Mabigat ang loob niya. Tama ba ang ginawa niya? Tama lang ba na ibalik niya ang sakit na naramdaman niya nang iwan siya ni Ailee?
"Ano'ng nangyayari?"
Tinignan ni Vaughn si Rajani nang lumapit ito sakanya kaya nabalik nito ang sarili mula sa malalim na pag-iisip. Naalala nanaman niya ang sinabi ni Ailee kanina lang. This woman in front of her is cheating on him. He wanted to laugh at her face for concluding that Rajani and him are an item.
Hindi naman lingid sa kaalaman nila na nata-tabloid sila dahil kamakailan lang ay magkasama sila ni Rajani sa mga social events.
"What?" yamot na tanong niya sa babae nang pinitik-pitik nito ang mga daliri sa tapat ng mukha niya.
"Are you even listening to me?" irap nito.
Napailing nalang siya sa inasta ng babae. Kung hindi lang siya pinakiusapan ni Lukas ay hinding-hindi niya sasamahan sa social gatherings itong girlfriend ng kaibigan niya.
Rajani and Lukas were the item. Not him and her. Nagulat nga siya nang hindi alam ng media ang tungkol sa relasyon ng dalawa. Marahil siguro'y hindi naman palalabas ang dalawa. Trip kasi ng mga ito ang magbahay-bahayan lang.
"Stop! Please stop!"
Nabaling ang atensyon nilang lahat nang may malakas na sumisigaw na nanggagaling sa labas.
"Ano iyon?" tanong ni Rajani.
Babaliwalain na sana niya nang marinig ang mga susunod na sigawan.
"Ailee! Ailee!"
Walang sabi-sabing lumabas siya at sinundan ang mga nagtatakbuhang tao. He saw Ailee running after some guy.
"Ailee!" he called her but she just continued running after the guys.
Naalarma siya nang sumakay ito sa kotse at pinaharurot iyon. What is she doing?!
Bigla siyang nataranta kaya kaagad niyang hiniram ang motorcycle bike ng security guard na pinahintulutan naman siya. Pinasibad niya ito at sinubukang habulin ang kotse ni Ailee.
Wala siyang gaanong makita dahil sa kapal ng fog sa daan. He looked around and tried to find her car but he can't see it. Nakailang ikot pa siya nang may marinig na malakas na busina sa hindi kalayuan. Biglang dinagundong ng kaba ang dibdib niya.
No, no, no!
Mabilis na inikot niya ang motor at hinanap ang pinanggalingan ng malakas na tunog na narinig. Palinga-linga siya sa paligid at nang may makita siyang kotse at napatda siya sa kinaroroonan.
"Ailee!!" sigaw niya at mabilis na tumalon pababa ng motor at tinakbo ang distansya niya at ng kotse nito.
He cursed when he saw the state of the car. Wasak-wasak ang unahang parte nito. Basag ang mga salamin, umuusok ang hood at nabasag ang puso niya nang makita si Ailee na nakayakap sa may manibela, halos lumabas na ang katawan nito sa basag na windshield. Punong-puno ng dugo.
Napaupo siya dahil tila nawalan siya ng lakas. Nanginginig ang buo niyang katawan sa nakikitang kalagayan nito. This is a nightmare. Seeing Ailee in her own blood is pure torture for him. It was like his life was taken at the sight of her.
He gathered his wits back and called for help. He cupped her cheek.
"Hold on, baby. Please don't die."
---
"Base sa imbestigasyon, may hinahabol itong photographers at hindi nakita ang kasalubong na kotse kaya kaagad na kinabig ang manibela at bumangga sa puno." imporma ng pulis.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...