Chapter Seventeen
Personal Goals
BIGLAAN ang naging desisyon ni Debbie na magbakasyon. Pinagtataka ni Eli ang naging kilos nito. Nang sabihin nitong magbabakasyon ito sa Pilipinas kasama si Zara, agad siyang nag-presentang sumama, na hindi naman nito tinanggihan. Mukha ngang mas inaasahan nitong sasama siya. Talagang sasama siya dahil tsansa 'yon na makasama ang mag-ina niya. Isa pa, dadalawin daw nila ang mga kapatid niya sa Pilipinas. Sabi ni Debbie, baka may maalala siya kung kasama niya ang kambal na sina Elisha at Elijah. He also spent some time in the Philippines before at malapit siya sa asawa ng mga ito.
Okay lang naman sa kanya ang desisyong iyon pero nagtataka siya kung bakit kailangan nilang magsama ng isa pa.
"She is Maria Cecilia Frias. She is one of my students in the History class. She has her research about Asian History, specifically Philippine History," paliwanag ni Debbie sa kanya nang magkita sila sa airport. Nginitian siya ng babaeng hindi yata umabot sa limang pulgada ang height, parang pansit canton ang buhok pero maganda at sigurado siyang Asian.
"Hello Sir. I'm Marcie," pakilala ng estudyante.
"Hi, I'm Eli. Asian?"
"Yes, Sir. I'm a Filipino," nakangiti nitong sagot. Tama siya. "Pasensya na po kung medyo wrong timing ang pagsama ko sa inyo. Mukha kasing family vacation ang pupuntahan ninyo," anito saka tumingin kay Debbie na apologetic.
"It's okay Marcie. You have your assignment to do," sabi ni Debbie. Tabingi ang naging ngiti ni Marcie. Parang hindi pabor si Debbie sa presensya ni Marcie pero 'di na lang siya nagtanong pa. Maliban doon, mukhang agad na naging close ng estudyante ang anak nila. Hanggang sa eroplano ay magkatabi ang mga ito at panay ang kwentuhan. Debbie was just silent at ni hindi ito nakikipag-usap sa kanya. Hindi na lamang niya ito masyadong kinulit.
After two days, dumating sila sa Pilipinas. Nakakahiya mang aminin pero wala siyang ideya kung saan nakatira ang mga kapatid niya roon. Pati iyon ay nakalimutan na niya. Buti na lang at alam ni Debbie kung saan nakatira ang mga kapatid niya. Sa residencial house nila sa Pilipinas sila tutuloy. Currently, si Elijah na ang may-ari ng bahay na iyon mula ng mag-asawa ito pero doon daw sila nage-get together kapag dumadalaw sila sa Pilipinas.
Hapon na nang dumating sila sa bahay. They were greeted by Sari.
"Debbie! Kuya Eli!" nakangiting bungad nito. Medyo mabagal itong maglakad dahil sa malaki na nitong tiyan. Niyakap sila nito. Nagmano si Zara sa babae.
"Sari, pasensya ka na kung na-late ako ng abiso sa inyo," sabi ni Debbie.
"It's all right, Debbie. Parati kayong welcome rito. Our home is your home too." Nag-utos si Sari ng katulong na maghahatid sa mga gamit nila sa guest room. "I prepared three rooms for you. Is that okay?"
"Sure," sagot niya. "Salamat Sari."
"Maya-maya pa ang uwi ni Elijah. Susunduin pa niya si Dan sa school. Tinawagan ko na rin sina Elisha at Faye at sinabihang ngayon ang dating ninyo. Dito sila maghahapunan."
"That's great, Sari," aniya. Gusto niyang makita ang mga kapatid niya.
"Am I smelling Sinigang?" tanong ni Marcie.
"Yes," nakangiting sagot ni Sari. "Ako nga pala si Sari."
"Hello Madam," magalang na bati ni Marcie saka nakipagkamay sa sister-in-law niya. "Ako po si Marcie. Estudyante po ako ni Dr. Steele."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 8: Serpent's Kiss
FantasiSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. He is the famous and influential Eli Aragon of Symphonia Group of Companies He is the fam...