Epilogue

82.8K 1.7K 115
                                    

"Five minutes nalang pre."

Tumango lang si Vaughn kay Riley nang tapikin siya nito sa balikat niya. He was busy texting his dad. Nangungulit ito na tigilan na raw niya ang pagbabanda at magfocus na sa business nila. He typed "No" and turned off his phone, tiyak kasi na tatawag ito kaagad kapag nabasa ang reply niya.

Hindi pa nga siya tapos mag-college. Ang usapan, after he graduates. May ilang buwan pa siya bago grumaduate. For now, he'll enjoy his freedom.

Siniksik niya sa back pocket ang phone at umakyat na sa stage. Napangiti siya nang marinig ang malakas na hiyawan na nanggagaling sa mga tao, karamihan ay kababaihan. He likes the attention. Actually, silang apat ng kanyang mga kaibigan ay mahilig tumugtog at kumanta. Sa school nila nung high school, nagkaroon ng talent contest at dahil sa kinailangan nila makabawi sa isang subject, pinilit silang apat ng teacher nila na sumali kaya naisipan nilang bumuo ng banda.

Kaibigan nila ang may-ari ng The Quartel, ang underground bar na pinagtutugtugan nila madalas. Hindi ito katulad ng ibang bar na puro EDM at strobe light ang makikita. Dito ay chill lang ang vibe. Just the way they like it.

"We're High Grand and this song is for you!" sigaw niya at nagsimula nang kumanta nang magsimula ng tumugtog ang mga kaibigan.

As he was singing, he caught a pair of almond eyes. The same eyes he once caught a year ago. Nakita na niya itong babaeng ito last year. Too bad dahil umalis din ito kaagad noon, pero ngayon kasama nito ang mga kaibigan siguro nito.

She's looking at him also! Napangisi siya sa realisasyon. Pinagpaliban muna niya ito at tuluyang kumanta.

Lalapitan niya sana iyong babae nang makita niya itong lumabas na may kausap sa telepono nito. Kaya naman dahan-dahan niya itong sinundan para hindi siya mahuli ng mga kaibigan. Tiyak kasi na pagtatawanan lang siya ng mga ito.

"Sige po. I love you, too." sabi nung babae pagkalabas niya ng bar. Does she have a boyfriend?

"Trouble in paradise?" tanong niya at prenteng nilagpasan niya ang babae at sumandal sa motorbike niya.

The girl jolted, obviously shocked by his presence. Does his presence affects her?

The thought of it makes him wanna smile.

Pero bago pa niya iyon magawa ay bumunot nalang siya ng sigarilyo at  sinindihan iyon.

"So, trouble with your boyfriend?" sabi niya habang nasa bibig parin ang sigarilyo.

Tumikhim ito at halata sa itsura ang pagpapanic. "No. That's uh.. that's my Dad I was talking on the phone."

Ngumisi siya sa maling akala. Hindi niya alam pero nagustuhan niya nang malamang walang boyfriend ito.

"Want some?" alok niya sa kanyang sigarilyo.

Umiling ito.  "I don't smoke. Ayoko masira baga ko."

Umismid siya. "Such a good girl." Just my type.

Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi dahil pinagtaasan siya nito ng kilay at akmang tatalikuran siya. Hindi siya makakapayag. He doesn't want to let her go at some point.

"But I find good girls sexier than bad ones." bigla niyang sinabi na ikinatigil nito.

Gusto niyang mangiti nang pagmasdan nito ang kabuuan niya. But he doesn't want to point it out because she might get embarrassed.

Kaya kahit labag sa loob niyang umalis, iyon nalang ang ginawa niya.

"Hey, sexy girl! Hope to see you next time."

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon