado yata roon ay si Marcie.
"Malaking issue?" usisa ni Elisha. Tumango siya. "Wala naman sigurong malaking issue na hindi nadadaan sa mabuting usapan. It would be good to settle that as soon as possible."
"Gumawa ka ng paraan kuya. Bago kayo umalis ng Pilipinas, kailangan okay na kayo. Kailangan nagkasundo na kayong magsama ulit," sabi ni Elijah. 'Yon din ang gusto niya pero hindi niya 'yon magagawa kung umiiwas ito sa kanya.
Their group decided to stay overnight in Sari's house there. Nang gumabi ay in-announce ni Elijah na magka-campfire sila. The children were enjoying toasting marshmallows and hotdogs. Elijah brought his violin and a guitar.
"Magaling si Elijah sa violin. Hinarana pa nga niya noon si Sari gamit 'yan," ani Faye.
"Thanks for reminding me that amazing night," proud na sabi ni Elijah.
"Early morning," correction ni Elisha.
"Oo na. Kuya, tumugtog ka," ibinigay nito sa kanya ang guitar na hawak. "For the information of all, mahilig si Kuya Eli sa piano and he plays it excellently pero marunong din siyang mag-gitara."
"Hindi ako gano'n kagaling sa gitara," aniya.
"Masyado kang humble, Kuya."
"I haven't seen you play the guitar, Papa," sabi ni Zara. "But we play the piano together and you always sing."
"Ano ba ang madalas nating kinakanta?" tanong niya.
"A Spanish song!"
"I think I remember you playing a Spanish song when we were little, Kuya," sabad ni Elisha saka binalingan ang kakambal nito. "Naaalala mo 'yon, Lijah?"
"I guess so. I'm not sure if I can play it but I'll try," sagot nito saka sinubukang tugtugin ang kantang tinutukoy nito. After few tries, Elijah got it and the tune made his skin crawled. Naaalala na niya kasi ang kanta and he can actually imagine singing it to his younger siblings.
No. It wasn't imagination. Those were real memories.
Nagsimula siyang sabayan ng gitara ang violin. Elisha sang as they played. Though it was in Spanish, malinaw niyang naiintindihan ang lyrics. Nang balingan niya si Debbie, nakatitig ito sa kanya habang nakahiga ang ulo ni Zara sa kandungan nito. Nakita niya sa kanyang isipan ang kanyang mag-ina na kinakantahan niya ng awiting iyon.
Nang matapos ang awitin ay pumalakpak ang mga ito.
"It sounds good but what does it mean?" Faye asked her husband.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...