Epilogue

1.4K 65 31
                                    

Epilogue


LIHIM na nahihiwagaan si Axe sa mga ikwenento ni Queen Diamond sa kanya. Hindi niya rin akalain na napakamakulay ng buhay-pag-ibig ni King of Aces bagamat puro alyas ang gamit nito habang nagkukwento. Naiintindihan niya rin kahit paano kung bakit nito nasabing sakit sa ulo nito si King of Aces. Kung pagbabasehan niya ang kwento ni Queen Diamond, kasal na ang lahat ng mga kapatid nito at may kanya-kanya ng pamilya.

"How does it feel to have a bigger family?" she asked.

"I am not a part of the family. Present or not, they will never think of me as one of them."

"But not King of Aces."

"Yeah, not King of Aces," Queen Diamond agreed. Natigilan sila nang pumasok si Armand sa opisina. Lumapit ito kay Queen Diamond saka may ibinulong. After few seconds, she nodded. Lumabas na ulit ng opisina ang lalaki.

"May problema ba, Queen Diamond?"

"Wala pero kailangan ko ng tapusin ang interview na ito," tumayo ang babae. Tumayo na rin siya. "Alam mo ba kung bakit pumayag ako na magpa-interview sa'yo?" tanong nito. Hindi siya nakasagot. "Inaalala mo ang anak mong si Stephen, tama?"

"Queen Diamond..."

"Pinakasalan ka ng iyong asawa and under the Symphonian law, you and your son belong to the clan. Few months ago, invitations from the defense unit of the clan were sent through dreams and I believe your son received one of those."

Bumangon ang pag-aalala sa puso niya. "I don't want to lose my son."

"Then don't."

"I need your help. Ginugulo siya ng Umbra."

"You are the head of your own family. Protect your son."

"How? How can a regular woman like me go against the likes of you? My husband tried to escape his own fate from your clan but still he was found. We were living a normal life. We tried. Nagawa nilang kunin ang asawa ko at gusto naman nilang kunin ngayon ang anak ko."

"I don't know how I can help you, Aika Bartholomew Casa Grande, but let me try. Hindi ako makakapangako pero susubukan ko. After all, iisa lang ang gusto nating mangyari. Lumaya," sabi nito saka lumabas na ng opisina. Naiwan si Axe na natitigilan.


NANG makalabas siya ng opisina niya ay agad siyang sinalubong ng kanyang mga bodyguars. Tuloy-tulyo silang nagtungo sa helicopter na nasa rooftop ng SGC, London. Evan was in the cockpit with Erwan. Nasa magkabilang gilid niya sina Emman at Armand. After few minutes, they took off. Wala pang twenty minutes ay narrating nila ang lugar na kinalalagyan ng private plane nila. Doon ay naghihintay sa kanila sina Ethan at Marcie.

"Are you sure you want to do this?" Ethan asked anxiously.

"It's about damn time. Isa pa, hindi ka ba interesadong dumalo sa isang grand clan reunion?" she asked with a sarcastic smile as she took on board. Wala ng mas e-excited pa sa idea na ilang araw mula ngayon ay makikita na niya ulit ang mga taong gusto niyang paghigantihan at saktan. Ang mga taong may malaking utang sa kanya at sa pamilya niya.


Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon