Twenty

38.8K 1.2K 75
                                    

"Fuck, fuck, fuck.. ano'ng gagawin ko? OMG."

Pabalik-balik ng lakad si Ailee habang sunod-sunod na nagmamantra sa harap ni Elisha at Michelle. Biglaan kasi nag-aya si Elisha na mag-movie marathon sila sa bagong condo unit nito.

Napatigil siya sa paglalakad nang batuhin siya ni Michelle ng throw pillow. "OA mo! Maupo ka nga!

Sumalampak siya ng upo sa couch at malakas na bumuga ng hininga. "I'm so doomed!"

"Ano'ng doomed? Ailee, you're just in love. What's wrong with that?" sabi sakanya ni Elisha na tutok ang atensyon sa malaking flat screen tv nito.

She sat up straight. "That's the problem! Hindi ko expected 'to!"

"Isn't that the main point? Love comes to you unexpectedly." Michelle countered.

She rolled her eyes. "Hindi niyo kasi maintindihan."

Bumuntong-hininga si Elisha at pinause ang pinapanood. She looked at her. "Naiintindihan ka namin. You fell in love, that's normal. Natatakot ka lang kasi wala naman kayong label ni Vaughn."

Sumang-ayon kaagad si Michelle. "Truth! Tsaka, nag-aalinlangan ka kasi you're not sure if Vaughn loves you too or it's just a temporary infatuation for him."

Natahimik siya sa mga sinabi ng mga kaibigan. Lalo na ang sinabi ni Michelle. Her friend is right. Kumbaga, sapul na sapul siya sa sinabi nito.

Natatakot nga siya. Maraming tanong ang pumapasok sa isip niya sa tuwing naiisip niya ang nararamdaman para kay Vaughn.

Paano kung pagtawanan siya nito?

Paano kung hindi naman siya nito mahal?

Paano kung laro lang para rito ang namamagitan sakanila?

Paano kung.. katulad lang din siya ng pagbabanda nito, isa lang din ba siyang pansamantalang kasiyahan?

Iniisip palang niya ang mga iyon, nanghihina na siya. Hindi niya ata kakayanin kung hindi man umayon sakanya ang mga isasagot ni Vaughn sa mga katanungan niya.

"Natatakot ako.." amin niya.

Inakbayan siya ni Elisha. "That's also normal, Ails. It's okay to be afraid."

"Just tell him. And whatever his answer might be, we're just here." sabi naman ni Michelle.

She pouted at her friends. "Ehhh! Ang sweet niyo naman kasi eh! Bakit kayo ganyan?!"

Natatawang binatukan siya ni Elisha. "Ikaw na nga itong tinutulungan eh!"

Sa kalagitnaan ng pagtatawanan nila, tumunog ang phone niya hudyat na may tumatawag sakanya.

Vaughn calling...

She looked at her friends that were currently looking at her. They nodded at her, telling that she should answer the call.

Ngumiti siya sa mga ito at lumabas sa may veranda at sinagot na ang tawag.

"Vaughn?"

"I.. I love you.."

Napatda siya sa narinig. Did she heard it right? O baka naman guni-guni niya lang iyon? Sa kagustuhan niya na marinig iyon mula kay Vaughn, pinaglalaruan na siya ng pandinig niya.

"Ailee.." ungot ni Vaughn.

Napakunot ang noo niya. "Vaughn, lasing ka ba?"

"Ailee.. hmm, I love you.."

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon