Nakangiti si Ailee habang pinagmamasdan ang mga batang nakapila sa harap niya. Kasalukuyan siyang nasa isang outreach program sa isang orphanage. Kasama niya sina Michelle at Elisha na nagpapamigay ng mga laruan sa mga bata.
"Oh kids, huwag kayo magtulakan. Marami pa kaming dala dito so lahat naman kayo makakakuha." sabi ni Michelle habang inaayos nito ang mga pila ng mga bata.
Ang mga workers ng orphanage ay nasa gilid at inaalalayan din ang ibang mga bata. Medyo malaki kasi ang Bright Smiles - isang orphanage na may pinakamaraming bilang na mga bata na inaalagaan at pinatuloy.
"Masaya ako at ang mga bata dito ang napili niyong bigyan ng kasiyahan." sabi sakanya ni Nanay Janice na siyang may may-ari ng orphanage. May katandaan na ito kaya naman may tungkod itong dala. Masaya siya dahil may mga taong katulad ni Nanay Janice na handang tumulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit o anupaman. Nakwento sakanya nito noon na kaya nito ipinatayo ang Bright Smiles ay dahil nawala ang anak nito noon at nang mahanap na nito ay nadiskubre nilang may sakit at kalaunan ay namatay. Pagkatapos ng nangyari ay hindi na nagkaanak pang muli si Nanay Janice kaya binuo niya ang Bright Smiles. Lahat ng mga bata dito ay mga anak niya na kung ituring.
"Syempre naman, 'nay! Hinding-hindi ko pwedeng makalimutan ang Bright Smiles." nakangiting sabi niya sa matanda.
Pumalakpak si Elisha upang kuhanin ang atensyon ng mga bata na kanina pa sabik sa mga dala nila. "Pila kayo ng maayos ha? Pagkatapos niyo makuha ang toys niyo, punta na kayo sa dining area. Okay ba iyon?"
"Opo!" sabay-sabay na sagot ng mga bata.
Mabilis din naman natapos ang pamimigay nila ng mga regalo at dumiretso na sila sa may dining area. Kausap niya si Nanay Janice nang may lumapit dito na worker nito.
"Nay, nandiyan po ang mga Versoza."
Natigilan siya at magtatanong pa sana kay Nanay Janice nang may ngitian ito sa bandang likod niya.
"Helena! Vlad!" masayang tawag ng matanda at agad na pinuntahan ang mga ito.
Hindi siya makalingon. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito kapag nagkita na sila.
"Nay Janice! Mukhang may event pala rito. Pasensya na at biglaan ang pagpunta namin dito, may dala lang kaming mga school supplies para sa mga bata." narinig niyang sabi ni Tita Helena.
Tumawa naman si Nanay Janice. "Naku, maraming salamat! Siya nga pala! Sila Ailee ang may gawa ng event na ito para sa mga bata."
Sandali siyang huminga at pumikit bago humarap sa kanila.
"Ailee?" nakangiting tawag sakanya ni Tito Vlad.
Ngumiti siya ng tipid sa mga ito at hinalikan ang mga ito sa pisngi. "Hello po, tito, tita.."
Nailang siya sa paninitig sakanya ni Tita Helena. Hindi ito nakangiti na tulad ni Tito Vlad pero hindi naman din ito mukhang galit.
"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Tita Helena sakanya.
Lumunok siya at pilit na inayos ang boses niya kahit na sa totoo lang ay sobrang kabado niya. "Mag-tatatlong buwan na po."
Tumango ito. "Nagkita na ba kayo ng anak ko?" diretsahang tanong nito.
"Helena.." pigil ni Tito Vlad sa asawa.
Tumingin lang ito sa asawa at sa huli'y bumuntong-hininga.
"Have you already seen Vaughn, hija?" tanong muli ni Tita Helena.
Kumunot bahagya ang noo niya. "Po? N-Nagkita naman na po kami. Bakit po ninyo natanong?"
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...