Chapter Twelve- No Other Man

1.1K 65 10
                                    

Chapter Twelve

No Other Man


HINDI na ini-expect ni Debbie na sasang-ayon si Eli sa ideya niya. Mas inaasahan niyang iisipin nito na napaka-wirdo niya at lalayo ito sa kanya gaya ng nangyari sa mga lalaking binalak siyang ligawan. Wala siyang balak na magpaligoy-ligoy.

Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang papayag nga si Eli na maging ama ng magiging anak niya kahit hindi sila maging mag-asawa. Wala na siyang kilala pang kagaya ni Eli na matino at mabuting tao. Eli is the perfect father for her future child.

Bata pa lang siya ay nakapag-desisyon na siya na hindi mag-asawa. Nang malaman niyang may sakit si Rachel at ito man ay takot na maputol ang bloodline nito kapag ito ay namatay, pati siya ay natakot. She searched for ways to produce a child without being prison to marriage. Science has the answer. All she need is the right man to supply the healthy sperm cell. Problem is, sino ang papayag sa ganoon? Gusto niyang masiguro na mabuting lalaki ang magiging ama ng anak niya.

Then Eli came. Gwapo, matalino, maabilidad at talagang mabait. Then he married Rachel and Rachel declared something she did not expect...

"Devrah, gustong-gusto ko talaga siya," pagtatapat ni Rachel sa kanya. Kakaalis lang ni Eli noon mula sa ospital. "Kung kailan naman ako mamamatay saka ako nakaramdam ng ganito. Naman! Paano ba pipigilan ang sexual attraction?" naiinis nitong sabi. Kung magsalita ito ay parang walang taning ang buhay.

"Sexual attraction?"

"Yeah. Masyado bang bulgar?"

"Normal lang 'yon, kahit sa mga malapit ng mamatay," nakasimangot niyang sagot.

"Ikaw ba walang nararamdamang 'urge' kapag nakikita mo si Eli?"

"Anong urge?"

"Sexual urge po, manang. Kung 'di ko lang alam ang prinsipyo mo pagdating sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya, iisipin ko talaga na lesbian ka o sexually insensitive. Ano ang hindi mo pwedeng magustuhan sa isang Eli Aragon?"

"Gusto mo ba talaga siya?"

"Oh yes! Kung pwede lang nga sana, magkaanak ako sa kanya, why not?" makahulugan nitong sabi saka siya nginitian. That was enough declaration. "Di ba gusto mong magkaanak sa isang mabuting lalaki? Eli obviously likes you. Baka pumayag siya."

"Kailangan ko munang malaman kung wala siyang lahing bampira o halimaw," aniya na dinaan sa biro kahit na nga ba natutukso rin sa ideya.

"Hay naku, kahit may lahi pa siyang barracuda o 'yong mga halimaw na ikinukwento mo sa akin na nasa mythology, wala akong pakialam. Devrah, he's so good to be true!" tila nananaginip nitong sabi. "Ano kaya ang feeling ng yakap-yakap ni Eli o 'di kaya ay kahalikan siya?" tanong nito na halatang tinutukso niya.

"Tumigil ka na, Ruchel. Ang laswa ng iniisip mo!"

"Kailan mo naman ako gustong mag-isip ng malaswa? Kapag patay na ako? Hindi ko na 'yon magagawa uy! Lulubus-lubusin ko na ang pagpapantasya kay Eli Aragon habang buhay pa ako. Ikaw, ayaw mo?" tudyo nito.

"Shut up, Ruchel!"

"Devrah," tawag ni Rachel sa kanya. Hindi niya ito pinansin. "Devrah!"

"Bakit?"

"Kung sakaling pumayag si Eli na maging ama ng magiging anak mo, 'wag kang papayag na idaan nila ang proseso sa laboratory. Kailangan natural ang proseso para naman masaya," seryosong payo nito na ikinapula ng kanyang mukha.

Symphonian Curse 8: Serpent's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon