Abala si Ailee sa kanyang phone habang nakatambay sa Starbucks sa loob ng mall. Kasalukuyan siyang nage-edit ng photo niya na ipopost niya sa instagram account niya.
"Sorry, I'm late." sabi ni Michelle na kanina pa niya hinihintay.
"Wala pa si Eli." sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa phone.
"Busy sa thesis iyon. Dagdag mo pang 'di sila nagkakaintindihan ni Calix lately." dismayadong saad nito.
Nag-type siya ng caption sa kanyang photo at ipinost na iyon sa account niya tsaka niya lang binalingan si Michelle.
"They'll get pass this. Mahal nila ang isa't isa." kibit-balikat niyang sagot. Uminom siya sa kanyang frappe. "Himala 'di mo kasama si Adam?" tukoy niya sa pinsan niya na nobyo ngayon ni Michelle.
Umingos ang kaibigan at nag-iwas ng tingin. "Galit kami." Iyon lang ang sinabi nito kaya hindi na siya nagtanong pa. Ayaw naman niya maging nosy. That's their business, anyway. May mga sarili rin siyang problema, sa school nga lang at hindi sa love life.
Humugot siya ng malalim na hininga nang maalala niya ang love life niya. Mahigit pitong buwan na rin ang nakakalipas simula nang magstart ang huling taon niya sa kolehiyo. Huli niyang naging boyfriend ay iyong gagong si Donald. Huling balita niya ay na-hold ang candidacy nito for graduation dahil ang mismong dean ang nakakita rito na nakikipag-sex sa student assistant ng dean sa loob ng opisina mismo nito.
Dapat nga kick-out na iyon eh, pero napakiusapan lang ng magulang. As for the student assistant, nag-drop ito sa school siguro sa kahihiyan.
"Tapos ka na ba sa thesis niyo?" tanong sakanya ni Michelle.
"Yup. Nakapag-final defense na kami. Ngayon, iyong event nalang ang inaasikaso namin." sagot niya.
Natapos rin nila ang thesis nila. Siyempre sina Buwi at Josie ang mga ka-grupo niya sa thesis. Ngayon, ang event nga ang pinagkakaabalahan nilang buong klase. It's part of their requirement. Balita niya, fun run at zumba ang naisip ng section A habang fashion show at cocktail party ang sa section C. As for their class, section B, isang music fest ang naisip nila.
"Nagtext si Eli, 'di daw siya makakapunta." pukaw sakanya ni Michelle habang nakatingin sa phone nito.
"Ano, tuloy pa ba tayo?" tanong niya. Balak kasi nilang magsineng tatlo. Tagal na rin kasi na hindi sila nagba-bonding dahil pare-parehas silang busy sa thesis.
"Ikaw?" tanong ni Michelle.
Tumawa siya at umiling. "Next time nalang. Sige na, puntahan mo na si Adam." tudyo niya rito.
Umirap sakanya si Michelle pero umalis rin naman. She decided to stay a little longer, sayang ang free wifi. She's busy scanning through her feed when Buwi called.
"Beks! Tara, Quartell tayo!" aya nito.
Kaagad na napingiti siya sa sinabi ng kaibigan. Ang tagal na rin ng huling punta niya sa Quartell. Halos limang buwan na rin? Then suddenly, a deep dark set of eyes flashed through her mind.
She sighed. Vaughn. Naalala nanaman niya ito. Huling punta niya ay wala ang banda nitong HighGrand. Nang magtanong si Buwi sa manager ng bar, ang sabi ay nasa Singapore daw ang mga ito dahil may nag-offer ng gig doon.
She was dismayed. Aaminin niya, kaya lang naman siya nagpupunta sa Quartell ay dahil sa pagkain, and well, dahil kay Vaughn. She developed a tinsy bitsy crush on him after their encounter sa labas ng bar seven months ago.
Hindi na siya nagpalit ng damit at hinintay nalang sina Buwi at Josie sa Metro Streets kung saan napag-usapan nilang magkita. Sabay-sabay silang naglakad papunta sa underground bar. As usual, wala naman masyadong nagbago sa bar. Same old design, aura and smell. Thing is, pansin niyang mas lalong dumami ata ang mga tao sa loob. Kinailangan pa nga nilang maghintay ng kaunti para makahanap ng upuan.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...