Prologue

3.6K 100 7
                                    


Prologue


HINDI NA bago kay Axe ang mag-interview ng isang makapangyarihang tao. Kung iisipin, sa mahigit sampung taon niya bilang isang reporter ay dapat hindi na siya kinakabahan nang ganito pero pakiramdam niya ay isa siyang baguhan kung ang panginginig ng mga kamay at malalakas na pintig ng kanyang puso ang pagbabasehan.

"Relax," kanina pa niya sinasabi sa sarili pero ayaw talagang ma-relax ng katawan niya. Hindi 'yon magandang sinyales. Mahigit isang taon ang ginugol niya para malaman kung saan niya pwedeng makita ang kanyang subject. Ilang buwan din siyang nagpadala ng mga sulat. Mahigit isandaang sulat ang naipadala niya pero siguradong ang huling sulat niya ang nakakuha ng atensiyon nito.

Inilibot niya ang tingin sa opisinang kinaroroonan niya ngayon. Kahit ang opisinang iyon ay tila hindi nakakapag-bigay sa kanya ng komportableng pakiramdam sa kabila ng ganda no'n. Tiningnan ni Axe ang pangalang nakapatong sa mesa. Dalawang salita lang ang naroroon and those were enough to make her more nervous and uncomfortable.

Natigilan siya at agad napatayo nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking naka-amerikana. Hindi niya alam kung ilang taon na ito pero sa tingin niya ay nasa late thirties na ito base sa mukha. Kung hindi lang ito parang mainit ang ulo ay lalo sana itong gagwapo. The man looked like an actor in a Latin American soap opera except that he didn't smile a bit.

"Good morning," bati ni Axe. "I'm –"

"Aika Lavinia Bartholomew. Axe. Reporter and columnist of one of the leading newspapers in London. Or shall I call you Mrs. Esteban Casagrande?" malamig nitong sabad. Hindi siya nakaimik. Nagulat din siya dahil matagal na panahon na mula ng matawag siya nang

ganoon and hearing her late-husband's name always gives her chill. "Mi' Lady is on her way."

"All right."

"You are not allowed to take any pictures of her nor publicized any voice recording of your interview. Kapag nilabag mo ang mga ito, umasa kang hindi ko patatahimikin ang buhay mo," nagbabanta nitong sabi. Sa tono nito ay para ngang hindi siya nito patatahimikin kapag lumabag siya sa usapan nila. Walang imik siyang tumango. Binuksan na nito ang pinto.

Hindi maunawaan ni Axe ang nararamdaman habang nakatitig sa babaeng pumasok. She had always imagined her as a fierce and scary woman. Maybe she is really fierce but scary? The woman in front of her is not physically scary. In fact, she is stunningly beautiful and elegant and her only presence demands respect and obedience. She looked business-like not just because of her attire but the expression on her face.

"Good morning, Ma'am."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. Rinig na rinig ni Axe ang pintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay siya ang isasalang sa hot seat at hindi ang kanyang kaharap, walang iba kundi ang misteryosong chairman ng Symphonia Group of Companies at matriarch ng pamilya Contreras, si Queen Diamond.

MAGKAHARAP ng upuan sina Axe at ang kanyang interviewee. Kalmado ang matriarch na umiinom ng tea pero ang kamay ni Axe ay patuloy na nanginginig. Mas lalo siyang kinabahan nang magkaharap na sila. Sa kabila ng kaba, may napansin pa rin siyang unusual sa mesa.

Strawberry cake.

"Strawberry cake with tea is my favorite," sabi ni Queen Diamond na tila nahulaan ang katanungan sa utak niya.

"It's good," sabi niya, trying to remove all the tensions. Inihanda na niya ang kanyang

recorder pati na ang mga katanungan niya. "Shall we begin?"

"Sure."

"Madam, I'm thankful that you granted me this rare opportunity to interview you. It's an honor to interview the famous Queen Diamond of the Symphonia Group of Companies," aniya. Hindi ito nag-response kaya nagpatuloy siya. "Many people want to know the woman behind the legendary name so will you tell us some information about yourself."

"I am known to the world as Queen Diamond. I came from an old, influential and mysterious clan from Spain. My ancestry is a mix of Spanish, English and Asian. I have siblings who are also known for their aliases. I travel from country to country but I usually stay in England since I am a British citizen."

"Your siblings. They are also much known. Can you describe them briefly?"

Napansin ni Axe ang pagkaaliw sa mga mata ng kausap niya pero 'yon yata ang klase ng

pagkaaliw na may kasamang kasamaan. Hindi maunawaan ni Axe kung bakit siya kinikilabutan.

"The Gemini look the same but very opposite, one is selfless, and the other is selfish. Black Stag is a fortress that protects its dwellers. Draco is a lone wolf, although not really alone now. Phoenix is young and vibrant, always on fire. Polaris is the family's brightest star."

"How about King of Aces?"

Queen Diamond frowned as if may naalala itong nakaka-bwesit. "King of Aces is scheming, manipulative and a hundred percent pain in the ass."

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon