Thank you to those peops who patiently waits for my update.
Also, to those who tweets.-------
Sumasakit na ang panga ni Ailee sa kakangiti sa mga reporters at photographers na nasa harapan nila ngayon. She was beside her father while Marky's beside their mother. The four of them are standing in front of the media.
Today, Montello Records received an award for being the number one recording company of this year. Because her dad is the pwner and CEO of the company, he would obviously receive the award and being his family, matik na kasama sila.
"Mr. Montello! Mr. Montello!"
Lahat ata ng reporters at photographers ay nag-uunahan upang kuhanin ang atensyon ng Dad niya o Mom niya.
"Thank you very much." Si Marky na ang nagsalita hudyat na tapos na ang pagkuha ng mga litrato.
Iginiya sila ng mga guards palabas ng venue dahil hinahabol pa rin sila ng mga reporters hanggang sa parking lot. Kung tutuusin, hindi naman sila mga artista, pero ang Dad niya ay kilala na sa industriya ng musika.
Lahat ng top singers ay sakanila nakapirma ng kontrata. May mga hinahandle din ang kompanya nila na mga singers na kilala na sa iba't ibang bansa kaya hindi na siya nagtaka na hahabulin sila ng ganito ng mga reporters.
They settled in their seats. "Kain tayo?" tanong ng Daddy niya.
Sumang-ayon silang magkapatid. Nagpunta sila sa isang restaurant sa may Katipunan. Habang iginigiya sila sa kanilang upuan, may tumawag sa Daddy niya. Siyempre, pinuntahan iyon ng Daddy niya na sinundan nila.
Nagkamay ang Daddy niya at ang lalaking tumawag rito. Katabi nito ang isang ginang na sa tingin niya ay asawa nito.
"Kamusta ang cruise?" tanong ng Daddy niya sa lalaki.
Tumawa ang kausap nito. "It was fun. Nakapagrelax kaming mag-asawa."
Binalingan ng Mommy niya iyong asawa nung lalako. "Kamusta Helena?"
Ngumiti naman ang tinawag nitong Helena. "Ito, parang bagong kasal. Kakain palang ba kayo o tapos na?"
"We're just about to eat." sagot ng Mommy niya.
Pumalakpak ang asawa nung Helena. "Great! Kami rin ay kararating lang. Why don't you join us?" alok ng lalaki na mabilis namang pinaunlakan ng magulang nila.
Sila ni Marky ay tahimik na sumunod lang. "Nasaan ang anak niyo, Vlad?" tanong ng Daddy niya.
"He's just parking the car." sagot nito. "Kamusta ka naman, Ailee?" Nagulat siya nang bigla siyang balingan ni Vlad.
Ngumiti siya. "Okay lang po." sagot niya.
Tumango ito at si Marky naman ang kinamusta. Habang nagbabasa sila sa menu, nagsalita si Helena. "Oh there he is." Dahila nasa tapat lang nila si Helena, nakita niya na may kinawayan ito sa may likod nila.
"Mr. and Mrs. Montello."
Nanigas ang likod niya nang marinig ang baritonong boses na iyon. Mahinang napamura siya lalo na't nakumpirma niya kung kaninong boses iyon. Napatingin sakanya si Marky na nasa kaliwang side niya pero mabuti't hindi ito nagsalita.
Umupo sa tabi ng Mommy nito si Vaughn na sa kasamaang palad ay nasa tapat niya.
"Vaughn. Kamusta, hijo?" tanong ng Daddy niya.
Inayos ni Vaughn ang coat nito at kinuha ang menu na inabot ng waiter. "Mabuti naman Mr. Montello. Business is doing good. I heard about your award, congratulations."
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...