Kanina pa naiinis si Ailee dahil hindi niya matawagan si Vaughn. She already asked Riley, Brent and Lukas about his whereabouts, pero maging ang mga ito ay hindi alam kung nasaan si Vaughn.
Tumili siya sa sobrang inis kaya napatingin sakanya sina Josie at Buwi na kasama niya ngayon. Nagyaya kasi si Buwi umalis dahil gusto nitong magcelebrate sila dahil natanggap ito bilang assistant stage director ng isang play sa New York.
"Hindi mo pa rin ma-contact?" tanong ni Josie.
"Hindi! Leche!" inis na sabi niya.
"Huwag ka nga maingay, girl. Nakakahiya ka." sabi ni Buwi.
Umirap siya at humalukipkip. "Wala akong pakealam. I can close this restaurant down if I want to."
Tumawa naman ang dalawa niyang kaibigan. "Ang yabang mo kapag galit ka." sabi ni Buwi.
Napanguso nalang siya at sinubukan pa muli tawagan si Vaughn, pero binagsak lang niya sa lamesa ang phone niya dahil hindi pa rin nito sinagot ang tawag niya.
Is she being too clingy? Hindi naman 'di ba? In fact, she has some rights to do it naman, 'di ba?
Dati naman, isang ring lang nasasagot ni Vaughn ang tawag niya. Six months had passed, marami na ang nagbago. Isa na doon ang tuluyang pagtigil sa pagbabanda nina Vaughn. They are all now managing their family businesses. Siya naman ay kasalukuyang nasa last leg ng play na pinagbibidahan niya. Si Josie naman ay isang floor director at si Buwi nga ay mageestablish na ng career sa New York.
"Baka naman kasi busy talaga iyang boyfriend mong hilaw." sabi ni Buwi.
Napangiwi siya sa sinabi nito. Sa anim na buwan ng nakalipas, may mga bagay na hindi naman nagbago. Hanggang ngayon, hindi pa rin linaw sakanya kung magnobyo na ba talaga sila ni Vaughn. Hindi kasi nito siya tinanong officially eh. Basta nalang parang alam na nila pareho na exclusive sila para sa isa't isa.
"Imbes kasi na mainis ka diyan, bakit hindi mo nalang puntahan sa opisina." suhestiyon ni Josie sakanya.
Actually, naisip na niya iyan. Kaya lang kagagaling niya lang sa opisina nito kahapon, ayaw naman niya na araw-arawin sa office nito si Vaughn. Isa pa, batid niya rin ang mga tingin na binibigay sakanya ng mga empleyado ng kompanya nito. Matindi kasi ang training ni Vaughn sa business ng pamilya nito. Minsan nang magkaroon sila ng oras na magkausap, nakwento nito na sobrang higpit daw ng Daddy nito.
Natutuwa siya kapag nagkekwento si Vaughn sakanya, tapos makakatulugan nito iyon dahil sa pagod. Okay lang sakanya iyon. Naiintindihan naman niya ito dahil maski siya ay may mga araw na sobrang busy. Pero kasi, hindi rin naman niya maiwasang mainis minsan sa kawalan nila ng oras sa isa't isa.
Bakit naman siya, nakakapagtext kahit isa lang kahit na busy siya? Hindi ba nito magawa iyon sakanya? Alam niya na masama ang komparahin ang efforts nilang dalawa, pero hindi niya talaga maiwasan.
"Mamaya mo na ulit tawagan. Tsaka, we're here to celebrate! So cheer up ka nga diyan! Magpaparty tayo mamaya sa Jukebox!" anunsyo ni Buwi.
"Treat mo ha." sabi nalang niya.
Inirapan siya ni Buwi pero hindi na ito nagreklamo.
Kinagabihan, natuloy nga sila sa Jukebox. Buwi invited some of his friends to join them. Tinotoo nito ang panlilibre, bumabaha ng alak at pagkain ang lamesa nila. Mukhang masayang-masaya talaga ang bakla niyang kaibigan.
"Tara sayaw tayo!" aya sakanya ni Josie.
Ibinaba niya ang kanyang baso. "Ayaw ko, ikaw nalang." umiling siya.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...