Chapter Twenty-Nine- A Centuries-Old Grudge

1.2K 61 29
                                    

Chapter Twenty-Nine

A Centuries-Old Grudge


MALALIM na ang gabi pero gising pa rin si Marcie. Maingat niyang inalis ang pagkakayakap ni Ethan sa kanya saka bumaba ng kama. Naisip niyang magpahangin na muna. Papunta siya sa unang palapag ng mansiyon nang mapadaan sa studyroom ni Queen Diamond. Bukas ang pinto at ang ilaw sa loob kaya tiningnan niya kung sino ang naroon.

"Ate, bakit gising pa po kayo?" tanong niya saka pumasok sa silid.

"Hindi ako makatulog. Ikaw?"

"Hindi rin po kasi ako makatulog," sagot niya saka napansin ang nakalatag na mga papel sa mesa nito. "May pinag-aaralan po kayo?"

"May tinitingnan lang ako."

"Pwede po ba itong basahin?" paghingi niya ng permiso. Tumango ito kaya binasa niya ang unang papel na nakalatag. Natuklasan niyang kopya iyon ng isang family tree. "Ito po ba ang family tree ng angkan ninyo?"

"Yes."

Sa pinakamataas na bahagi ay ang pangalang 'Oswaldo Symphonia' at 'Antonina Cristobal'. Sa baba no'n ay ang pangalang 'Oswaldo Symphonia' at ang katabi niyon sa kanan ay ang pangalang 'Catarina de Asis'. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang dalawang pangalan. Parang narinig na niya ang mga iyon dati. Napansin niyang mula kina Oswaldo at Catarina ay nagsanga-sanga na ng ibang mga pangalan. Ibig sabihin ay nagpatuloy ang lahi nito. Mero namang nakasulat sa kaliwa ng pangalan ni Oswaldo Symphonia. Ang pangalang nakasulat ay 'Elaiza Symphony' at mula roon ay wala ng nagpatuloy.

"Bakit wala pong mga pangalan under Elaiza?"

"She died."

"Paano po siya namatay?"

"According to legends, she was accused of heresy and witchcraft. She was executed by the town's people alongside with their parents who tried to protect her," Queen Diamond answered. "Elaiza Symphonia was the sister of our grand patriarch, Oswaldo Symphonia. He flee with his lover Catarina de Asis to a peaceful town in Salamanca, Spain and were married. Thus, they founded the Symphonia clan and established their own territory, the Tierra del Cielo."

Tiningnan ni Marcie ang iba't ibang pangalan sa papel na iyon. Napansin niyang may marking ekis sa tabi ang karamihan lalo na 'yong mga nauuna. Ibig yatang sabihin ay pumanaw na ang mga iyon. Nakita niya ang pangalang 'Consuelo Symphonia'. Ito ang kasalukuyang Clan Matriarch. Ayon sa diagram, middle child ito sa limang magkakapatid. Tatlo sa mga kapatid nito ay patay na maliban sa bunso na nagngangalang Elena Godinez y Symphonia. Nakita niya rin ang pangalan ng mga magulang nina Queen Diamond na sina Maria Carolina Contreras y Symphonia at Eliseo Contreras. Undearneath the names were the names of the Contreras children. For the first time, nabasa at nalaman niya ang totoong pangalan ni Queen Diamond.

"Maganda po ang pangalan ninyo. Bakit ayaw niyo pong gamitin?"

"Mas kilala ako sa palayaw kong 'Muñeca'. My brothers usually call me 'hermana' or sister. They never say my name at wala namang nag-abalang magtanong. They do not care of Carolina's children because they think they don't deserve the status of being an Symphonian."

Sa isip ni Marcie, aanhin ang anumang prestige kung may sumpa naman? Tiningnan na lamang ni Marcie ang ilan pang mga papel sa mesa. Isang family tree ulit ang nakita niya at may nakasulat sa taas na 'CHASTE' Napansin niyang puro may markang ekis ang halos lahat ng members ng family tree na iyon. Ang tanging natitira ay ang nasa bandang dulo na nagngangalang Gregory Chaste. Under Gregory Chaste's name are two other names na sa tingin niya ay mga anak nito namely Ginevra A. Chaste and Julian H. Chaste. Beside the latter's name is the name Elizabeth Carroway. Under Julian and Elizabeth's names is the name Julianna Elizabeth.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon